"Saan mo pala balak mag-OJT, anak?"
Tinignan ni Elisha ang kanyang Mama Ellaine. "Hindi ko pa po alam Ma eh."
Kasalukuyan silang nagaalmusal na pamilya. Kagabi lang ay umuwi ang parents niya mula sa Rancho Illustre dahil may inasikaso ang Papa niya sa mga deliveries ng mga pananim nilang prutas at sumama ang Mama niya para umalalay sa Papa niya.
"Nang magkita kami ng Tita Adie mo, inalok niya na sa Lagdameo Publishing Corp. ka nalang daw mag-OJT kung gusto mo." sabi ng Mama niya sakanya.
"Titignan ko po, Ma. But I will still look for other companies."
Tumango lang ang Mama niya at pinagpatuloy ang pagkain nito. Paminsan-minsan ay inaasikaso nito ang Papa Mico niya. Sa tagal ng pagsasama ng parents niya, bilib pa rin siya kung paano nila pinagtibay ang pagsasama nila. She wants to have that kind of love that she's seeing from their parents.
"Sweetie, samahan kita mamaya?" tanong ng Papa nila sa Mama nila.
"Akala ko ba may lakad kayo nila Jeremiah?"
Her dad draped his arms around her mom's shoulder. "You know I'll cancel everything just to be with you."
She smiled at her dad's sweetness. Kung siya ay gustong-gusto niya makitang naglalambingan ang mga magulang niya, Mella is the opposite of her.
"Yuck. Pa! Ang aga-aga ganyan ka!" reklamo ni Mella habang nakabusangot ang mukha nito.
Natawa lang sila sa reaksyon ng bunso niyang kapatid. Ginulo ng Papa niya ang buhok nito. "Wala ka kasing lovelife!" asar ng Papa niya kay Mella.
"Mella, what are you wearing? Don't tell me you're going to school looking like that." sabi ng Mama nila habang tinuturo ang damit ni Mella.
Napangiwi siya sa suot ni Mella. Ang ganda-ganda ng kapatid niya, pero pilit nitong itinatago ang ganda sa mga maluluwag na damit na suot nito. Hindi rin ata alam ng kapatid niya ang salitang suklay dahil basta nalang nito itinali ang buhok sa tingin niya'y goma na nakita lang nito kung saan.
"Nasaan ang mga dresses na binili ko para sa'yo?" hysterical na sabi ng Mama nila.
Nagkamot ng pisngi si Mella. "Ma naman eh! Ayoko nun. Mas komportable ako sa tshirt at pantalon."
"Sweetie, hayaan mo na si Mella." alo ng Papa nila.
Tinignan ng masama ng Mama nila ang Papa nila. "Bahala ka nga diyan sa anak mo."
Natawa siya nang magsimula nanamang lambingin ng Papa niya ang kanilang Mama. Si Mella naman ay umalis na sa hapag at dumiretso sa living room dahil siguro sa paglalambingan ng mga magulang niya.
She and Mella are the exact opposite of each other but despite that, they love each other unconditionally and she knows her parents loves them unconditionally, as well. Mella is the type of girl that loves to dress up to where she feels comfortable, she loves horseback riding, and she loves extreme sports but she knows that her sister is a woman by heart. Crush kaya nito si Harry Styles.
Kung ang pagiging kikay at fashionista ang namana ata niya sa Mama nila, ang pagpipinta at pagdo-drawing naman ang namana ni Mella rito.
"Ate! Tara na, male-late na ako." sigaw ng kapatid niya mula sa living room.
She finished her orange juice and went out together with her parents. Hinalikan nilang magkapatid ang magulang nila bago sila sumakay sa kotse niya papuntang St. Clarisse University.
"May exam ka pa ba?" tanong niya kay Mella nang makarating na sila sa SCU at kababa lang nila nang makapag-park na siya.
"Isa nalang. Magkikita kami ni Vera mamaya kaya baka di ako sa'yo sasabay pauwi. Sige ate, alis na ako." sabi nito at mabilis na hinalikan siya sa pisngi bago naglakad paalis.

BINABASA MO ANG
Hooked [Fin]
Ficción GeneralBarkada Babies Series #3 Calix James Santillan is Elisha Min Illustre's closest among her childhood friends. Palagi siya nitong hinihintay tuwing uwian, hinahatiran ng pagkain tuwing recess, at pinagtatanggol kapag may nang-aaway sakanya. Sa murang...