Four

46.3K 1.1K 66
                                    

Nagmamadaling naglalakad si Elisha papasok sa CAL building. Bukod sa iniiwasan niya si Calix, malelate na rin siya sa kanyang klase. At nang liliko na sana siya, bigla naman siyang nabangga sa isang matigas na dibdib. Napamura siya nang makilala ang amoy ng nabangga niya. Mabilis na inilayo ni Elisha ang sarili sa hawak ni Calix.

"Malelate na ako. Excuse me." sabi niya at lalampasan na sana niya ito nang hilahin nito ang braso niya. Calix is obviously pissed at her because she's avoiding him.

Napabuntong-hininga siya. "I said no, Calix. Kung gusto mo si Czarina, ikaw ang lumapit sakanya."

She felt humiliated yesterday when Calix asked her about Czarina. She was assuming things nanaman. Her heart was like stabbed by a knife when he dropped the bomb at her. Kaya pala siya inaya na sumabay sa kotse nito, may agenda pala. At iyon ay ang ipakilala ito kay Czarina.

Calix heaved out a frustrated sigh. "I tried, okay? But she rejected me."

Hindi niya alam kung malulungkot ba siya para kay Calix o magtatatalon sa tuwa. But she would choose the latter.

"Iyon naman pala eh. Tanggapin mo nalang na ayaw niya sa'yo."

"Hindi naman niya ayaw sa'kin. It's just that, she's holding back. Kaka-break lang kasi nito sa boyfriend nito." paliwanag sakanya ni Calix.

Kumunot ang noo niya. "Bakit ba kasi ako ang hinihingan ng tulong mo?"

"Because we're friends!" nakangiting sabi nito.

Nagpupuyos ang kalooban niya. Ngayon, they're friends? Wow! Just wow!

Narinig niyang nagpakawala ng hininga si Calix. Ipinatong nito ang dalawang kamay sa magkabilang balikat niya. "You'll help me, right? Right? Please, Elipot."

That made her froze. "Ano'ng tinawag mo sa'kin?"

"Hmm? Elipot? That's you're nickname, right?"

Nickname mo sa'kin. She wants to answer but she chose not to. Akala niya magiging masaya siya kapag narinig niya ulit ang tawag nito sakanya. Pero sa sitwasyon ngayon, hindi niya magawang maging masaya. In fact, she started hating that name now.

"Don't call me that."

Kumunot naman ang noo ni Calix. "Why? Ayaw mo ba ng Elipot?" he teased her.

Malakas na hinawi niya ang magkabilang kamay ni Calix sa mga balikat niya. "Sinabi nang huwag mo kong tawagin ng ganyan eh!" naiinis na sigaw niya rito.

Calix raised both of his hands. "Okay! Chill, chill! Hindi na." mabilis na tugon nito.

She walked out on him but heard him following her. Naiinis na siya. Pero hindi niya magawang hindian ito. "I can't believe I'm doing this." bulong niya sa sarili at mabilis na humarap kay Calix na napatigil din sa kakasunod sakanya.

"Fine." she said with defeat.

"Fine?" nangingiting tanong nito. Alam niyang alam nito ang sinasabi niya so she didn't elaborate further what she said. "You mean, payag ka na?! Yes! Yes!"

Parang naugat siya sa kanyang kinatatayuan nang bigla siyang yakapin ni Calix at binuhat pa siya. Mabilis na humiwalay siya rito. She held her chest. Hindi niya alam na ganito magiging kasaya si Calix para lang sa isang babae.

"Promise iyan ah? Wala ng bawian! Ililibre kita lagi ng lunch, Elisha!" excited na sabi nito sakanya.

"But I have conditions, Calix. Hinding-hindi ako magsisinungaling kay Czarina. Sasabihin ko sakanya ang lahat ng totoo tungkol sa'yo. No sugar coating. One date. Kapag napapayag ko siya, you're on your own." paliwanag niya rito.

Hooked [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon