"Anak, nandiyan na si Calix." sabi ni Nanay Mildred nang katukin siya nito sa kwarto niya.
"Sige 'nay, bababa na po ako." sagot niya at sinipat ang sarili sa tapat ng full length mirror niya. She's wearing a black and white striped fitted shirt and a jumper pants, and white Adidas shoes for the victory party later at Bistro Plus.
Pagkatapos nilang mag-lunch nilang magbabarkada sa Santillan's, inihatid muna siya pauwi ni Calix dahil inaantok na rin siya. And now, it's already six pm and he's already here to fetch her. Bumaba siya at nakita si Calix na nakaupo sa sofa nila habang may juice sa tapat nito na nangangalahati na. Wala ang parents niya dahil nasa Rancho Illustre ang mga ito. Si Mella naman ay marahil kasama si Vera at sabay na ang mga ito papunta sa Bistro Plus.
Nang makita siya ni Calix, nilapitan siya nito at hinalikan sa pisngi na ikinapula naman ng mga pisngi niya. "Bango mo talaga." bulong nito sakanya. Pinalo niya ito sa braso na ikinatawa lang ng huli.
"Totoo naman. Amoy baby ka palagi." dagdag nito habang iginigiya siya palabas na ng bahay matapos nitong magpaalam kay Nanay Mildred.
"Tara na nga at baka ma-late pa tayo." sabi niya nang makapasok na sa loob ng kotse nito.
Umikot ito sa driver's side at pinaandar na ang kotse nito papuntang Bistro Plus. Pagka-park ay nakakapit siya sa braso nito habang papasok sila sa bar. Nirentahan ng team ang buong bar para lang sa gagawing victory party. Pagkapasok palang nila ni Calix, marami na kaagad ang bumati dito. Nakikipag-high five ito sa mga kakilala. Bumitaw siya sa braso ni Calix nang mamataan ang lamesa ng mga kaibigan at nilapitan ang mga ito.
"Kanina pa kayo?" tanong niya kela Ailee. Nakita rin niyang may mga inumin na rin sa mga lamesa ng mga ito.
"Hindi naman." sagot nito sakanya.
"Nasaan iyong kambal?" Pansin niya kasi na kulang sila. Wala sina Dami at Isaac.
Bumuntong-hininga si Michelle sa tabi niya. "May problema sila sa mga girlfriends nila." sagot nito tsaka uminom sa baso nito.
Hindi na siya nagtanong pa dahil ayaw naman na rin niya mag-usisa pa. Nakuntento nalang siya sa pakikipagkwentuhan at pagmamasid sa paligid. May DJ na nasa stage at nagpapatugtog ng mga nakakaindak na musika. Maraming mga nagkalat na lobo sa ere at sahig. May mga confettis na nagkalat sa dance floor, may malaking banner din sa stage na nagsasabing 'Congratulations'.
Nagkalat din sa iba't ibang sulok ng bar ang mga players. Marami rin siyang nakikitang mga babae na marahil ay inimbita rin ng ibang players. Pero nakatuon lang ang paningin niya kay Calix na masayang nakikipag-usap sa isang teammate nito kasama na ang coach nila at isang lalaki pa na hindi niya kilala. Mukhang nakaramdam si Calix na may nakatingin rito kaya luminga-linga ito at nang magtagpo ang mga mata nila ay nginitian siya nito.
"Grabe kayo, maghiwalay naman kayo minsan." untag sakanya ni Mella kaya naputol ang titigan nila ni Calix.
"Bitter ka kasi." biro ni Vera sa sariling bestfriend.
Inirapan lang nito ni Mella na ikinatawa nilang lahat.
"Kamusta naman kayo?" tanong ni Michelle sakanya nang maiwan na lamang silang tatlo sa lamesa. Sumayaw at nagliwaliw na kasi ang iba nilang kaibigan.
Nagkibit-balikat siya at uminom sa beer niya. "Okay naman. Ganoon pa rin, sweet parin siya sa'kin."
"Hindi pa kayo nagdi-DTR?" bulalas sakanya ni Ailee.
Kumunot ang noo nila ni Michelle sa sinabi ni Ailee. Nagkatinginan sila at pareho silang hindi alam ang sinasabi ng kaibigan. "DTR? Ano naman iyon?" natatawang tanong niya rito.
![](https://img.wattpad.com/cover/67583902-288-k730535.jpg)
BINABASA MO ANG
Hooked [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #3 Calix James Santillan is Elisha Min Illustre's closest among her childhood friends. Palagi siya nitong hinihintay tuwing uwian, hinahatiran ng pagkain tuwing recess, at pinagtatanggol kapag may nang-aaway sakanya. Sa murang...