CHAPTER 26

20.2K 553 34
                                    

/AN/ As requested EmelitaBarrientos this chapter is for you, thank you.//

MARIONE YVONE

Pagkagising ng diwa ko, hindi pa nga dumidilat ang mga mata ko ay tumakbo na agad ako sa banyo.

Yun ang pinakaayaw ko sa lahat ang hang-over. Tiyak buong maghapon na naman akong lowbat nito. Wala akong bang gagawin kundi mgsuka at matulog.

Kung bakit ba naman kasi naisipan ko pang maglasing kagabi.

Matapos kong mailabas ang lahat ng laman ng tiyan ko ay binuksan ko ang faucet para maghilamos at mag momog.

Matapos iyon ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at ganun na lang ang gulat ko ng makita ko ang sarili ko na hubot hubad.

Hala anong nangyari.? Yun agad ang naitanong ko sa aking sarili.

Hinalukay ko ang utak ko para alalahanin kung ano ba talaga ang nangyari kagabi, pero wala talaga akong maalala.

Bago ako lumabas ng banyo ay naramdaman kong naiihi ako kaya yun ang ginawa ko at halos mapasigaw ako dahil sa hapdi na naramdaman ko sa centro ng aking pagkababae, at doon biglang bumalik sa alaala ko ang lahat si Ron at ang nangyari sa amin kagabi.

Hindi ako nakaKilos agad para akong Itinulos sa pagkakaupo ko.

Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko.

May nagngyari sa amin ni Ron... hindi na ako virgin, nagtaksil ako kay Nate.

Papano ko nagawa yun.?

Nasabunotan ko ang sarili kong buhok, masama akong babae, immoral, taksil, alam ko yun ang sasabihin sa akin ng ibang tao ng mga taong mapanghusga at walang alam.

Gusto kong murahin ang sarili ko dahil sa pagiging mahina ko at sa kapusukan ko.

Ano pang mukha ngayon ang maihaharap ko kay Ron lalo na kay Nate.

Isang katok ang pumutol sa mga alalahaning bumabaha sa isipan ko.

Biglang bumilid ang kabog ng dibdib ko. Baka si Ron yun o kaya si Nate.

"Maam Yvonne okey lang po ba kayo." Si Iza ang isa sa mga katulong namin sa bahay ni Nate.

Anong ginagawa nya rito.?

"Maam...pinapunta po ako rito ni sir Nate para asikasohin kayo.. okey lang po ba kayo.?" tawag nyang muli sa akin.

"Iza... okey lang ako ipagtimpla mo ako ng kape please." Sabi ko sa kanya mula sa loob ng banyo.

"Ipinagtimpla na po kayo ni Sir Ron bago sya umalis kanina, iinit ko na lang po."

Umalis na si Ron. Nakahinga na ako ng maluwag. Hindi pa ako handang harapin sya.

Kinuha ko ang bathrobe na nakadabit sa likod ng pinto ng banyo at isinuot iyon bago ako lumabas.

Paglabas ko ay nakita kong may naka patong na boquet of flowers sa kama, nilapitan ko iyon, at kinuha, may nakakabit na card sa bulaklak na agad kong binuksan.

"Good morning my love, thank you for the most precious gift you have given to me. May gamot dyan sa may bedside table drink it to ease the pain because of what i did to you last night. Babawi ako sayo promise. I love you so much Marione Yvonne."

Love; Doc. Ron.

Ps. I hate to leave you in bed all alone and naked, but i have an emergency call At the hospital. See you soon. Again I love you.

MY HUSBANDS MD/ Heal Me With Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon