RONALD NATHAN
Its past midnight pero wala pa rin si Yvonne, kapwa kami hindi mapalagay ni dad. Kapwa kami labis na nagaalala.
"This is not good Ron. We need to find her."
"I know... but where.?... wala sya upesina nya, wala sya condo nya, sa bahay ng mga kaibigan nya, nakapatay ang celphone nya and worst is natakasan nya ang mga bodyguard nya, you should fire them." Naghalo na ang galit at pagaalala sa akin kaya wala na akong pakialam sa mga sinasabi ko.
"I already did, kaya kailangan mo ng maghanao ng ipapalit sa kanila."
"I rather do it myself."
"By all means son... for now kailangan natin syang makita. Tatawagan ko lahat ng kailangang tawagan ikaw magsama ka na ilan sa mga bodyguard ko at ikotin ninyo ang buong lungsod."
Agad naman akong tumalima. Umakyat ako sa silid ko para magpalit ng damit at kunin ang susi ng sasakyan ko.
Pagbaba ko ay nakita kong may kausap si Dad sa phone.
"Salamat... bantayan nyo sya at wag nyong paalisin dyan, ipasusundo ko sya ngayon din."
"Sino yun.?" Tanong ko sa kanya.
"Ang bartender sa isa sa mga bar natin, naandun daw si Yvonne at lasing na."
"What... sunduin mo sya ngayon din baka kung mapano sya doon.." Utos ko kay dad ni hindi ko na naisip na ama.ko ang inuutusan ko.
"Bakit ako, bakit hindi ikaw.?"
"Dahil ikaw ang asawa."
"Alam mo na ang totoo tungkol sa amin Ron so hindi na natin kailangang magkunwari kapag tayo tayo lang ang magkakaharap. Ipinagkakatiwala ko na sya sayo. So go and find her."
Mabilis pa sa alas kwatro na kumilos ako para puntahan ang bar na sinasabi ni dad.
At naabotan ko nga roon si Yvonne, may katabi syang lalaki, mukhang lasing na sya kasi wala na syang pakialam sa hitsura nya, at mukhang hindi na rin sya aware na namamayak na sa kanya ang katabi nyang lalaki.
Mabilis akong kumilos ng makita kong balak syang akbayan ng lalaki, hindi pwede yun.
Bago pa dumapo sa balikt nya ang kamay ng lalaki ay pinilipit ko na iyon papunta sa likod nito.
Napahiyaw sa sakit ang lalaki. Balak ko sanang bigyan ng matinding suntok ito sa mukha ng tumingin sa akin si Yvonne.
"Ron..."
Her voice is like music to my ears.
"Ilabas nyo ang lalaking ito at wag nyo na syang pababalikin dito kahit kaylan." Utos ko sa bouncer ng bar.
"Doc Ron... anong ginagawa mo dito.?"
Shes drunk confirm... sumasabit na kasi ang dila nya at tila ba wala na rin syang kontrol sa katawan nya.
I tried to bring her home pero ayaw nyang umuwi sa bahay ni dad. Tinawagan nya pa ito para sabihin yun. And when my dad gave me permission to bring her to her condo wala na akong nagawa.
Bago pa man kami makarating sa building ng condo nya ay nakatulog na sya, kaya binuhat ko na lamang sya.
Having her in my arm is pure heaven in hell. Habang nasa loob kami ng elevator ay hindi ko maalis sa mukha nya ang mga mata ko. Napakaganda nya, napaka inosents, and her lips looks so sweet, how i wish i could feel it next to mine.
At tila ba nanadya ang pagkakataon, nagising sya ng ihihiga ko na sana sya sa kama, she looks at me with those beautiful eyes of her as if shes getting into my soul.
BINABASA MO ANG
MY HUSBANDS MD/ Heal Me With Your Love
RomanceAng kwentong ito ay nabuo sa loob ng hospital kung saan nagliwaliw ang malikot kong imahinasyon habang nagbabantay ako sa brother ko. This is a short story... yun ay kung walang mag demand na pahabain ko pa. Sana magustohan nyo.