MARION
Gulong gulo na ang isip ko dahil sa damdamin ko para kay Ron, idagdag pa ang gulong dala ni Cassandra, ang dating asawa ni Nate.
Ginawa ko ang lahat para maiiwas si thalie kay cassandra. Pinadagdagan ko ang security nya at nagpalagay na rin ako ng security para kay Nate.
Patuloy kaming nagiwasan ni Ron. Ngunit may mga pagkakataon pa rin na kailangan talaga naming mag usap.
Tulad ngayon, inabutan ko sya na personal na nililinisan si Nate.
Pinupunasan nya ang buong katawan nito.
"Need some help.?" Sabi ko sa kanya.
"Yes please... Bibihisan natin sya."
"Okey."
Mahigit isang buwan na sa hospital si Nate pero ang mga personal nurse nya na kinuha ni Ron para sa kanya ang naglilinis at nagbibihis sa kanya.
"I have to change his diaper."
"Okey... Need some help.?"
"Mamaya na lang kapag malinis na sya, tulungan mo na lang akong palitan sya."
"Okey..." sagot ko aa kanya.
Naalala ko ang nanay ko, ganitong ganito rin ang ginagawa ko sa kanya noon ng nasa hospital na sya. Ako ang personal na naglilinis sa kanya noon kasi wala kaming pera, pambayad sa personal nurse at nasa pampublikong hospital lang kami at charity ward pa. Hindi tulad kay Nate ngayon na nasa pampublikong hospital nga kami nasa Payward naman.
Habang ginagawa yun ni Ron ay pinupunasan ko sa mukha si Nate para may dahilan ako para hindi ako tumingin sa ginagawa nya.
Ng matapos ay magkatulong namin itong binihisan.
"Thank you." Sabi ko sa kanya pagkatapos.
"Wala ka namang dapat ipagpasalamat, ama ko sya at obligasyon kong alagaan sya."
"But he never been a father to you."
"Kung wala sya wala rin ako."
"Alam mo napakabuti mong tao. No wonder anak ka nga ni Nate... Pareho kayo ng ugali."
Tumingin sya sa akin. May ibang ibig sabihin ang mga tingin nya, pero wala syang sinabi.
"Ron.... Pwede magtanong.?"
"Sure basta ba kaya kong sagutin yan go ahead."
"May girlfriend ka na.?"
Natigilan sya sa tanong ko, tumingin muna sya sa akin bago nagiba ng dereksiyon ang kanyang mga mata.
"Wala akong panahon para dun." Sagot nya.
"Youre not getting any younger."
"I know...."
"Maghanap ka na ng girlfriend... Ang daming mga magagandang dalagang nurse dito sa hospital, imposibleng wala kang.magustohan isa man sa kanila."
"Marion... Hindi mo ako kailangang ipagtabuyan sa iba, hindi ko ipagpipilitan sayo ang damdamin ko, hindi ko kayang agawan ng asawa ang sarili kong ama..."
Ako naman ang napatingin sa kanya,
"Hindi ikaw ang problema Ron, kundi ako... I want to see you with somebody, para matigil na rin ang puso ko." Hindi ko gustong sabihin yun, pero nahihirapan na rin kasi akong itago ang damdamin ko.
Tila hindi makapaniwala si Ron sa narinig.
Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa kamay sabay hila sa akin papunta sa male doctors quarter na katabi lang ng ICU, walang tao roon maliban sa amin, the door locks instantly, nangyari na ito noon.
![](https://img.wattpad.com/cover/68462349-288-k56574.jpg)
BINABASA MO ANG
MY HUSBANDS MD/ Heal Me With Your Love
RomanceAng kwentong ito ay nabuo sa loob ng hospital kung saan nagliwaliw ang malikot kong imahinasyon habang nagbabantay ako sa brother ko. This is a short story... yun ay kung walang mag demand na pahabain ko pa. Sana magustohan nyo.