Nakahinga na ng maluwag si Elisha nang maipasa na niya ang test paper niya. Huling exam na nila ito at sa wakas, semestral break na next week.
"Ang hirap ng exams! Thank God it's over." baling sakanya ng katabing si Czarina.
Nginitian niya ang dalaga at sumang-ayon sa sinabi nito. "Hindi ko nga nasagutan iyong isang question eh." nanghihinayang na saad niya.
Czarina rolled her eyes. "I saw you paper kanina. Ang dami mo kayang sagot!"
"Eh hindi ko naman sure kung lahat iyon tama." katwiran niya.
"Ikaw pa? Candidate ka for cum laude, right? Sure na sure na papasa ka niyan." nakangiting sabi sakanya nito.
For the past few weeks, naging ka-close niya lalo si Czarina dahil sa panliligaw ni Calix dito. Halos isang buwan na rin nang simulan ni Calix ang panliligaw sa dalaga, pero ang balita niya ay hindi pa rin pinapaunlakan ni Czarina si Calix kahit isa man lang date. Iyon ang sabi ni Calvin nang mapag-usapan nilang magkakaibigan ang estado ng relasyon ni Calix at ni Czarina.
Gusto niyang magtanong, lalo na kay Czarina pero pinili niyang huwg nalang. Ano naman ang mapapala niya? Mabuti pa na huwag na lang siya mangielam.
Nagliligpit siya ng mga gamit nang narinig niyang bumuntong-hininga si Czarina.
"Eli, can I ask you a question?"
Inayos niya ang kanyang bag at umayos ng upo para maharap ang dalaga. "Sure, what is it?"
Halata sa mga mata ni Czarina na nag-aalinlangan ito sa kung anuman ang gusto nitong itanong sakanya. Sa huli'y nagsalita din ito. "Does Calix really like me?"
Nagulat siya sa tanong nito. Napakurap-kurap siya. Nang mapansin niyang hinihintay talaga ni Czarina ang sagot niya, tumikhim siya at inayos ang suot na salamin. "Uhm, nililigawan ka niya, 'di ba? So I guess, gusto ka nga niya."
Ngumiti si Czarina ng tipid perp batid niyang pilit iyon. Kaya naman nag-alala siya. "May problema ba kayo?" Hindi niya na napigilan ang sariling magtanong.
Umiling si Czarina at nagkibit-balikat. "I just... hindi ko pa rin kasi kayang magtiwala ulit. Alam mo iyon? I think, Calix is not serious about me."
She doesn't know what to say. Ano ba ang alam niya sa nararamdaman ni Calix? Oo, kaibigan niya ito. Pero hindi naman sila ganoon ka-close para magsabi ito sakanya ng iniisip o nararamdaman nito. Maski siya ay nahihirapan sa nakikita. Ito na nga ba ang sinasabi niya eh. She said she doesn't want to be involved, pero pilit pa rin siyang sinasali ng mga ito.
"Why don't you just ask him?" suhestiyon niya.
Czarina gaped at her. "What? No way! That's like, suicide!" natatawang sagot nito. "Well, anyways, matagal ko pa naman pag-iisipan eh. I'm leaving tomorrow."
"Huh?"
"My family decided that we go to New York this semestral break. And maybe, baka makakuha ako ng internship doon." imporma nito.
Tumango-tango siya. "Uhm, Alam...ni Calix?"
Tumango si Czarina. "Yeah. Sinabi ko sakanya kanina."
Hindi na siya nagsalita pa at isinukbit nalang ang sling bag sa balikat niya. "Aalis na ako, ha? Magpapasa pa ako ng requirements sa OJT-in-charge natin." paalam niya kay Czarina.
"Saan ka nga pala mago-OJT?" tanong nito at sumabay na sakanya palabas ng classroom.
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko pa alam eh. Naghahanap pa ako."
Czarina flipped her hair off her shoulder. "Ayaw mo sa ibang bansa?"
Umiling siya. "Hindi ko pa napag-iisipan talaga eh."
Tumango ito. Nakita niya na kinawayan si Czarina ng mga kaibigan nito. "Oh, okay! Sige, ingat ka! I'll go ahead na rin." paalam nito at hinalikan siya sa pisngi.
Nagpunta na siya sa OJT-in-charge ng klase niya at ipinasa na ang mga requirements para sa nalalapit niyang practicum. Pagkatapos ay nakatanggap siya ng text kay Ailee na nasa may botanical garden daw ang mga ito kaya naman agad siyang pumunta doon.
Naabutan niya roon sina Ailee, Adam, Calvin at Vera. May hawak ang mga itong cookies na sa tingin niya'y gawa ni Vera.
"Tapos na exams mo?" tanong ni Adam nang maupo siya sa tabi ni Ailee.
"Oo. Finally, makakatulog na ako." sagot niya.
"Good for you, ako meron pa bukas." nakabusangot na sabi ni Ailee.
"Here ate, nagbake kami kanina ng cookies sa class namin." sabi ni Vera at inalok siya nito ng cookies na hindi naman niya tinanggihan. Vera is taking up Culinary Arts. Hilig nitong mag-bake and she bets that she will be a great patissiere.
"Wala na kayong exams?" tanong niya sa mga ito.
"May exam ako mamayang five pm." sagot ni Adam.
"Ako po, wala na." sagot ni Vera.
"Still have my exams until tomorrow." sagot naman ni Calvin na panay subo sa cookies na hawak nito.
"Ugh! Tigilan niyo na nga iyang pag-uusap niyo tungkol sa exams!" naiinis na sabi ni Ailee. Nagtaka siya nang bigla-bigla nalang itong tumayo at iniwan sila.
"Hey! Saan ka pupunta?!" sigaw niya rito.
"Uuwi! Matutulog ako!" sigaw nito pabalik.
"Ano nangyari dun?" tanong niya.
"Kanina pa badtrip yun eh. I saw her bantering at some guy in front of her class." imporma ni Calvin sakanila.
Siya din ay nagkibit-balikat nalang. Tumayo na rin siya at nagpaalam sa mga itong umuwi. Pagod na ang utak niya at kulang pa siya sa tulog kaya gusto niya na ang presensya ng kama niya.
Naglalakad siya palabas ng university nang biglang may tumigil na sasakyan sa gilid niya at bumusina pa ito. Nagulat siya sa lakas ng busina ng sasakyan kaya naman tumabi siya para makadaan ito pero nagulat siya nang makita si Calix na bumaba sa kotse.
"Where are you going?" tanong nito.
"New car?" tanong niya na hindi pinansin ang nauna nitong tanong.
"Nope. Nagpalit lang kami ni Dad. So, where you going? Don't tell me nag-cut ka?" akusa nito sabay tawa.
She had to check out Calix in just a short while. He's wearing a simple gray shirt, maong pants, his Adidas sneakers, and a matching Adidas cap. Ang cool nitong tignan.
"Nag-cut ka, no? Hindi ka makasagot eh." akusa muli ni Calix.
Mabilis na umiling siya. "Hindi ah! I just finished my exams. I was about to go home."
Kumunot ang noo ni Calix sa sinabi niya. "Where's your car?"
"Coding."
"Your driver?"
"Kasama si Mama. Nagpahatid sa rancho."
"Tara, sakay." sabi nito at pumasok na sa loob ng kotse nito.
Sandaling natanga siya sa narinig. Bakit siya nito pasasakayin sa kotse nito? Naputol ang pagkatulala niya nang ibaba ni Calix ang bintana ng kotse nito at tinawag siya ulit.
"Elisha. Let's go, sumakay ka na. I'll take you home."
Napaawang ang labi niya sa alok nito. "No need. I'll just take a cab. Sige na, you go ahead. I don't want to be a bother."
Pumalatak si Calix. "Do I have to repeat myself thrice? Come on, you'll never be a bother. Hop in, I'll take you home."
Sa huli'y bumuntong-hininha siya at walang nagawa rin. Umikot siya at sumakay sa kotse nito. Relax, Eli. It's just a ride home. Magtiis ka lang ng ten minutes. You'll survive.
BINABASA MO ANG
Hooked [Fin]
Ficción GeneralBarkada Babies Series #3 Calix James Santillan is Elisha Min Illustre's closest among her childhood friends. Palagi siya nitong hinihintay tuwing uwian, hinahatiran ng pagkain tuwing recess, at pinagtatanggol kapag may nang-aaway sakanya. Sa murang...