CHAPTER 7

20.2K 543 12
                                    


Lagpas ikawalo na ng gabi ng makaalis ako ng opisina at makapunta sa hospital. Napadaan ako sa ward kung saan na roon si Ron naka duty sya, simpleng polo shirt na kulay blue at maong pants lang ang suot nya but still he looks so hot with the stethoscope hanging on his neck. Pinagpapawisan na sya pero napakalinis nya pa ring tingnan may kausap syang kamaganak ng isang pasyente and looking at the patient alam kong critical na ang condition nito at alam ko na bilang isang doctor yun ang pinakamahirap sa lahat ang ipaliwanag sa kapamilya ng pasyente nya na anytime soon ay mawawala na ang mahal nila sa buhay.

Nakita kong napaluha ang babaing kausap ni Ron. Isa yata sya sa kapamilya ng naka ammu bag na matandang babae. Hinaplos nya ito sa likod. Hes trying to comfort her.

Mas lalong lumaki ang paghanga ko sa kanya. Sa kabila ng pagod dahil sa dami ng pasyente nya ay nagagawa nya pang intindihin ang pakiramdam ng kapamilya ng kanyang pasyente.

I keep on watching him outside the room. Magkatapat lang kasi ang ICU at ang intermediate care room kung saan naroroon si Ron. Sa silid nay un dinadala ang mga pasyente na critical na ang kundisyon kung baga less than 50% na ang chance na mabuhay .



RONALD PALMA

Nakakapagod, simula kanina alas tres ng hapon ay hindi na ako tumigil, sa dami ng pasyente na ipinasok kulang na kulang kami sa tao lalo na sa mga resident doctors na tulad ko. Ngayong araw lang ay lima ay nakadagdag na pasyente sa akin to think na limang oras pa lang mula ng dumating ako sa hospital. At ang karamihan sa kanila ay Cardiac and Nephro. Kung saan bihasa ako.

Katatapos ko lang kausapin ang kapamilya ng isa sa mga pasyente ko na Inatake sa puso, sinabi ko na sa kanila na napakaliit na ng chance na makaligtas ang kapamilya nila.

Sa lahat yun ang pinakamahirap para sa akin. Ang sabihing kahit anong oras ay pweding mawala ang kapamilya nia.

Itry to comfort the daughter of my patient, ng maramdaman kong tila may nanonood sa akin, kasi kakaiba ang tibok ng puso ko.

Paglingon ko sa labas ng ng pinto ay nakita ko si Yvonne.

Kaya naman pala hindi na naman normal ang tibok ng puso ko.

Nginitian ko sya.

Pilit rin syang ngumiti, Halata ang labis na pagod sa kanyang mukha.

Nagpaalam na ako sa kapamilya ng pasyente ko. At naglakad papunta kay Yvonne.

"Hi... Hows your day..?" yun agad ang itinanong ko sa kanya kahit obvious naman sa hitsura nya na pagod na pagod sya.

"Nakakapagod." Maiksing sagot nya.

"Pareho pala tayo."

"Pero mas nakakapagod ang trabaho mo...saving somebody's life is a tough job."

"Yes it is pero Masaya ako sa ginagawa ko... Ang magligtas ng buhay ang calling ko."

"Ako... Masaya na akong gumawa ng cakes... running a giant company is to much for kung may choice lang sana ako."

"kaya mo yan." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Sana nga....how I wish na sana gumising na si Nate."

"I wish for it also."

"Sige pasok na muna ako sa loob." pagpapalam nya sa akin.

"Sige I'll check on him later." Sabi ko.

Tumango lang sya at ngumiti.

And that's it sa simpleng ngiti nya lang ay nawala na ang pagod ko.

MY HUSBANDS MD/ Heal Me With Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon