Thirty-eight

55.2K 1.3K 104
                                    

"Good Morning, Eli!"

Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa kapwa niyang writer na si Jade. Tulad niya, exclusive writer rin ito sa Inked Media. Mga horror stories naman ang isinusulat nito. Sabay na silang sumakay sa elevator. Nang makarating sa eleventh floor, doon na sila bumaba. Doon kasi ang mga cubicles nilang mga exclusive writers dito sa Inked Media. Hindi naman kailangan araw-araw silang pumasok, pero minsan mas gusto niya pumasok dahil masarap makipagkwentuhan sa mga co-writers niya.

Nang makalapit sila sa cubicle niya, nakita niyang nagkukumpulan ang iba pa nilang mga kasama.

"Eli! May flowers ka nanaman!" excited na sabi ni Erlinda.

"Sino kaya ang nagpapadala sa'yo ng mga bulaklak? Ang consistent ha. Dalawang taon." mapanuksong sabi ni Anria.

Napangiti siya ng makita ang isang pumpon ng paborito niyang mga bulaklak sa ibabaw ng table niya. Sabi nga ng co-writer niyang si Anria, totoong dalawang taon na na may nagpapadala sakanya ng bulaklak. Hindi naman araw-araw, kundi sa tuwing may bagong libro lang siya na nilalabas. Noong una, akala niya ay galing iyon sa management o kaya sa fans pero hindi naman daw. Hindi rin naman din daw galing sa isa sa mga kaibigan niya kaya ang tukso sakanya ay may secret admirer daw siya. Hindi nalang rin niya ito ginawang big deal at tinanggap nalang ang mga bigay nitong bulaklak.

"Wala bang card?" usisa ni Jade.

Umiling siya bago amuyin ang mga bulaklak. "Hindi naman talaga nag-iiwan ng card iyong nagpapadala."

Buong araw ay naging masaya si Elisha. Good mood siya dahil mataas nanaman ang sales ng bagong labas na libro niya tapos may re-printing pa na gagawin sa isa pa niyang libro. Nakadagdag din sa ganda ng mood niya ang mga bulaklak na ngayo'y maayos na nakalagay sa isang vase sa gilid ng table niya.

She was busy typing in her laptop nang malakas na nagsitilian ang mga co-writers niya. This is what she's talking about, pumapasok lang naman sila dahil sa kwentuhan.

"Nakabalik na pala siya?!" sabi ni Jade habang nakadungaw sa monitor ni Erlinda. Nasa loob sila ng cubicle ni Erlinda at may kung ano ang pinagtsitsismisan.

"Kagabi lang pala siya bumalik. OMG. Hindi na siya maglalaro sabi sa article." sabi naman ni Anria.

Sa sobrang curious niya, lumapit siya sa mga ito. Naabutan niyang may binabasa ang mga ito na sports article. "Ano meron?" tanong niya.

"Kilala mo ba si Calix Santillan?"

Natigilan siya sa narinig na pangalan. Nabaling ang tingin niya sa monitor. Ito ba yung tinutukoy sa article?

"Isa lang naman siyang sikat na soccer player! Sayang girl! Ayaw na niya magpatuloy sa paglalaro." pagbabasa ni Anria.

"B-Bakit daw?" tanong niya.

Nag-scroll si Erlinda at nagbasa. "Sabi nito na tapos na daw ang goal niya sa soccer. Iyong isang pangarap na daw nito ang tutuparin and he quote 'It's time for me to come home' unquote."

Tulalang bumalik siya sa kanyang cubicle. Her fingers are only resting on top of the keyboard. Wala na siyang maisip kung ano na ba ang isusulat niya. Nilipad na ata ang isip niya kung saan.

He's back. Isang ngiti ang sumilay sa labi niya na ikinabigla niya. She frowned at ipinilig ang ulo. Ano iyon? Ba't bigla nalang siya nangingiti dito? Nababaliw na ata siya.

Kinuha niya ang bag niya at nagpaalam na sa mga kasama niya. Hindi rin naman siya makapag-concentrate na. Pinili niyang magpunta sa mall. Nasa loob na siya ng kotse nang tumunog ang phone niya.

Hooked [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon