Eight

47K 1.2K 28
                                    

Add nyo ko sa Fb. Candy Mendoza. Nakatoga po ang dp ko.
Konti nalang ga-graduate na ko. Nafeel ko lang siya nang ipost ko ang toga picture ko. Huhu.

------

Tahimik lang si Elisha sa tabi ni Calix habang binabaybay nila ang kalsada pauwi. Hindi naman din nagsasalita ang lalaki, kaya hindi na rin siya nagsalita. Tanging ang musika lang na nanggagaling sa music player nito ang ingay sa loob ng kotse hanggang sa bigla na lamang umeksena ang tiyan niya at kumulo ito.

Mabilis na tinakpan niya ang tiyan na para ba na kapag ginawa niya iyon ay babalik ang oras. Nagdasal siya na sana hindi narinig ni Calix ang kulo ng tiyan niya. Hindi naman ito nagsalita, pero batid niyang narinig nito ang ginawang ingay ng papansin niyang tiyan. Sa tahimik nilang dalawa at sa lakas na nilikhang tunog ng tiyan niya, alam niyang narinig nito iyon.

Huminga siya ng malalim at pilit na inialis sa isipan ang nakakahiyang nangyari. Napansin niyang nag-U-turn si Calix na taliwas sa daan pauwi sakanila.

"Teka, saan tayo pupunta? Sa kabila ang daan pauwi."

"I know." tipid na sagot nito sakanya.

"Then where are you taking me?" nagtatakang tanong niya.

"Sa Santillan's." tukoy nito sa restaurant na pagmamay-ari ng pamilya nito.

Kumunot ang noo niya. "Ano'ng gagawin natin doon?"

Sumulyap sandali sakanya si Calix. "Uhm, to eat?" sagot nito na parang obvious naman.

She rolled her eyes at him and then he heard him laugh. "What?" tanong niya rito ngunit tanging ngiti lang ang sinagot nito sakanya.

"What?" ulit niya. Isa niyang ugali ay kapag nacurious siya sa isang bagay, pilit niyang inaalam iyon. And that's what she's doing now. Calix has this grin on his face that she knows there's something behind that grin.

"What? Calix!" naiinip na tanong niya ulit dito. May bahid na ng pagkainis ang boses niya.

Natawa na ng tuluyan si Calix. "Nothing. Ang cute mo kasi mang-irap." natatawang sabi nito.

Sandali siyang natigilan pero kaagad din siya nakabawi at umupo na ng maayos. Tumikhim siya para pakalmahin ang loob niya. "Ihatid mo muna sana ako sa'min bago ka pumunta sa restaurant niyo."

"We are going to eat. I heard you stomach complaining." sabi nito tapos sakto namang traffic kaya may pagkakataon itong balingan siya. Nawala ang malokong ngiti nito sa labi at tinignan siya ng seryoso. "Don't tell me you skipped meals again?"

Again? Paano naman nito nalaman na madalas ay nakakaligtaan niya ang pagkain ng lunch. Lalo na kanina, hindi na siya nakakain ng lunch dahil busy siya sa pagre-review para sa mga exams niya ngayong araw. Tapos, maaalala niya lang na hindi pa siya nakakakain kapag nagagalit na ang tiyan niya katulad na lamang ng nangyari kanina.

Narinig niyang pumalatak si Calix. "Hindi ka sumabay kanina sa'min mag-lunch. And then, Adam told mr that you have this habit of skipping your meals. That's not good, Elisha."

Napakagat siya ng labi. Pakiramdam niya'y nakagawa siya ng malaking kasalanan na ikakasira ng ekonomiya ng Pilipinas nang pagsabihan siya ni Calix ngayon-ngayon lang. Madalas nga siyang pagalitan ng Mama at Papa niya dahil minsan din ay nakakatulugan niya na ang pagkain ng hapunan.

"I was busy studying that I forgot to eat my lunch. Sakto naman nag-bell na nang pababa na sana ako para kumain." Pakiramdam niya na dapat siyang magpaliwanag kay Calix. Hindi ba niya alam, parang nagiging bata muli siya na natatameme na parang tuta kapag napapagalitan.

Hooked [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon