Thirty-nine [2]

52.1K 1.2K 56
                                    

Kahit hirap sa paglalakad at sa saklay ay pinilit pa rin ni Calix na makalabas ng airport. Namataan niya kaagad ang kapatid niyang si Calvin na hinihintay siya sa may waiting area. Kaagad na sinalubong siya nito at inalalayan.

"Alam nila Mommy?" tanong niya sa kapatid.

"No. I didn't tell them just what you told me."

Tumango siya at tinapik ang balikat nito. Napahinga siya ng maluwag nang makaupo na sa loob ng kotse. His injury is really a pain in his ass. You deserve it for being an ass to her, sa isip isip niya.

Bumuga siya ng hangin. He came home with his coach's and doctor's permission. It's already been months since he had this injury and still he can't play. Nainis siya sa mga nangyayari sakanya ngayon, to the point na nasaktan niya ang babaeng mahal niya. After a week of deliberating with himself, nanaig ang kagustuhan niyang makipag-ayos kay Elisha. He asked for a short vacation from his coach and they agreed.

Hindi niya pinaalam sa lahat dahil gusto niyang sorpresahin si Elisha. He can't wait to see her. Kung kailangang maglumuhod siya, gagawin niya.

Calvin dropped him in front of Elisha's house. "Hintayin ba kita, kuya?"

Umiling siya. "Tetext nalang kita kung magpapasundo ako."

Tumango ito at tinapik siya sa balikat. "Goodluck then."

Gamit ang saklay niya, hirap siyang lumakad upang mag-doorbell. Isang kasambahay ang nagbukas sakanya.

"Nandiyan ba si Elisha?" agarang tanong niya.

Sasagot na sana ang kasambahay nang may magsalita sa likod nito. "Sige na, Melba. Papasukin mo si Calix."

Sinunod naman ito at inaalalayan pa siya papasok. Kaagad na sinalubong niya ang tingin ni Tito Mico sakanya. Hindi tulad ng dati na masaya siya nitong sinasalubong, iba ngayon. Marahil alam na nito ang nangyari sakanila ni Elisha.

"Kailan ka pa nakauwi?"

Tumikhim siya bago sumagot. "Kanina lang po. Wala po akong pinagsabihan. Gusto ko po kasi unang makausap si Elisha. Nandiyan po ba siya? Pwede po ba makausap si Elisha, tito?"

Bumuntong-hininga ito at pinapasok siya. Pinaupo siya nito sa sofa at umakyat. Akala niya'y tatawagin nito si Elisha ngunit si Tita Ellaine ang kasama nito nang makababa. Malungkot na nginitian siya ni Tita Ellaine.

"Alam na ba ng Mommy't Daddy mo na dumating ka?" tanong ni Tita Ellaine sakanya.

Umiling siya. "Dito po ko unang pumunta."

Nagkatinginan ang parents ni Elisha at sabay na bumuntong-hininga. Napakunot ang noo niya. Bakit parang may tinatago ang mga ito saknya? Nasaan si Elisha?

"Umuwi ka na muna, Calix." sabi sakanya ni Tito Mico.

Nagtatakang tinignan niya ang mga ito. "Bakit po? Sorry po tito, tita pero gusto ko po makausap si Elisha. Please po."

"Sige na hijo, wala dito si Elisha. Bumalik ka nalang bukas. Magpahinga ka na muna." mahinahong sabi ni Tita Ellaine.

Tumayo siya at 'di sinasadyang nabunggo ang tuhod niya sa lamesa dahilan kung bakit siya nawalan ng balanse at napahiyaw sa sakit tapos sunod na nangyari ay naging itim na ang lahat.

Nagising si Calix sa isang hospital room. Alam na alam niya iyon dahil sanay na sanay na siya sa amoy ng mga ospital. Mapa-US o Pilipinas man iyan. Nakita niya ang Mommy't Daddy niya na seryosong kausap ang parents ni Elisha sa isang sulok.

Hooked [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon