Five

45.8K 1.2K 42
                                    

To my co-blackjacks, let's be strong for 2ne1. Minzy might be leaving the group but she will remain a part of 2ne1 in our hearts. We love you, Minzy!

----

Kipkip ni Elisha ang pumpon ng rosas sa kanyang dibdib habang naglalakad papunta sa klase niya. Noong isang linggo lang ay pumayag siya sa pakiusap ni Calix na tulungan niya ito kay Czarina. Ngayon, ito siya at ibibigay ang bulaklak na binili ni Calix para kay Czarina.

Pagpasok palang niya sa room niya, napansin kaagad siya ng kanyang mga kaklase.

"Uy, may bago kang manliligaw, Eli?" tanong sakanya ng isa niyang kaklaseng lalaki.

Ngumiti lang siya rito at umiling. Umupo na siya sa kanyang pwesto. Wala pa si Czarina sa pwesto nito na nasa tabi niya. Inialis niya muna ang kanyang salamin sa mata at pinunasan iyon tsaka isinuot muli. Hindi siya nakapag-contact lens dahil hindi maganda sa mata ang madalas na pagsusuot nito.

"Good morning, Eli!" bati sakanya ni Czarina. Umupo ito sa tabi niya at iniayos ang bag nito.

Inabot niya rito ang pumpon ng rosas na nakalagay sa kabilang upuan. "Para sa'yo daw."

Nanlaki ang mga mata nito at mabilis na inilayo ang bulaklak. "I'm allergic to flowers!" sabi nito.

Mabilis niyang inilayo ang pumpon ng rosas kay Czarina. Napapalatak siya. Muntik na niyang mapahamak ang babae. Malay naman niya na allergic pala ito bulaklak. Kasi naman si Calix! Bakit naman hindi nito alam na allergic pala ang pinopormahan nito sa bulaklak!

"S-Sorry! Hindi ko alam!" nagsisising wika niya rito.

Hinawakan siya ni Czarina sa braso at ngumiti sakanya. "It's okay. Hindi mo naman alam. Only my family and close friends know about my allergies."

Napailing siya. Sa isip niya, pinapatay niya na si Calix. "Si Calix kasi eh! Siya nagpapabigay nung bulaklak sa'yo."

Nalukot naman ang mukha ni Czarina sa pagbabanggit niya sa pangalan ni Calix. "He really won't stop, noh?"

Napangiwi siya. "Eh, gusto ka talaga niya eh. Why won't you give him a chance? Get to know him."

Bumuntong-hininga si Czarina. "I don't know. Tignan na'tin. I want to see his efforts, but...not from you. " sabi nito at tinignan siya. "Let him do it alone, Eli. Sabihin mo sakanya iyan, then maybe, I could give him a chance."

Tumango nalang siya sa sinabi ni Czarina at hindi na nagkomento pa. Dumating na rin kasi ang prof nila kaya napokus ang atensyon niya sa discussion.

"Sige, Czarina. Pasensya na talaga sa bulaklak." sabi niya kay Czarina nang matapos ang klase nila. Nagliligpit na ito ng gamit.

"Kulit mo rin, Eli. Okay lang talaga." natatawang sagot nito sakanya. Inilagay nito ang hand bag sa braso nito habang kipkip nito sa kabila ang mga libro nito. "I'll go ahead, may kailangan ako asikasuhin sa newsroom." paalam nito at hinalikan siya sa pisngi. "Bye!"

Kumaway lang siya rito at pinagmasdan ang pag-alis nito. Siya naman ay isinukbit na sa balikat ang sling bag niya at kinuha ang rosas. Pababa na siya nang biglang mag-vibrate ang phone niya na nasa bulsa niya.

From: Calix James Santillan

Did she accepted the flowers?

Mabilis na nagtipa siya ng sagot dito.

No. She's allergic to them. Smart move.

Hindi na ulit niya tinignan kung ano ang reply nito dahil pagkadaan niya sa Great Circle, nakita na niya ito kasama ang mga kaibigan nila. Isa rin ang Great Circle sa madalas pagtambayan ng mga estudyante. Mas malawak ito sa Botanical Garden ng eskwelahan at karamihan dito nagpa-practice o gumagawa ng mga group projects ang mga estudyante.

Hooked [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon