CHAPTER 14

16.7K 470 15
                                    

MARION

"Mom...." Gulat na gulat si Ron.

"Are you insane Ronald Nathan..? Binalaan na kita hindi ba.?"

Hindi ko man nakikita ang mukha ng babaing nagsasalota na tinawag niyang Mom, alam kong galit ito.

Kinabahan ako.

"Mom..."

"Alam kong kasama mo sya sa loob, nasaan sya... Anong ginawa nyong dalawa.?"

"Mom... Its not what you think it is... Nagusap lang kami."

"Sa loob ng nakasaradong silid ng kayong dalawa lang." May pagduda sa tinig nya.

Alam kong ako ang pinaguusapan nila, nasa likod ako ng pinto kaya hindi nya ako nakikita.

"Mom... Kilala mo ako.."

"Not anymore Ron.... Just looking at you right now... I know that youre a defferent people already.... I can see it in youre eyes Ron..."

"Mom....its over tinapos na namin bago pa man magsimula." May lungkot sa tinig ni Ron.

Dama ko yun kasi yun din ang nararamdaman ko.

"Gusto ko syang makausap."

Da pagkakataong iyon ay parang gusto ko ng kainin ako ng lupa, hindi ko kayang makaharap ang ina ni Ron, lalo nat alam kong alam nya ang tungkol sa amin ni ng anak nya.

"Mom... Please.."

"Ronald gusto ko syang makausap.... Mrs Anderson, alam kong naririnig mo ako, lumabas ka rito at magusap tayo." Ma awtoridad na sabi nya, pero mahinahon ang paraan ng pagsasalita nya.

Dahandahan akong umalis sa likod ng pinto at tumabi ako kay Ron.

At napigil ko sa gitna ang paghinga ko ng makilala ko ang babaing nasa labas ng pinto.

"Tita Rona..." Nanginginig na sabi ko.

"Yes... Sweety... Miss me.?"

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa dalawa.

"Mukhang nagkakilala na kayo ng anak ko."

Tumango lang ako.

"Magkakilala kayo.?" Si Ron.

"Matagal na, ipinakilala sya sa akin ng Daddy mo bago pa sila ikasal."

"Mom.... Ang dami mong hindi sinasabi sa akin."

"Mahalaga pa ba yun.... Ang mahalaga ngayon at gusto kong pagusapan natin ay ang tungkol sa inyong dalawa..."

"Mom sinabi ko na sayo, wala na... Tapos na napag usapan na namin."

Tumingin sa akin ang mommy ni Ron.

"Totoo po ang sinabi ni Ron."

"Mabuti kung ganun.... Pero mas mabuti kung hindi na kayo magkikita... Ronald... Sasama ka sa akun paguwi ko ng Amerika."

"Lalayo ako mom... Aalis ako... Pero hindi muna ngayon... Gusto kong makitang gumising si dad."

"Kaylan pa.... Kapag kapwa na kayo nahulog sa kasalanan... Hindi ko mapapayagan yun... Marion i like you... Sa lahat ng naging babae ni Nate ikaw lang ang nagustohan ko at inerespeto ko kasi iba ka sa kanila.... Kaya umaasa ako na hindi mo sasayangin ang respetong ibinigay ko sayo."

"Makakaasa kayo... Tulad ng sinabi ni Ron nagusap na kami."

"You are both matured adult... Alam nyo na ang tama at mali, at alam nyo ang limitasyon nyo... Pero ayaw ko pa ring maging kampante... Kaya babantayan ko kayo."

MY HUSBANDS MD/ Heal Me With Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon