CHAPTER 22

18.2K 517 22
                                    

"No... walang aalis sa bahay na to Yvee." Matigas na sabi ni Nate.

"Babalik lang naman ako sa condo ko."

"Youre my wife and this is youre home bakit ka aalis.?"

"Dahil yun ang mas makakabuti." Sabi ko habang patuloy kong inilalagay sa mga maleta ang mga damit ko.

" Makakabuti kanino.?"

"Para sa ating lahat. Come on Nate wag na tayong mag maangmaangan dito. Alam kong alam mo ang tungkol sa amin ni Ron."

"Wala akong alam kasi wala ka namang sinasabi sa akin. What i know is the other side of the story. Which i'm not interested. Mas Gusto kong ikaw ang magsabi sa akin. Ano ba talaga meron sa inyo ng anak ko.?"
"Wala..... kasi hindi pwede... kasi mali, Hindi tama."

"Alam mong kaya Kong gawin tama ang kahat kung nagsabi ka lang sana sa akin. Tinanong kita kung may problema ka, ang sabi mo wala. You lied to me Yvee.."

Nanginig ang buong katwan ko. Pakiramdam ko ay nanghina ng husto ang mga tuhod ko. Galit sya alam ko. Pero wala akong makitang galit sa mukha nya he remain calm.

"I'm sorry." Naiiyak na ako.

"Yvee...Nangako tayo sa isat isa no lies... no matter.. how bad or painfull it is. Pero anong ginawa mo.?"

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

"I'm sorry Nate... patawarin mo ako... natakot lang ako sa maaring mangyari oras na malaman mo ang totoo... may sakit ka hindi ka pweding mastress o kaya magalit kaya pinili kong wag na lang sabihin sayo ang totoo." Umiiyak na ako.

"At sa palagay mo hindi ako naiistress sa tuwing nakikita kitang malungkot at sa palagay mo hindi ako nagagalit sa sarili ko sa tuwing nakikita kitang umiiyak pero wala akong magawa. Pakiramdam ko wala akong kwentang tao, kasi buong buhay mo na kasama ka namin ni Thalie wala kang ibang inisip kundi ang pagsilbihan kami ang pasayahin kami, pero noong ikaw naman ang malungkot wala kaming magawa lalo na ako para pasyahin ka. Alam mo ba kung gaano kahirap yun para sa akin ha.?"

Hindi na ako nakapagsalita, umiyak na lang ako ng umiyak

"Yvee... you know that i would do anything just to make you happy. Sa ganung paraan lang ako makakabawi sa lahat ng ginawa mo para sa amin. Now tell me the truth yvee... do you love him.?"

Natigilan ako sa tanong nyang yun. Hindi ko alam amg isasagot ko.

"Mahal mo ba ang anak ko.?" Ulit nya sa tanong nya.

"Yvee this time i want the truth... so please sagutin mo ang tanong ko. Mahal mo ba si Ron."

"Siguro... oo... ewan.. hindi ko alam.... ngayon lang naman kasi ako nakaramdam ng ganito sa buong buhay ko basta ang alam ko lang masaya ako pagkasama ko sya. Gusto ko lagi ko syang naiikita, nakakasama... nakakausap... gusto ko ang pakiramdam na nakakulong sa mga bisig nya. If this is the sign of love then yes... i love him... Nate." Wala na akong nagawa kundi ang aminin sa kanya ang totoo.

Hindi sya nagsalita. Ni hindi ako makatingin sa mga mata nya.

"I'm happy to hear that." Nagulat ako sa sagot nya.

Tumingin ako sa kanya.

Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi at pinunas nya ng kanyang daliri ang mga luha ko.

"Now put back All your clothes inside youre closet, hindi ka aalis... walang aalis.... dito ka at dito si Ron.... you are both matured adult alam nyo na ang tama at mali and i have trust on both of you. "

Umiiyak na umiling ako.

"No nate please dont do this to us... please wag ganito."

