MARION YVONNE
Hindi ko alam kung papano ako nakarating sa Sweet Yvonne ang alam ko para akong robot na sumunod na lang ng sumunod sa doctor.
Pumasok ako sa opisina ko na nagsisilbi ring bahay ko kapag sobrang dami ng trabaho at hindi ako makauwi, para magayos ng sarili at magbihis.
Pero ng makapasok ako sa banyo ay bumigay na naman ako, hindi ko na naman napigilan ang emosyon ko.
I breakdown and cry.
Hanggang sa naramdaman ko na lang na may mga bisig na yumakap sa akin. Ang higpit at init ng yakap nya at may hatid iyong kakaibang pakiramdam sa akin.
I feel so safe ang secure in his arms.
Naramdaman kong binuhat nya ako at ng maramdaman ko ang malambot na kama sa likod ko ay alam kong nasa pribadong silid ko ako sa cafe.
"Magpahinga ka na muna." Sabi ni Dic Ronald.
Umiling ako.
"No kailangan kong bumalik sa hospital kailangan ako ni Nate." Lumuluhang sabi ko.
Pununasan nya ng mga daliri nya ang luha sa mata ko.
"Calm down please.... Ako na munang bahala sa kanya.... Babalik ako sa hospital at ako ang magbabantay sa kanya, kung yun ang makapagpapanatag sa kalooban mo. Sa ngayon kailangan mong magpahinga dahil kung hindi baka maunahan mo pa ang asawa mo."
Hinawakan nya ang kamay ko.
"Yvonne kailangan ka nya ngayon, lalo na ng anak nyo... Kaya kailangan mong magpakatatag para sa kanila."
"Ang hirap dok... Ang hirap hirap.... Hes all i got.... Kapag nawala sya papano na ako... Sa kanya nangggagaling ang lakas ko.... Hinding hindi ako makakarating sa kinaroroonan ko kung hindi dahil sa kanya... Sya na lang ang pamilya ko sila ni Natalie."
"Thats it... You still have youre daughter to think of...kailangan ka rin niya... Kapag nawala si nate ikaw na lang ang meron sya.... Kaya kailangan mong magpakatatag para sa kanya."
"Kapag nawala si Nate, kukunin rin nila sa akin si Natalie... Walang matitira sa akin...wala."
"Wag mong isipin yan... Ang gusto kong gawin mo ngayon ay magpahinga ka.... "
"Doc heto na po ang pinapakuha mo." Narinig kong sabi ng isa sa mga empleyada ko sa cafe.
"Yvonne... I will give you something para makapagpahinga ka.... Sorry but i need to do this para maging okey ka kahit papano."
Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Basta naramdaman ko na lang na tila may tumusok sa karayom sa braso ko.
"Whats that.?" Tanong ko.
"Mamaya ko na lang ipaliliwanag sayo... For now i want you to close your eyes and think of nothing."
Hinaplos haplos nya ang ulo ko. Unti unting bumigat ang talukap ng mga mata ko.
At bago ako nilamon ng kawalan ay naramdaman ko ang paghalik ni Doctor Ronald Palma sa noo ko.
RONALD PALMA
Matapos bigyan ng tranquilizer Marion Yvonne at tiyaking okey na ito ay bumalik na ako sa hospital.
Tapos na ang duty ko pero nanatili ako sa ICU para bantayan si Mr. Anderson, tulad ng ipinangako ko kay Yvonne.
Yvonne... Mas gusto ko ang pangalan nyang yun, kaysa sa Marion na tawag sa kanya ng lahat.
Naupo ako sa upuan kung saan naupo si Yvonne pinagmasdan kong mabuti ang lalaking nakahiga sa harap ko at nakakabitan ng mga apparatus.
The first 24 hours is crucial for him. After that, the chance of survival is increase by 5% but anytime pwede pa rin yung bumagsk sa zero.
Ang pangalang Jonathan Anderson ay tinitingala ng lahat kahit sya, kilala ang lalaki bilang isa sa pinakamagaling na electronic engineer at computer programmer sya ang utak sa likod ng tagumpay ng Anderson Electronics.
Habang pinagmamasdan ko sya at parang dinudurog ang puso ko.
Ang dami kong gustong sabihin sa kanya na hindi ko masabi sabi dahil sa kasalukuyang kalagayan nya.
Sa ngayon makukuntento na lang ako na nalalapitan sya, nahahawakan at naaalagaan kahit sa ganitong paraan.
Lumipas ang oras ng hindi ko nalalaman, hanggang sa pumasok ang isang nurse para icheck ang pasyente.
"Hi Doc... Duty pa po kayo mamaya bakit hindi pa rin kayo umuuwi para makapagpahinga.?"
Nginitian ko lang yung nurse.
"Uuwi na rin ako pagdating ng private nurse na kunuha ko para magbantay sa kanya."
"VIP patient doc.?"
"No... Special patient."
Tumingin sa akin ang nurse.
Nginitian ko sya.
Matapos kunin ang mga vital sign ng pasyente ay lumabas na sya ng silid at naiwan uli akong nagiisa.
Yes he is my special patient... At gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mabuhay sya, para sa mga taong nagmamahal sa kanya. At para sa akin.
Ikawalo ng umaga ng dumating ang nurse na kinuha ko para kay Mr. Anderson 3pm ang duty ko may ilang oras pa ako para makapagpahinga.
Bago ako umalis ay siniguro kong well instructed ang mga medical staff na naka assign sa kanya pati ang kapalit kong doctor ay kinausap ko na rin.
Pagdating ko sa condo ko ay tumawag ako sa Sweet Yvonne para naman icheck si Yvonne. Ayon sa secretary nito ay natutulog pa rin ito. Pinakiusapan ko na rin ito na icheck din ang kalagayan ng anak nilang si Natalie. Ibinigay ko na sa secretary ni Yvonne ang number ko, para tawagan ako kung sakali mang may mangyari.
Kahit pagod na pagod ay naging maramot pa rin sa akin ang tulog, hindi mawala sa isip ko ang mga Anderson, lalo na si Yvonne. Theres something in her na nagdudulot ng kakaibang pagtibok sa puso ko.
Alam kong, mali, hindi tama kaya kailangan kong pigilan, kailangan kong supilin.
Ng hindi na talaga ako pinagbigyan ng kahit kunting tulog pa ay bumangon na ako, nagkape 15 minutes sa Treadmill at nagbabad na ako sa ilalim ng shower ng walang ibang nasa isip kundi ang isang Marion Yvonne Anderson.
Maaga pa ng makarating ako ng Hospital agad akong dumiretso sa ICU, naabotan ko roon na nagbabantay ang nurse na kinuha ko at ang mag inang anderson.
Nakasandal ang ulo ni Natalie sa balikat ni Yvonne, habang hawak hawak nito ang kamay ng kanyang ama.
"Hi..." Bati ko sa kanila.
Magkapanabay na lumingon ang dalawa.
Isang pilit na ngiti ang ibinagay sa akin ni Yvonne samantalang kay Natalie ay isang totoong ngiti ang natanggap ko.
"Doc.. Pasensya ka na sa akin kahapon." Si Yvonne.
"Wala yun... And please call me Ron... Yvonne.."
"Sure Doc Ron."
"Can i also call yoy kuya doc.?" Si Natalie.
"Of course Sweety..."
"I don't like to be called sweety... Sina mom at dad lang tong makukulit pero sige po you can call me sweety also.. Para feeling close tayo."
Napangiti ako sa sinabi nya, thats a good sign na baka maovercome nya ang dpression nya, nagagawa nyang magbiro sa kabila ng katotohanang anytime ay pweding mawala ang daddy nya.
"We are close talie... You can call me kuya." Naka ngiting sabi ko sa kanya.
"Okey kuya Ron."
Ang sarap pakingan kuya Ron... Ipinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para maging mabuting kuya sa kanya sa abot ng aking makakaya.

BINABASA MO ANG
MY HUSBANDS MD/ Heal Me With Your Love
Lãng mạnAng kwentong ito ay nabuo sa loob ng hospital kung saan nagliwaliw ang malikot kong imahinasyon habang nagbabantay ako sa brother ko. This is a short story... yun ay kung walang mag demand na pahabain ko pa. Sana magustohan nyo.