CHAPTER 3

26.9K 682 7
                                    

MARION YVONNE


"Maam Marion tumawag po si Kuya Greg ang bodyguard ni si sir Nate." Hamahangos na tawag sa akin ng secretary ko.

Iniaangat ko ang tingin ko mula sa cake na nilalagyan ko ng design.

"Anong problema.?" Tanong ko sa kanya.

"Isinugod nya raw po sa hospital si sir Nate... Inatake daw po sa puso."

Nabitiwan ko ang hawak kong icing. Sandaling tumigil sa pagikot ang mundo ko.

"Maam.." Muling nagsalita ang secretay ko. Noon ako biglang natauhan.

"Saang hospital.?" Nanghihinang tanong ko.

Sinabi nya ang pangalan ng isang Government Hospital.

"Bakit doon..?" Yun agad ang lumabas sa bibig ko, bago ako tumakbo palabas  ng baking room at pumasok sa opisina ko para kunin ang bag ko at susi ng sasakyan ko.

Hindi ko alam kung papano ako nakarating ng hospital, walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko.

Pagkababa ko ng sasakyan ko ay tumakbo na ako papunta sa loob ng hospital, agad naman akong sinalubong ni kuya Greg head ng mga bodyguard ni Nate.

"Nasaan sya.?"

"Ayun po maam."

Ng makita ko ang asawa ko na kinakabitan ng mga tubo at ibatibang apparatus ay tuluyan ng kumawala ang pinipigilan kong emosyon. Nagpalahaw na ako ng iyak ni wala na akong pakialam sa mga taong nasa paligid ko.

Ni hindi ko na alam kung anong pinagsasabi ko basta ang alam ko nagtalo kami ng doktor nya.

Basta panay lang ang iyak ko at pakiusap kay Nate, na wag nya akong iiwan dahil hindi ko kayang mawala sya, at yun ang totoo almost half of my life sa kanya lang ako umasa. Sya na ang buhay ko, ang lakas ko. Kapag nawala sya hindi ko na alam kung papano.

Nasa loob na ng ICU si Nate maraming tubo at apparatus ang nakakabit sa kanya.

Parang dinudurog ang puso ko. Hindi ko sya kayang tingnan sa ganung ayos. Ayaw tumigil sa pagpatak ang mga luha ko.

Nakaupo ako sa upuan sa tabi ng kama nya, ayaw kong bitiwan ang kamay nya, nagbabakasakali akong gumalaw iyon. 

Mahigit isang oras na akong nakaupo roon ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki tulad ko nakasuot din sya ng hospital gown hair cap at mask.

"Mrs. Anderson." Sabi nya.

"Yes..? " Sagot ko.

"I'm Doctor Ronald Palma I'm your husbands Doctor."

"Ikaw din ba yung nasa ER kanina.?" 

"Yes...ako rin yun... pwede kayong kumuha ng ibang Doctor kung gusto nyo but right now habang wala pa kayong Doctor ako muna ang titingin sa asawa mo."

"okey... gusto kong malaman kung ano ba ang kundisyon ng asawa ko." Nagbabadya na namang pumatak ang luha ko, pero pinigilan ko.

"50-50 that's his chance of survival, hanggat may nakakabit sa kanyang life support pwede syang mabuhay pwede ring hindi, depende yun sa magiging reaksiyon ng katawan nya sa medication na ibibigay natin sa kanya, sa ngayon inaalam ko pa kung gaano kalaki ang pinsalang idinulot sa puso nya ng pang tatlong ataki na to... kadalasan kasi ang pangatlo ang pinaka crucial, napakaliit na porsyento lang ang nakakaligtas dito."

Muli na namang bumalon ang mga luha ko. Naramdaman ko ang paghaplos nya sa braso ko, his hands is so warm, doon na ako bumigay isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nya. i need a shoulder to cry on dahil kung hindi baka hindi ko na kayanin.

MY HUSBANDS MD/ Heal Me With Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon