Twelve

45.7K 1K 42
                                    

Matapos nilang mag-agahan nagkayayaan silang magkakaibigan na maglaro ng volleyball sa malawak na lupain sa likod ng hacienda. Naghati sila sa dalawang team sa pamamagitan ng bunutan ng straw.

Since eleven silang magkakaibigan, napag-desisyunan na si Adam nalang ang maging referee at scorer.

"Teka, ano parusa ng talo?" tanong ni Isaac bago magsimula ang laro.

"Para ka namang bata Isaac. Let's just play for fun." irap naman ni Ailee.

"Para may thrill! Takot ka lang kasi matatalo namin kayo!" pang-aasar ni Isaac.

Tinaasan naman ni Ailee ng kilay si Isaac. "Huh! Sige game! Loser team will be slaves for each member of the winning team." hamon ni Ailee.

"Deal!" sigaw pabalik ni Isaac.

Napailing nalang si Elisha sa sagutan nina Ailee at Isaac. Nagkatinginan sila ni Calvin na siyang ka-team niya kasama nila ay sina Isaac, Michelle, at Vera habang sina Ailee, Calix, Mella, Dami at Marky naman ang sa kalabang team nila.

"Don't we have a say on this deal?" singit ni Calvin.

"Wala! Team meeting!" sabi ni Isaac at kinumpol sila sa isang tabi upang kausapin. "We need to win. Iyon lang. Go team!"

Napabuntong-hininga nalang sila sa inasal ni Isaac. Marunong naman sila maglaro ng volleyball dahil madalas nilang nilalaro ito tuwing nandito sila sa rancho. Pero hindi niya ipagkakaila na lamang ang kabilang team. Magaling kasi sina Ailee at Mella sa volleyball dahil varsity ang mga ito ng naturang laro. Sa kanilang team naman, tanging si Marky lang talaga ang bihasa sa volleyball. Si Vera nga, hindi pa gaanong marunong kaya dehado talaga sila.

Nagsimula ang set 1 na lamang ang puntos ng grupo ni Ailee. Sa set 2 naman ay nanalo ang grupo nila. Nagkaroon ng water break muna bago simulan ang set 3. Medyo nagkaroon na nga sila ng audience dahil nanunuod na ngayon sa laro nila sina Tita Adie at Tita Erin, pati na rin ang mangilang-ngilan na trabahador na napapadaan.

Pumito si Adam tanda na magsisimula na ang set 3. Noong una ay lamang ang puntos nila Ailee pero kaagad ding napantayan iyon ng grupo nila. Tig-isang point nalang ang kailangan ng parehong team para may maideklarang manalo. Sa kanila ang bola at siya ang magse-serve. Kaagad niyang pinalo ang bola at kay Mella iyon tumapat na kaagad naipalo pabalik sa court nila. Tuloy-tuloy lang ang streak nila hanggang sa napalakas ang spike ni Ailee at out ang bola.

Malakas na sigaw ni Calvin at Isaac ang narinig nila nang matapos ang laro. Sumayaw-sayaw pa si Isaac at inaasar si Ailee na masama ang tingin rito. Gumawa si Adam ng mga maliliit na papel na nakasulat ang mga pangalan ng natalong grupo at pinabunot sila doon para malaman kung sino ang magiging slave nila.

"Yun! Marky boy, come to Master Isaac!" natatawang utos nito sa nakabusangot na si Marky.

Si Michelle ay nabunot ang kuya nitong si Dami, si Ailee naman ang kay Calvin, si Calix ang kay Vera at si Mella naman ang kanya.

"Ate Eli." tawag sakanya ni Vera.

"Oh, bakit?"

"Pwedeng palit tayo? Hindi ko naman mauutusan si Kuya Calix eh." natatawang sabi ni Vera sakanya. Nasa likod nito si Calix na nilalagok ang isang bote ng tubig.

"Ate, wag! Bawal ang magpalit!" singit ng kapatid niya na todo kapit sa braso niya.

Napangisi naman siya. Mukhang may balak si Vera sa kapatid niya kaya naman pumayag siya sa gusto nitong makipagpalit.

"Hindi mo na ba ako mahal ate?!" sigaw sakanya ni Mella habang natatawang hinihila ito ni Vera.

"So, you're my new master." baling sakanya ni Calix.

Hooked [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon