CHAPTER 20

18.8K 548 29
                                    

/AN/ Gagawin ko po ng maikling POV si Nate kasi malapit ng matapos ang kwentong ito kaya gusto kong Makilala rin ninyo sya./

JONATHAN ANDERSON.

Mula nga magising ako sa loob ng isang hospital ay naramdaman ko agad na may nagiba sa asawa ko kay Marion Yvonne. Madalas sya malungkot at nakatulala na tila ba may malalim na iniisip.

Sinubukan kong alamin kung ano ba ang problema nya pero wala syang sinasabi sa akin.

Okey lang sya yun ang madalas nyang sagot.

Kaya kinakailangan kong magimbestiga. Isang pangalan ang lumutang, Doctor Ronald Nathan Palma or Doc. Ron. Ang doctor na naka assign sa akin habang nasa coma ako.

Naging magkaibigan sila ni Yvee dahil sya ang madalas nyang nakakausap at nakakasama sa pagaalaga sa akin. Maliban doon wala na akong nalaman pa tungkol sa kanila.

Hanggang sa isang Email mula kay Cassandra my ex-wife ang natanggap ko.

May attachment na pictures ang e-mail.

And when I open it it tells evrything.

Yung ngiti at kislap ng kanyang mga mata sa larawang iyon ay noon ko lang nakita sa kanya mula ng makilala ko sya 10 years ago.

Shes so broken when i find her. Kamamatay lang ng daddy nya his all shes got. Namatay ang mommy nya dahil sa panganganak sa kanya kaya naiwan sya sa kanyang ama na bestftiend at EA ko pinilit nyang gampanan ang tungkulin ng isang ama at ina ng sabay kay Marion Yvonne, i knoe dahil naandon ako habang nagpapaka ama at ina dya sa idang napakagandang batang babae. Kaya ng mamatay sa aksidente si Fernan nawalan ng dereksiyon ang buhay nya, mabuti na lang naandun ako para alalayan sya. Sa tulong ko ay nalagpasan nya ang mga pagsubok na dumating sa buhay nya.

Pero siningil ko sya ng mahal sa mga ginawa ko sa kanya. Napakalaki ng kapalit na hiningi ko sa ginawa kong pagtulong sa kanya.

Her own life her freedom.

Alam kong hindi ganun kadali ang maging asawa ko. Pero ginampanan nya pa rin ang tungkuling iyon ng wala man lang akong narinig na reklamo mula sa kanya. Alam ko na hindi sya masya sa ginagawa nya pero kahit minsan ay hindi nya iyon ipinakita sa akin, sa amin ng anak ko.

Masaya syang ginagawa ang tungkulin nya sa aming mag ama. Pero ang sayang iyon ay hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. At lalong nagdagdagan ang lungkot sa kanyang mga mata ng magising ako mula sa coma naging parang robot sya na walang ka emoemosyon.

Sana makita ko uli syang masaya.

Katulad ng sayang nakita ko sa kanya sa larawang ipinadala sa akin ni Cassandra. I can see pure happines in her eyes when shes with that man. Dr. Ronald Nathan Palma.

Naiingit ako sa kanya papano nya nagawang pasayahin ng ganun si Yvonne. How i wish kaya ko ring gawin yun.

Pumunta ako ng States para hanapin si Dr. Palma, para kausapin ito tungkol sa asawa ko.

Madali lang para sa akin ang mahanap ang isang Ronald Nathan Palma i have my connections at mas naging madali ang paghahanap ko sa kanya lalo pat isang magaling na doctor ang hinahanap ko.

Pero hindi ko inaasahan ang madaratnan ko sa bahay ni Dr. Palma lalo pat sinasabing isa syang magaling na doctor.

Ilang beses na akong nag doorbell pero walang sumasagot, may mahinang togtog akong naririnig mula sa loob kaya alam kong may tao.

Ng pihitin ko ang seradura ng pinto ay nalaman king hindi naman pala nakasara iyon.

Halos mabasag ang eardrum ko ng buksan ko ng tuluyan ang pinto, ang inakala kong mahinang togtog ay napakalakas pala.

At lalo akong nagulat ng makita ang nagkalat na mga bote ng alak, mga balat ng junk foods at upos ng sigarilyo sa sala ng bahay nya.

"Tao po.... any body home.!" Sigaw ko.

Pero lubhang napakalakas ng togtog kaya alam kong imposibleng marinig ako ng kung sinomang nasa loob ng bahay na yun. Kaya hinanap ko na lang ang kung sinomang tao na nasa bahay na yun pumasok ako sa kusina kasi may naamoy akong napakasarap na aroma ng kape.

At doon ay nakita ko ang isang lalaki na nakasubsub ang ulo sa mesa na mukhang nakatulog at may hawak pa itong lata ng beer.

Tinapik ko ito ng marahan sa balikat at nagulat ako ng husto ng makita ko ang mukha ko sa kanya ng kabataan ko.

I'm sure that the man infront of me is me way back 25 or more years ago. Nagbago lang ng kunti ang mukha ko dahil kinailangan kong magpa plastic surgery 10 years ago dahil nasira ang malaking parte ng mukha ko dahil sa car aksident kung saan namatay si Fernan ang daddy ni Yvonne. Magkasama kami noon s sasakyan pero sya ang napurohan sya kasi ang nagmamaneho at sa side nya bumanga ang truck na kasalubong namin. At ako tinamaan ng mga bubog ng nabasag na salamin ang mukha ko kaya kailangang operahan pero hindi na nila naibaik ang dati kong mukha.

"Sir bakit kayo nandito.?" Yun lang ang narinig ko mula sa kausap ko pero bago pa ako makasagot ay tumakbo na sya papunta sa sala para patayin ang togtog.

Biglang binalot ng katahimikan ang buong paligid. At habang pinagmamasadan ko sya na papalapit sa akin ay tila ba ang bilis ng pintig ng puso ko. Papanong naging kamukhang kamukha ko ang lalaking ito.

Kailangan kong malaman yun. Pero sa ngayon hindi yun ang sadya ko sa kanya, may gusto akong malaman mula sa kanya at gagawin ko ang lahat para makakuha ng kasagutan sa tanong na nasa isip ko tungkol sa kanila ni Yvonne sa kahit na anomang paraan.

Nasa gitna kami ng interogasyon ng marinig ko ang isang kilalangkilala kong tinig.

" Ronald Nathan anong ginawa mo sa bahay mo.!!!?"

Gulat na gulat ako ng makita ko ang tanging babaing naging bestfriend ko.

Ronalyn Palma. Ang pinakamayaman at pinaka Brat kong kaibigan.

" Ano bang ginagawa mo sa buhay mo ha Ronald Nathan. Kung gusto mo ng sirain yang buhay mo bigyan mo muna ako ng apo para may magaalaga sa akin pagtanda ko."

When i hear her nag no doubt sya nga yun.

Pero mas nagulat ako sa sinabi ni Dr. Palma

"Mom... shut up may bisita ako."

Tumingin sa akin si Rona at nakita ko ang labis na pagkabigla sa mukha nya.

"Jonathan... anong ginagawa mo dito.?" She trying to regain her composure.

"Ronalyn. Hi...So hes youre son.?" Kinabahan ako na hindi ko mawari.

"My only son. I think magkakilala na kayo, hes your doctor back in the Philippines... By the way I'm happy that your back."

Her only son. Noon na ako tila nawala sa aking sarili. I travel back in time. Counting the days ng nangyari ang pinakamaligayang araw na yata sa buhay ko.

Nahulog ako sa malalim na pagiisip kaya hindi ko na namalayan ang mga nangyayari. Hanggang sa bigla na lang nag walkout si Rona. Hahabolin sana sya ni Ron but i stop him.

Ako na." Sabi ko.

Tumango lang sya.

"Pero hindi pa tayo tapos magusap, babalikan kita."

May kailangan kang akong malaman and i want the truth and nothing but the truth about Ronald Nathan' father.

MY HUSBANDS MD/ Heal Me With Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon