Twenty-three

43.3K 1.2K 101
                                    

One update lang ako lagi. I hope that's clear. Hindi ko kaya ang double update friends. Wala akong update kahapon kasi election and birthday ni Mother. I hope that's clear for everyone.

Anyway, congratulations kay Duterte kahit na si Poe ang binoto ko. Hehe. It's okay for me, though. Kaya lang, Marcos parin ako for VP. Sorry, ayoko kasi sa Liberal Party. Tsaka pogi anak ni Marcos na si Sandro. Hehehe. Isama pa si Luis Hontiveros. Heaven! Chos! Joke lang po. Hehe.

------

She's back. Hindi alam ni Elisha kung bakit siya kinakabahan dahil nasa harapan niya na ulit si Czarina. She can't even show the girl a genuine smile! Natataranta ang utak niya. Paano na ito? Ano na ang mangyayari sakanya? Kay Calix?

"Eli?" untag sakanya ni Czarina. Hinawakan siya nito sa balikat.

Umatras siya rito at yumuko. Napa-iling siya sa nangyayari. "Yeah, I'm fine." sagot nalang niya.

"Magpapasa ka na ng requirements?" sabi nito na itinuro ang mga hawak niyang papel.

Tumango siya. "Ikaw?"

"Katatapos ko lang." Ngumiti ito sakanya showing her dimples and perfect set of white teeth. Hindi niya maiwasang manliit sa tuwing kasama niya ang isang Czarina Yapchengco. Hindi hamak na mas mas maputi, maganda at elegante itong tignan kesa sakanya. Halata sa postura at mga galaw nito ang class at pagiging elite.

"Hey, are you sure you're okay? Spaced out ka ata eh." natatawang sabi sakanya ni Czarina.

"Kailan ka bumalik?" Masyado atang naging harsh at direct to the point ang tono niya kaya medyo nagulat si Czarina sa mabilis na pag-iiba niya ng topic. Tumikhim ang dalaga at sinakop ang buhok at inilagay sa kanang balikat.

"Kagabi lang ako umuwi. Uhm, Eli?"

"Bakit?"

"Uhm... si, si Calix ba nakita mo?" nahihiyang tanong nito.

Kusang kumunot ang noo niya. Bakit nito hinahanap si Calix? Hindi ba't tinanggihan niya na ng ilang beses si Calix? Alam kaya ni Calix na nandito na ulit si Czarina? Bigla siyang kinabahan ulit. Paano kung alam nitong nandito na si Czarina?

"H-Hindi eh. Hindi ko siya nakita." pagsisinungaling niya.

She saw it! She saw how Czarina's expression turned into a disappointed one. "Ganoon ba? Bukas kaya, nandito siya sa school?"

For the first time, naiinis siya kay Czarina. Pero pinilit niyang huwag ipahalata dahil hindi naman nito kasalanan kung ganito ang nararamdaman niya. Czarina's not doing this as if she knows that she has feelings for Calix.

"Hindi ko talaga alam eh. Medyo naging busy kasi kami pare-parehas. Uhm, sige Czarina, una na ako. May mga gagawin pa kasi ako eh." She doesn't want to be rude pero hindi niya na kasi kaya pang magsinungaling. Nagi-guilty siya sa ginagawa niya kay Czarina but she can't help it. She's being possesive.

"Sige, see you around then." ngiting sabi nito at kumaway na sakanya.

Pagpasok ng faculty, umupo muna siya sa student's waiting area at tinawagan si Calix. Kaagad naman nito sinagot ang tawag sa pangalawang ring palang.

"Miss mo na kaagad ako?"

Sa puntong ito, papatulan niya ang sinabi ni Calix pero iba ngayon. "Pwedeng sa condo mo nalang tayo magkita? Medyo matatagalan pa kasi ako."

"It's alright. I can wait for you here."

"No! I mean, sige na. Uwi ka na muna. Gusto ko ng pasta alfredo na luto mo. Please?" Nilambingan niya ang boses para pumayag si Calix. Please! Please! Bumigay ka na.

Hooked [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon