Nang mapagod lumangoy, napagdesiyunan nina Michelle at Ailee na magpahinga sa kubo at kumain habang nakadapa naman siya sa balsa na gawa sa kawayan at hinayaang palutang-lutang lang sa tubig. Tahimik ang paligid at tanging ang agos ng tubig mula sa falls ang naririnig. Nakapikit siya habang nakahiga ang kanyang ulo sa mga braso niya. Mukha rin namang nakatulog ang mga kasama niya sa kubo.
"Falls! Namiss ko 'to!"
"Ang bigat mo, Isaac!"
"You're my slave, Marky baby kaya bawal magreklamo. Dalhin mo ko sa kubo!"
Naalimpungatan siya nang marinig ang maingay na boses ng mga kaibigan niya. Mukhang kararating lang ng mga ito at dito kaagad dumiretso, marahil ay ipinaalam ng Mama niya. Sunod na narinig niya ang pag-splash ng tubig tanda na may tumalon. Bahagyang natalamsikan pa siya ng tubig at medyo bumusay ang balsa niya sa lakas ng impact ng pagtalon ng kaibigan niya.
Naramdaman niyang tila may kung anong pumatong na mabigat sa balsa dahil medyo lumubog iyon ng kaunti. Nang imulat niya ang mata ay nabungaran niya si Dami na nakahilig ang magkabilang braso sa balsa habang nanatili ang katawan sa tubig, katabi naman nito sa Calix na nakaupo sa tabi niya habang ang mga binti ay nasa tubig.
"Nakatulog ka?" nagtatakang tanong ni Dami.
Ngumiti siya at tumango. Medyo wala pa kasi siya sa sarili.
"Sila Ailee din eh. Nagising kasi ang ingay ni Isaac. Kawawa nga si Marky, kanina pa buhat buhat si Isaac." naiiling-iling na kwento ni Dami.
Umayos siya at tsaka umupo. Niyakap niya ang mga tuhod. "Kararating niyo lang? Sila Mama?"
"Hindi na raw sila susunod. Siguro bukas nalang daw sila pupunta dito. Pagod kasi sila Daddy." si Calix ang sumagot sa tanong niya.
Napatango nalang siya at 'di na nagkomento. Inaya ni Dami si Calix na lumangoy.
"Sunod ako." sagot nito.
Ngayon, silang dalawa nalang ni Calix ang nasa balsa. Nilingon siya nito. Passive lang ang ekspresyon nito. Hindi nakangiti, 'di rin naman galit. Parang normal lang. Walang nakikitaang espesyal na empsyon.
"May iuutos ka ba?" tanong nito sakanya.
Nung una ay medyo 'di niya maintindihan ang sinasabi nito pero kalaunan ay na-gets niya rin. Slave nga pala niya ito.
"Wala, Calix. Hindi ko papatulan iyong deal nila Isaac. Mukhang si Isaac at Vera lang naman ang nag-eenjoy sa parusa."
Parehas silang tumingin sa direksyon ni Isaac na minamasahe sa likod ni Marky habang si Vera naman ay sinusubuan ni Mella.
"Sure ka? I can be your slave. You know, sport ako. I accept our defeat." sabi nito at sinuklay ang buhok gamit ang daliri.
She can't help but to watch him do that. Actually, she can sit all day and watch him with whatever he do. Then, she remembered her discussion earlier with Ailee and Michelle. Hanggang friends na nga lang ba talaga sila? Could it be possible that someday, he will notice her as a woman and not just because he's her friend?
Sa kaisipang iyon, parang gusto niyang sundin ang mga sinabi nina Ailee at Michelle sakanya. Sino ba naman kasi ang niloloko niya? Hanggang ngayon, gusto pa rin niya si Calix. For seven years, hindi nawala ang attraction niya dito. Mas lumala pa nga ata. Mas lalo siyang namangha sa binata.
Pero nangangamba siya. Paano kung hindi naman talaga siya nito gusto? Siya lang din ang gumawa ng dahilan para masaktan siya. But, in this situation, being hurt is inevitable, right? Susugal siya eh. And she thinks, it's okay. She'll take her friends advice.
BINABASA MO ANG
Hooked [Fin]
Ficção GeralBarkada Babies Series #3 Calix James Santillan is Elisha Min Illustre's closest among her childhood friends. Palagi siya nitong hinihintay tuwing uwian, hinahatiran ng pagkain tuwing recess, at pinagtatanggol kapag may nang-aaway sakanya. Sa murang...