"I'll do it my way Marione Yvonne you just have to trust me, wala akong gagawin para pahirapan kayo ni Ron. I will never do that. Pareho kayong mahalaga sa akin."

Yes i have to trust him like i always do. Sya kang ang taong pinagkatiwalaan ko ng buhay ko for tha past ten years, at sya lang ang pagkakatiwalaan ko for the rest of my life.

Bigla ko syang niyakap ng mahigpit, gusto ko uling maramdaman na okey lang ang lahat. Na magiging okey ang lahat tulad ng sinabi nya.

Naramdaman ko ang masuyong paghaplos nya sa likod at sa buhok ko. Then he kissed me on top of my head.

Ng maibalik ko ang mga gamit ko sa closet ay bumababa na ako para sa hapunan. I tried my best to act normal because thats what evrybodys doing.

Si Natalie ang naging tagapamagitan para magusap usap kaming tatlo.

Matapos ang hapunan ay nagpaalam si Ron na lalabas kasama ang mga kaibigan. Ako naman pumasok na sa silid ko.

Kinaumagahan maaga akong gumising gusto kong pumunta sa shop ng maaga para makaiwas na makaharap si Ron. Pero nagulat pa ako ng makita ko na gising na rin ito at naghahanda ng almusal.

"Good morning." Sabi nya.

Hindi ako kumibo.

Nakita kong may nakahanda ng kape sa coffe maker kaya kumuha ako ng tasa at nagsalin.

Babalik na sana ako sa silid ko dala ang kape ng humarang sya sa daraanan ko.

"Magusap tayo please." Sabi nya.

Ang lapit nya sa akin, naamoy ko ang kanyang napakabangong amoy. Kumabog ng husto ang puso ko.

"Ron please. Wala tayong dapat pagusapan."

"Meron.... marami.... "

"Like what.?"

"Kung papano natin pakikiharapan ang isat isa. Yvone magkasama tayo sa iisang bahay hindi pweding hindi tayo magusap."

"Pwede Ron... at yun ang gagawin natin. Hindi tayo maguusap. Iiwasan kita iiwasan mo ako as simple as that."

"Hindi ko kaya."

"Kakayanin mo dahil kakayanin ko."

Humakbang sya papalapit sa akin. Halos napakalapit nya na nararamdaman ko na ang init na nagmumula sa katawan nya.

Uurong sana ako pero tumama na ang likod ko sa lababo.

"I tried it Yvee pero hindi ko kinaya mababaliw ako."

Muli syang humakbang papalapit sa akin.

"Ronald Nathan please." Inilapag ko ang kape sa ibabaw ng lababo.

"Marione Yvone please.... i miss you."

Lalong nagwala ang puso ko.

Hindi ko kinaya. Tumalikod ako sa kanya, kaya nakaharap ako sa lababo.

Binuksan ko ang faucet at naghilamos para mabawasan ang init na nararamdaman ko sa mukha ko.

Pagangat ko ng ulo ko ay naramdaman ko na napakalapit nya sa akin at naramdaman ko ang ihip ng hininga nya sa batok ko.dahilan para magtayuan ang balahibo ko.

Iniyakap nya ang isa nyang braso sa ibaba ng dibdib ko habang ang isa ay sa itaas naman ng dibdib ko.

Ang higpit ng yakap nya, tila ba nanigas ang buong katawan ko, hindi ako makakilos, ramdam ko ang init ng mga yakap nya.

Nanatili lang syang nakayakap sa akin mula sa likuran ko, habang nasa gilid ng ulo ko sa itaas ng aking tainga ang kanyang mukha. Hindi pantay.ang kanyang paghinga para bang may nakabara sa dibdib nya at tulad ko ay nahihirapan din syang huminga.

Ng hindi nya pa rin ako binibitiwan ay pilit ko ng inalis ang mga braso nya at ng makawala ako mula sa mga yakap nya ay tumakbo na ako pabalik sa silid ko.

Dumiretso ako sa banyo at doon ay pilit kong kinalma ang sarili ko.

MY HUSBANDS MD/ Heal Me With Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon