Thirty-six

48.4K 1.3K 186
                                    

"Uy, girl! Saan ka na? Hinahanap ka na dito!"

Nagkukumahog sa paglalakad si Elisha sa loob ng mall habang palinga-linga siya sa paghahanap ng bookstore na kailangan niyang puntahan. Sabi sakanya ay nasa third floor daw iyon kaya ito siya at mabilis na inakyat nalang ang escalator kakamadali.

"Nandito na ako. Saan ba ako didiretso?" hinihingal na tanong niya.

"Teka, lalabasin kita. Lumayo ka muna sa mga tao!"

Sinunod niya ang sinabi ng kausap at doon siya sa may tapat ng katabi nitong shoe store pumwesto. Nang mamataan niya ang kanina pa niya hinahanap, sinitsitan niya ito at kinawayan.

"Late ka nanaman! Naku, nangungunsumi na ako sa'yo!" sermon sakanya nito.

Natawa siya at niyakap ng mabilis ang kausap. "Hello din sa'yo, Quinn."

Inirapan siya ng kaibigan at hinila sa kamay. "Tara, doon tayo sa kabila dumaan. Hindi ka mapapansin doon."

Nakayuko silang pumasok sa bookstore at pinapasok siya sa ni Quinn sa isang pinto na adjacent sa makeshift stage na ginawa ng bookstore para sakanya.

Ngayon ang book signing niya para sa libro niya. Two years ago she was signed as an exclusive writer under Inked Media Corporations. Wala sa hinagap niya na magiging writer siya ng mga libro, but she's happy that this is he career. She's happy that through her books, she can bring people into somewhere outside their world.

Inaayos niya ang buhok nang pumasok ang big boss nilang si Ms. V. Nasa early 40's na ito at masasabi niyang strikto pagdating sa trabaho ang big boss nila pero masaya at magaan itong katrabaho. "Oh good, you're here. Ready ka na?"

Ngumiti siya sa big boss nila. "Always." confident na sagot niya.

Tumango ito sakanya. "We'll start the event. Marami na ang nakapila." sabi nito at tinawag na si Quinn para lumabas na sila. Nang maka-graduate si Quinn sa Cebu, inaya niya itong pumasok sa Inked Media at natanggap ito two months after niyang matanggap as an exclusive writer. Ngayon, si Quinn ang kanyang editor at kahit na lagi niyang pinapasakit ang ulo nito dahil sa ilang beses na pag-eedit nito sa mga gawa niya, nagpapasalamat siya dahil mahal naman siya ng kaibigan at ganoon din siya rito.

"Ready na ba kayo?!" rinig niyang sigaw ng Emcee sa audience at malalakas na tili at sigaw ang sagot ng mga tao.

"Get your books and pens ready dahil nandito na ang paborito na'ting book author! Hailed as the number one best selling author in the Philippines for two consecutive years. Her books always have the record for the most number of copies to be sold. Let's all welcome, Eli Min!

The moment the Emcee called her pen name, she came out from the backstage and waved at the people. Pumwesto siya sa may lamesa doon at pinagmasdan ang mga taong nagtiyaga at naghintay para sakanya. Balita sakanya ni Quinn ay hindi pa raw nagbubukas ang mall ay nakapila na daw ang mga ito sa labas. She's thankful because she has supporters like them.

Ngumiti siya dahil ang iba ay nakataas ang mga phones upang kumuha ng mga litrato at video niya. Kumaway siyang muli sa mga ito bago niya balingan ang emcee na ngayo'y nasa tabi niya na.

"Ms. Eli Min, ang daming fans na naghintay at nagpunta rito para lamang masilayan at mapapirmahan ang mga gawa mo. Bago tayo magsimula, may gusto ka ba munang sabihin?"

Ngumiti siya rito at kinuha ang mikroponong inilahad sakanya. "Good morning po sa inyong lahat! Pasensya na po at medyo na-delay ang pagsisimula, traffic po kasi." biro niya na ikinatawa naman ng mga tao.

Hooked [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon