Twenty-four

44.4K 1.1K 74
                                    

Masayang kakwentuhan ni Elisha ang kanyang Mama na si Ellaine sa kanilang terasa nang abalahin sila ng isa nilang kasambahay.

"Ano iyon, Lina?" tanong ng Mama niya sa kasambahay nila.

"Eh, ate. Nasa baba po iyong kaibigan ni Elisha. Calix ba 'yun?" sagot nito tapos ay umalis rin kaagad. Tinignan siya ng Mama niya nang malamang nasa baba si Calix at binisita nanaman siya.

"Madalas ata ang pagbisita ngayon ni Calix. May dapat ba akong malaman?" taas-kilay na tanong Mama niya sakanya.

Nitong mga nakaraang buwan ay hindi naman lingid sa kaalaman ng mga magulang niya ang pagiging close nila ni Calix. Sa makatuwid, panatag ang loob ng mga ito sa tuwing sinusundo at hinahatid siya ni Calix sa tuwing may lakad silang magkakaibigan. Pero nitong nakaraang linggo, araw-araw dumadalaw si Calix sa bahay nila at ipinagpapaalam pa siya sa mga magulang niya na mamasyal kaya hindi na rin siya nagulat nang tanungin siya ngayon ng Mama niya.

"Is Calix courting you?" Hindi nakatakas sa pandinig niya ang excitement sa boses ng Mama niya nang tanungin siya muli nito.

"Ma! Hindi po!" sabi niya at tumayo na.

"Then why is he always here? Sige, si Calix tatanungin ko."

Mabilis niyang niyakap ang Mama niya para pigilan ito na maunang bumaba. "Ma.." malambing na tawag niya. "Okay, I like Calix very much. What we have right now, I can say it's special. Please, hayaan mo nalang muna ako."

Niyakap ng Mama niya ang mga brasong nakapalibot rito at mahinang tinapik-tapik. Sa huli ay bumuntong-hininga nalang ito. "Okay. Malalaki na kayo. But.." Kinalas ng Mama niya ang mga braso niya at hinarap siya. "You have to set your priorities. Maluwag kami ng Papa ninyo sainyo ni Mella because we trust you."

Ngumiti siya at hinalikan sa pisngi ang Mama niya. "Yes, Ma. Thank you."

Sabay silang bumaba ng Mama niya at hinarap si Calix. Pagkakita nito sa Mama niya ay mabilis na tumayo ito at nagmano sa Mama niya.

"Good Afternoon po, Tita." magalang na bati ni Calix.

"Ang aga mo naman ata dito." biro ng Mama niya na nakaani ng nagtatanong na tingin sakanya.

Nahihiyang napakamot sa batok si Calix. "Eh, aayain ko po sana si Elisha, tita. Kung pwede po sana sainyo?"

Ginulo ng Mama niya ang buhok ni Calix. "Sige na. Ikaw na bahala sa panganay ko. Aasahan kita Calix ha?"

Sunod-sunod na tango naman ang isinagot ni Calix sa sinabi ng Mama niya. Nang magpaalam ang Mama niya na aakyat, hinarap niya na si Calix.

"Wala naman tayo usapan ngayon ah?" sabi niya nang tabihan niya ito sa sofa nila.

"Eh, gusto lang kita makita." tila nahihiyang sabi nito.

Ngumiti siya at pinalo ang braso nito. "Kakakita lang na'tin kahapon. Tsaka may practice ka pa, 'di ba? Tumakas ka ba?"

Ngumisi sakanya si Calix at napakamot sa sentido. Sinasabi na nga ba niya eh, tumakas ito sa practice kaya pinalo niya ito sa braso muli. "Sabi na nga ba eh! Bakit ka tumakas?! Bukas na ang laro mo!"

Natatawa naman si Calix habang sinasangga ang mga palo niya. "Teka, teka, masakit iyon ah!"

Tumigil siya at tinaasan niya ito ng kilay. Hinintay niya itong ayusin ang nagusot na manggas nito. "Babalik naman ako eh. Gusto lang talaga kita makita."

Umismid siya. "Mamili ka, hindi ako manunuod bukas o babalik ka sa practice mo? Akala ko ba mahalaga ang game bukas para sa'yo?"

Sinuklay ni Calix ang buhok gamit ang mga daliri. "Mahalaga ka rin naman sa'kin." Tinaasan niya ito ng kilay at tinignan ng mariin. Sa huli'y bumuntong-hininga ito. "Okay! You win. Basta manunuod ka bukas!" sabi nito nang tumayo na mula sa pagkakaupo. Tumayo na rin siya at yumakap sa braso nito habang naglalakad sila patungo sa pintuan.

Hooked [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon