Kinaumagahan maaga akong gumising kahit wala namang masyadong order ng mga cake para sa special occation gusto ko kasi makausap siNate bago sya pumasok sa opisina, nakahanda na akong sabihin sa kanya ang tungkol kay Ron.
Dumiretso ako s kusina. Naabotan ko ang isa sa mga katulong na abala sa pagluluto ng almusal.
"Nana Yolly, gising na po ba si Nate.?" Tanong ko sa kanya, ng hindi ko makita di Nate sa paligid.
"Maam Yvee goodmorning po... maaga pong umalis si sir Nate, hindi po ba sya nagpaalam sayo.?"
Tiningnan ko ang orasan sa dingding 5:30 am.
"Hindi po....Anong oras po sya umalis at saan daw ba sya pupunta ng ganito kaaga.?"
"Wala pong sinabi pero mukhang papunta sya ng ibang bansa kasi may hawak syang passport at plane ticket."
Passport at plane ticket.? Tanong ko sa isip ko. May sariling eroplano si Nate kung kjnakailngan nyang sumakay ng domestic flight mukhang may emergency syang pupuntahan. Pero bakit hindi nya yun sinabi sa akin.
Muli akong umakyat sa silid ko at kinuha ko ang cellphone ko. Sinubukan ko syang tawagan pero un attended ang phone nya.
Tinawagan ko ang EA nyang si Totz.
"Hello Mrs Anderson Maam good morning." Mukhang kagigising nya lang at naalimpungatan sya dahil sa tawag ko.
"Pasensya ka na Totz kung nistorbo ko ang tulog mo, may itatanong lang sana ako."
"Naku wala pong probkema dun maam, no po ba yun?"
"Ano ba ang Schedule ni Nate sa araw na to.?"
Mula ng maospital si Nate madalas ko ng itinatanong sa kanya ang mga schedule ni Nate para siguradihung hindi ito masyadong maistress kaya alam kong sasabihin nya sa akin kung saan papunta si Nate.
"Maam pinakancel po ni Boss lahat ng appointment nya today and tommorow, pupunta raw po sya kasi sa states para sa isang emergency na hindi nya naman sinabi sa akin kung ano, pinakamaagang flight nga po ang ipinakuha nya sa akin."
"In what part of the states ba sya papunta.?"
"Chicago Illinoise maam."
Biglang kumabog ng napakalakas ang dibdib ko, yun ang lugar kung saan nakatira si Ron. At wala kaming Bussiness sa bahaging yun ng US.
"Ganun ba wala ba syang nasasabi kung ano ang gagaWin nya doon.?"
"Wala po maam."
Matagal na kaming tapos magusap ng EA ni Nate pero sobra pa ring lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang gusto kong maiyak na hindi ko maintindihan. Binalot din ng pagaalala ang puso ko para sa kundisyon ni Nate.
Pilit akong nagisip kung ano ang pwede kong gawin. Hindi ako basta basta makakasunod kay Nate sa States at iisang tao lang ang maari kong hingan ng tulong ngayon. Kailangan ko lang ang kapal ng mukha.
Nagmamadali akong pumunta sa opisina ni Nate sa bahay.
May mga papel na nakapatong sa mesa nya. At ang computer nya naka on pa rin. Mukhang nakalimutan nyang ishutdown.
Naupo ako sa upuan ni Nate, wala akong intrnsiyong pakialaman ang mga personal nyang gamit. Pero nakatawag sa pansin ko ang note pad na nakapatong sa mesa nya, may address na nakasulat doon at sakto sa lugar na sinabi ni Totz Chicago Illinoise.
Kumabog na naman ang dibdib ko at kinain ng curiousity ang buong pagkatao ko.
Pinakialaman ko na ang mga gamit nya pati ang computer nya.
BINABASA MO ANG
MY HUSBANDS MD/ Heal Me With Your Love
RomanceAng kwentong ito ay nabuo sa loob ng hospital kung saan nagliwaliw ang malikot kong imahinasyon habang nagbabantay ako sa brother ko. This is a short story... yun ay kung walang mag demand na pahabain ko pa. Sana magustohan nyo.