CHAPTER 27

20.3K 561 17
                                    

/AN/Malapit na po tayo sa katapusan ng kwentong ito kaya ngayon pa lang hayaan nyo na akong ipaabot sa inyo ang aking taos pusong pasasalamat sa lahat ng walang sawang sumusoporta sa akin. Mahal ko po kayo."/

Pilit kong kinalma ang sarili ko, kailangan kong magtiwala kay Nate at kay Ron. Ang dalawang lalaking mahalaga sa buhay ko.

"I know it... noong una ko pa lang kayong nakitang magkasama ni Doc. Ron alam ko ng may something sa inyo. Ayaw ko lang bigyan ng malisya kasi akala ko talaga kasal kayo ni Sir Nate though hindi ko naman nararamdaman na mag asawa nga kayo." Sabi ni Ruby.

"Meaning.?"

"Napapansin ko na Wala naman talaga kayong physical na connection sa isat isa. Yung mga hawak nya sayo at halik parang sa anak lang yun, walang malisya."

"Thats because hes like a father to me at anak din lang naman talaga ang turing nya sa akin, we just have to pretend para kay Natalie."

"Ang hirap ng ginagawa mo."

"Mahal ko silang pareho kaya kinakaya ko."

"Alam mo nararamdaman ko ang paghihirap ng kalooban mo ngayon. Sana maging maayos na ang lahat. Gustong gusto ko si Doc. Ron para sayo."

Pinilit kong magtrabaho kahit pa nghihirap ng husto ang kalooban ko. Kailangan kong gawin yun, dahil kung hindi maiiyak na naman ako.

Isang tawag ang natanggap ko mula sa EA ni Nate.

"Maam Marione, buksan mo raw po ang TV nyo sa bussiness chanel sabi ni Sir Nate."

Kahit hindi ko alam kung bakit ay sinunod ko na lang ang sinabi nito.

Binuksan ko nga ang TV sa channel na sinabi nya.

Commercial break, naghintay pa ako ng ilang minuto bago nagresume ang programa.

Ang host ng programa ang una kong nakita sa screen, Pilipino bussines talk show ang palabas.

"Welcome back, makakasama po natin ngayon ang dalawang pinakamalaking pangalan sa mundo ng bussiness si Mr. Jonathan Anderson ng Anderson Electronics, at si Doctor Ronald Nathan  Palma anak ng  may ari ng Palma laboratories at isa sa magagaling na doctor natin ngayon. Naririto sila para linawin ang isyu na kinasasangkutan nila at ng asawa ni Mr. Anderson na si Mrs. Marione Anderson..."

Ang bilis ng kabog ng dibdib ko ng makita ko ang mukha ng mag ama sa Tv.

"We never expect it na makakasama natin sila ngayon ng sabay matapos ang mga naglabasng balita tungkol kay Mrs Anderson at kay Doctor Palma.... una kong hihingan ng pahayag si Mr. Anderson... sir ano po bang massabi nyo sa isyung ito kung saan ay sangkot ang asawa nyo at ang doctor nyo."

"First i want to clear evrything about me and Marione Yvonne. Yvee is not my wife." Sinadya ni Nate na linawan ng husto ang bawat katagang binibitiwan nya.

"Oh.." sabi ng host.

"How come..? Ikinasal kayo sa amerika hindi ba.?"

"Hindi totoo ang kasal ginawa lang namin yun para sa anak ko, at para na rin pangalagaan ang reputasyon ni Yvonne."

Hindi ko na narinig ang mga sinasabi ni Nate dahil nahulog na ako sa malalim na pagiisip, ano ang magiging bunga ng ginawa nyang pagamin sa harap ng national TV sa totoong relasyon namin. Papano si Natalie papano nya tatangapin ang lahat.?

"This man here Doctor Ronald nathan Palma is the real boyfriend of Yvonne and he is my son. So gusto ko pong sabihin sa lahat na hindi masamang babae si Yvonne, shes a great woman, nagawa nyang isakripisyo ang sarili nyang kaligayahan para sa anak ko. Sa haba ng panahon na tumayo syang ina at asawa ko ay sapat na rin sigurong sakripisyo yun. Kaya ngayon ibinibigay ko na sya sa anak ko ang tunay na nagmamayari sa kanya."

MY HUSBANDS MD/ Heal Me With Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon