Thirty-one

41.7K 1K 41
                                    

Ang daming nangyari matapos umalis ni Calix. Isang linggo pagkatapos nitong umalis, nasangkot si Isaac sa isang gulo. Nabaril ito at na-comatose. Umuwi noon si Calix dahil sa nabalitaan pero dalawang araw lang ito nanatili dahil iyon lang ang pwedeng ibigay sakanyang panahon ng mga opisyal sa Red Phoenix.

Tatlong linggo matapos lumipas ang aksidente ni Isaac, ngunit hindi pa rin ito nagigising. Araw-araw nasa ospital silang lahat para sa pamilya ni Isaac. Naaawa siya kay Tita Mitch dahil hindi ito mapakain nina Tito Dylan at Dami dahil ayaw nito umalis sa tabi ng anak. Katulad na lang ngayon, kumpleto silang lahat sa private room ni Isaac dahil tumawag si Tita Mitch at binalitang kumislot daw ang kamay ni Isaac at kasalukuyan itong kinukumbinsi nina Tita Adie at Tita Erin na kumain pero matigas ang ulo nito at ayaw umalis sa tabi ng anak kaya naman inutusan ni Tito Marco sina Marky at Calvin na bumili na lamang ng pagkain.

Tumunog ang phone niya at tumatawag si Calix sa phone niya via skype. Lumabas siya sa kwarto at umupo sa hallway na wala namang katao-tao dahil alas-otso naman na ng gabi.

"Hi." bati niya nang sagutin ang tawag nito. Itinukod niya ang magkabilang siko sa mga tuhod at itinapat ang phone sa mukha.

"Hey.." masuyong bati ni Calix. Nakaupo ito sa kama. May suot itong pulang hood at medyo basa ang buhok nito. Halatang bagong paligo. Nasa San Diego ito at alam niyang paalis na ito ng dorm ng mga katulad nitong magta-try-out sa team. Sa pagkakaalam niya ay five am na ang oras sa San Diego.

"Aalis ka na?" tanong niya. Lately, hindi sila nakakapag-usap ni Calix dahil sa nangyari kay Isaac. Naiintindihan naman ito ng binata kaya heto at ito pa ang tumatawag sakanya para lang makapag-usap sila kahit sandali lang.

"Mamaya pang six siguro. Ang bagal ng mga kasama ko eh," reklamo nito tapos ay tumingin ito sandali sa likod bago tumawa.

Ngumiti siya rito. "Isaac moved his hand.." pagbabalita niya rito.

Nagulat ito sa sinabi niya. Nilapit pa nito ang camera sa mukha nito. "Really?! Gising na siya?" natutuwang tanong nito.

Bumuntong-hininga siya. "Hindi pa rin."

Calix's shoulders slumped. Maging ito ay nagpakawala ng hininga. "He'll find his way home soon."

Tumango siya. "I'm praying."

"Isaac's strong. I know he will wake up." Napansin siguro ni Calix ang pananahimik niya. "Hey.. 'wag ka na mag-alala masyado."

"I just.. I just wished you're here.." mahinang pag-amin niya.

Lumamlam ang mga mata ni Calix. "I wish for that too. I miss you, Elisha."

Naiiyak na tumingin siya sa camera. "I miss you too, Calix."

--

Makalipas ng dalawang linggo, excited na tinawagan niya si Calix via skype. Laging naka-online ito sa skype dahil sabi nito sakanya ay iniiwan niya laging bukas ang iPad nito kapag pinapatay nito ang laptop.

"Hmm, Elisha?" Gusto niya sanang pag-ukulan ng pansin ang matipunong dibdib ni Calix dahil naka-topless ito. Half-opened lang ang mga mata nito dahil alam niyang two am palang sa San Diego. Gulo-gulo ang buhok nito na nakadagdag pa lalo sa kagwapuhan ni Calix.

"Elisha?" pukaw nito sakanya. Mahinang natawa siya dahil sa pagkatulala niya.

"Sorry, ang gwapo mo kasi." biro niya.

Ngumisi si Calix at sumandal sa headboard ng kama nito kaya mas nakita pa niya ang matipunong dibdib nito. "Babe, that's a given fact."

Gusto niyang magtititili dahil tinawag siya nitong 'babe'. Sa mga huling pag-uusap nila, napapansin niyang ito na madalas ang itawag nito sakanya lalo na kapag naglalambing ito at nanglalandi sakanya.

Hooked [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon