Thirty-two

43.8K 1.1K 105
                                    

Sixty-eight days. Exactly sixty-eight days na ang lumipas and finally, uuwi na si Calix mamaya!

"Someone's happy today," puna ng Mama niya pagkababa niya para saluhan ang mga ito sa agahan.

Ngumiti siya sa Mama niya. Mella is giving her weird looks while her parents are just smiling and shaking their heads. Alam ng mga ito na ngayon ang uwi ni Calix. Natapos ang breakfast nila at dumiretso siya airport dahil nine am daw ang paglapag ng eroplano na sinasakyan ni Calix. Naabutan niya si Tita Colyn sa may waiting area.

"Tita, good morning po!" bati niya bago siya nito yakapin.

"Good morning, hija! Kakalapag lang daw ng eroplano ni Calix. He'll be here soon," tuwang balita nito.

Hindi nito kasama si Tito Jeremie dahil nasa Davao daw ito para sa itinatayong branch ng primyadong restaurant nitong 'The Santillan's'. Si Calvin naman ay may pasok sa school. Nagsimula na rin kasi ang classes.

"He's here!" tili ni Tita Colyn at hinila siya para mapunta sila sa may unahan. "Calix! Anak!" she shouted and waved at him.

Hinanap ni Calix ang boses ng Mama nito at nang makita sila ay mabilis itong naglakad sa exit at pinuntahan ang kinaroroonan nila. Tita Colyn ran towards Calix. Sinalo nito ang ina nang dambahin siya nito ng yakap. "I miss you too, Mom." natatawang sabi ni Calix sa humahagulgol nitong ina. Siya naman ay nanatiling nasa likod ni Tita Colyn at nakangiting pinagmamasdan ang mga ito.

Hindi naman nagtagal at bumitaw rin si Tita Colyn sa anak. "I'm sorry, I just missed you!"

Ngumiti si Calix rito at niyakap pa muli ang ina. "I know, Mom." Nang maghiwalay ang mga ito ay nilapitan siya ni Calix. He spreaded his arms wide. "Don't I get a hug from you? You know, I missed you,"

Natatawang lumapit siya kay Calix at hinayaan itong yakapin siya ng mahigpit. Hindi na niya napigilan at naiyak na rin siya. His chest vibrated because of laughing. "I missed you in my arms, Elisha." bulong nito sakanya at hinalikan siya sa tuktok ng ulo.

Bumitiw na rin sila sa isa't isa pero nanatiling nakapulupot ang isa nitong braso sa bewang niya. Hinarap nila si Tita Colyn na masaya silang pinagmamasdan. Tinubuan tuloy siya ng hiya.

"We'll be having dinner later sa bahay pag-uwi ng daddy mo. For now, magpahinga ka muna." sabi ni Tita Colyn habang naglalakad sila sa parking lot.

"Sabay ka na sa'min." aya sakanya ni Calix.

"I brought my car."

"Sabayan mo nalang si Elisha, Calix. I'm sure na-miss niyo ang isa't isa," mapanuksong sabi ni Tita Colyn bago ito pagbuksan ng driver at tuluyang pumasok sa kotse. Tumabi naman sila ni Calix at kinawayan lang nito ang ina.

"I'll drive," presinta ni Calix.

Umiling siya. "Ako na. Pagod ka sa byahe. By the way, iyan lang ba ang dala mo?" turo niya sa backpack na nasa likod nito. Limang buwan ito sa US at ganito kaunti lang ang iniuwi nito?

Tumikhim si Calix at ngumiti sakanya. She can see that it's a sly smile. "This is enough," kaswal na sabi nito.

Sa condo nito sila dumiretso. Nang makarating sa loob ay kaagad na sumalampak si Calix sa couch at humiga doon. Siya naman ay nagpunta sa ref nito upang maghanap ng pwedeng lutuin. One a week ay pinupuntahan niya ang unit ni Calix, dahil na rin sa pakiusap nito, minsan ay dito siya natutulog. Nilalagyan niya rin palagi ng stock ng pagkain ang kusina nito.

"Gutom ka na ba?" tanong niya mula sa kitchen. Naglabas siya ng chicken nuggets sa freezer. Hindi naman siya ganoon karunong magluto kaya pagprito lang ang alam niya.

Hooked [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon