"Mahal ko siya. Iyon lang, sapat na siguro para malaman niyo kung gaano ako kasaya."
Hindi pa rin makalimutan ni Elisha ang mga katagang iyon na sinabi ni Michelle sakanila nang mag sleep-over sila noong isang linggo. She saw in her friend's eyes the love and happiness she's also feeling whenever she's with Calix. Sa tuwing lumalabas sila, dinaig pa sila nina Adam at Michelle sa ka-sweetan.
"Let's go, Eli!" sigaw ni Michelle mula sa labas. Ngayon ang graduation nina Calix at Adam dahil magka-course ang dalawang ito. Napagkasunduan nila ni Michelle na magsabay nalang papunta sa SCU Convention Center. Mamaya ay susunod ang mga magulang nila sa isa sa mga reception halls na pagmamay-ari ng pamilya nina Adam at doon gaganapin ang party para sa dalawa.
Simpleng itim na turtle neck dress ang isinuot niya at suot rin niya ang puti niyang Adidas shoes. Si Michelle naman ay naka-maxi dress na puti at simpleng stringed sandals ang suot. Nakisabay siya kay Dami na bakas ang lungkot sa mga mata pero pilit na ngumingiti. Umalis na kasi ang ex nitong si Chiara. Parehas lang din ito ni Isaac na hindi sasama sa seremonya pero susunod mamaya sa party. Nagkaproblema kasi ito at ng girlfriend din.
Ganoon ba kahirap ang makipagrelasyon? Kapag kasi sinagot niya si Calix, ito ang magiging unang nobyo niya. Hindi naman sa wala siyang alam sa pakikipagrelasyon dahil mahilig siya magbasa ng mga romance novels, pero iba pa rin kasi kapag totohanan na talaga.
Bumuntong-hininga siya at iwinaksi nalang ang naiisip. Hindi ito panahon para isipin ang mga iyon. Importanteng araw ito ni Calix kaya dapat ay masaya siya.
Inabot lang ng halos tatlong oras ang seremonya. Kaagad niyang sinalubong ng yakap si Calix at binigyan ito ng halik sa pisngi.
"Congratulations!" masayang bati niya rito.
Ngumiti si Calix at hinapit lang siya sa bewang. "Thank you, Elisha. Ikaw naman next year." sabi nito.
Excited na tumango siya. Nagkatinginan lang sila at nagtawanan sa walang kadahilanan. Narinig nila ang sunud-sunod na pag-click ng camera. Paglingon nila ay nakangiting kinukunan sila ng litrato ni Tito Jeremie. Katabi nito si Tita Colyn na yakap ang anak na si Calvin.
Nagpaalam muna siya kay Tita Colyn na magsi-CR muna. Busy pa naman si Calix dahil kabi-kabila ang nagpapapicture dito, mapa-kaklase o 'di kaya'y schoolmate.
"Okay, Eli. Bilisan mo kasi tiyak na hahanapin ka niyang anak ko."
Natatawang umiling nalang siya at pumasok sa loob ng CR. Pumasok siya sa isang cubicle at ginawa ang dapat gawin.
"Grabe! Ang gwapo talaga ni Calix at Adam, ano? Sayang, nabawasan ng gwapo ang college na'tin." Napatuwid siya ng upo nang marinig iyon sa babaeng tantiya niya'y kapapasok lang.
Natawa ang kasama nitong babae. "Okay lang iyan. Tsaka, ang gaganda ng girlfriends nila, ano? Bagay lang. Wala kang chance girl."
Hindi niya alam kung bakit napangisi siya sa narinig. But it felt good. Nakaboost iyon ng confidence niya sa sarili.
"Oo nga eh. Pero, 'di ba aalis si Calix? Tinanggap niya na iyong offer ng coach nung Red Phoenix, 'di ba?" Kumunot ang noo niya sa narinig. Naghintay pa siya sa mga sasabihin ng mga babae pero narinig niya na ang mga yabag ng mga ito paalis. Mabilis siyang naghugas at lumabas ng cubicle. Naglalakad siya papasok muli habang nag-iisip kung ano ba ang narinig niya. Bigla siyang napatago sa isang sulok nang makita si Calix at dalawang lalaki na nag-uusap sa may bukana ng mismong covention hall. Sumilip siya ng kaunti para makita niya at marinig ang mga sinasabi ng mga ito. Nakita niyang kinamayan ng dalawang lalaki si Calix na halata sa mukha ang kasiyahan.
BINABASA MO ANG
Hooked [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #3 Calix James Santillan is Elisha Min Illustre's closest among her childhood friends. Palagi siya nitong hinihintay tuwing uwian, hinahatiran ng pagkain tuwing recess, at pinagtatanggol kapag may nang-aaway sakanya. Sa murang...