Walang imik na bumaba si Elisha mula sa kotse ni Calix. Kaninang umaga, kaagad silang bumalik sa hacienda nang tumila na ang ulan. Alam niya na gusto pa siyang kausapin ni Calix pero lagi niya itong iniiwasan. Tama na muna. Naguguluhan pa siya.
"Thanks." sabi niya bago umibis ng kotse nito. Alas-siyete na ng gabi sila nakauwi. Buong byahe, hindi sila nag-usap ni Calix. Walong oras ng byahe, ni isang bagay na tungkol sakanila, hindi nila iyon pinag-usapan.
"Elisha-"
"Not now." putol niya sa sasabihin nito at mabilis na bumaba sa kotse nito.
Pagpasok niya sa bahay naabutan niya ang mga magulang niya na nanunuod ng tv sa may sala nila.
"Eli! Kamusta ang byahe? Where's Calix?" salubong sakanya ng Mama niya.
"How could you do this to me?" naiiyak na sabi niya sa mga ito.
Nagulat ang mga ito sa sinabi niya pero hindi niya nakitaan ng kahit anong pagsisisi ang mga ito. Tuluyan siyang napaiyak. Mabilis na umalalay sakanya ang Papa niya at pinaupo siya sa sofa. "Anak.." bumuntong-hininga ang Papa niya. Halatang nahihirapan ito sa sitwasyon nila ngayon.
"I want to know everything. Bakit niyo tinago sa'kin na binalikan ako ni Calix?" nasasaktang saad niya.
Hinawakan ng Mama niya ang kanyang mga kamay. "Kasi anak, nakita namin kung paano ka nasira dahil kay Calix."
"You don't know that, Ma!" Hindi niya na napigilang tumaas ang boses niya.
"Elisha Min." warning ng Papa niya.
Napayuko siya dahil kaagad siyang nahiya sa ginawang pagtaas ng boses niya.
"Mama mo ko Elisha. I know when my daughter's hurting and destroying herself because of a boy. Tingin mo hindi ko alam na may balak ka sundan si Calix sa States? You were willing to give up your job just to follow him. Elisha, you were so attached to Calix na dinepende mo ang buhay mo sakanya."
Tuluyan na siyang napaiyak dahil hindi niya masalungat ang sinabi ng Mama niya kasi lahat ng mga iyon ay totoo. She was willing to give up her life here just to follow Calix. Tanga na kung tanga pero ganoon ang naisip niya noon.
"I'm sorry, Ma. I'm sorry, Pa. S-Sorry po." umiiyak na sabi niya habang binaon ang mukha sa dibdib ng Papa niya habang yakap siya nito. Naramdaman niya na yumakap sa likod niya ang Mama niya.
"You've matured enough, Elisha. Actually, both of you had. We're sorry that we did this to the both of you, but we don't regret it, anak." bulong sakanya ng Papa niya.
"It's up to you, Elisha. Ikaw na ang may desisyon sa mga susunod na mangyayari sa buhay mo. Lagi mo lang tatandaan na ikaw ang may hawak ng buhay mo, anak. Hindi kami, hindi si Calix, kundi ikaw lang."
---
Nakatulala si Elisha sa may labas ng bintana habang pinaglalaruan ang ballpen sa mga daliri niya. It's been a week since she had a talk with her parents. It's also been a week since she last saw him.
"Delivery for Ms. Eli Min." mapanuksong sabi ni Erlinda habang may hawak itong isang bungkos ng bulaklak.
Mabilis siyang tumayo sa upuan niya at inabot ang bulaklak mula kay Erlinda. "Someone's excited." tulso ni Anria na mula sa table nito. Tumabi naman sakanya si Jade at may kinuha mula sa mga bulaklak. "Hala, may card!" excited na sabi nito.
Nagulat siya nang may card na kasama ang bulaklak. Narinig niya na ang pag-urong ng upuan at nakitang nasa tabi na rin nila si Anria at nakikiusyoso. Huminga siya ng malalim bago binuksan ang card.
BINABASA MO ANG
Hooked [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #3 Calix James Santillan is Elisha Min Illustre's closest among her childhood friends. Palagi siya nitong hinihintay tuwing uwian, hinahatiran ng pagkain tuwing recess, at pinagtatanggol kapag may nang-aaway sakanya. Sa murang...
![Hooked [Fin]](https://img.wattpad.com/cover/67583902-64-k730535.jpg)