RONALD PALMA
"Doc. Ron Patient in room 4 bed 1 BP is rapidly dropping." Sabi ng nurse na kapapasok lang sa Nurses and Doctors station sa Medical ward ng.
Nagmamadali akong tumayo at pinuntahan ang silid na sinasabi ng nurse.
Naka Amu bag ang pasyente. Tatlong oras pa lang syang naipapasok sa ward, nauna ko ng kinausap ang pamilya nya.
Sinabi ko na sa kanila ng tahasan ang sitwasyon ng kanilang ama. May pumutok na ugat sa ulo nito kaya 50 50 na lamang ang tsansa nitong mabuhay.
Para sa aming mga Doctor yun ang pinakamahirap ang sabihin sa kapamilya ng pasyente na malapit na mawala sa kanila ang kanilang mahal sa buhay. Pero kailangan kong gawin kasi yun ang realidad ng buhay na kailangan nilang harapin.
Pagpasok ko sa room 4 ay nagiiyakan na ang mga kamag anak ng pasyente ko. Tumunog na ng dretso ang heart monitor.
Lumapit ako sa pasyente at pinakingang mula sa aking stethoscope ang tibok ng puso ng kanilang ama.
Umiling ako.
Noon lalong nagiyakan ang ang mga kamaganak nya na nagbabantay sa kanya.
Ang matandang babae na malapit sa akin na pumapalahaw ng iyak ay ang asawa.
Hinaplos ko ang kanyang likod para sabihin sa kanya na I'm sorry for youre lost.
Hindi nya ako pinansin sa halip lalo syang pumalahaw ng iyak sabay yakap sa bangkay ng kanyang asawa.
Naglakad na ako palabas ng silid na yun, at bumalik sa pwesto ko sa nurses and doctors station.
Isa na namang buhay ang nawala.
Kahit pa araw araw ay nakakasaksi ako ng kamatayan mabigat pa rin ang kalooban ko ang makitang may pamilyang nagiiyakan nalulunkot dahil sa pagkawala ng isa sa kapamilya nila.
Kung may magagawa lang sana ako para mangyari yun. Pero Doctor lang ako at hindi Diyos.
"Paging Doctor Ronald Palma you are needed at the ER please..." Sabi ng boses mula sa speaker.
"Doctor Ronald Palma at the ER please..."
"Not again." bulong ko sa sarili ko.
Nagmamadali na akong naglakad papunta sa Emergency room.
Naabotan kong pinagkakagulohan ng emergency team ang isang pasyente.
"Nandito na si Doctor Palma." Sabi ng isang nurse.
Agad kong nilapitan ang lalaking pasyente.
"Info." Sabi ko sa nurse.
"55 years old, Cardiac Arrest..." Patuloy na ibinibigay sa akin ng nurse ang medical information ng pasyente habang itsenetseck ko ang mga vital sign nito, ni hindi ko tiningnan ang mukha ng pasyente basta gunawa ko lang ang SOP ng isang doctor kapag ganitong emergencies.
Inatake sa puso ang pasyente at sa hitsura nito mukhang hindi na nito kakayaning mabuhay.
Nagbigay ako ng instruksiyon sa mga nurses at nagsulat na ako ng nagsulat ng findings ko at mga orders sa record nya.
"Sino ang kasama ng pasyente." Tanong ko ng hindi tumitingin sa kahit sino.
"Ako po." Sagot ng isang lalaking naka polo barong.
"Kaano ano mo ang pasyente.?"
"Boss po.... Bodyguard nya po ako."
"Asan ang mga kapamilya nya.?"

BINABASA MO ANG
MY HUSBANDS MD/ Heal Me With Your Love
RomanceAng kwentong ito ay nabuo sa loob ng hospital kung saan nagliwaliw ang malikot kong imahinasyon habang nagbabantay ako sa brother ko. This is a short story... yun ay kung walang mag demand na pahabain ko pa. Sana magustohan nyo.