Chapter 1

64.3K 995 65
                                    

/AN/

Marion Yvonne Anderson

"Table 5 please." Iniabot ko sa waiter na nagdadala ng mga pagkain sa mesa ang isang slice ng cake na ako mismo ang nag bake.

"Yes maam." Magalang na sagot nito.

"Another serving of rum cake maam table 8." Sabi naman ng isang waiter.

"Rhum cake coming." Sabi ko.

"Maam sponge cake please, 5 boxes. PGH c/o Dr. Ronald Palma.

Napatingin sya sa secretary nya.

"Again..?"

"Yes maam again."

"Alam mo naiintriga na ako dyan sa Doctor Ronald Palma na yan...Parang gusto ko syang makilala."

"Ako rin maam... gusto mo boy hunting tayo.?...Hanapin natin kung sino ang Doctor Ronald Palma na to."

"Ayan ka na naman sa kalokohan mong yan."

"Bakit maam anong kalokohan sa sinasabi ko...diba sabi mo naiintriga ka kung sino ang doctor Palama na to....so lets put to an end with our curiosity....hanapin natin sya."

Tinaasan ko ng kilay ang secretary ko.

"Back to work Miss Navales or i will fire you."

"Hala ang sungit ng lola mo..." At nagmamadali na syang bumalik sa opisina ko kung saan sya nagtatrabaho bilang secretary ko.

I am Marion Yvonne Anderson and I am the owner manager, master Baker, waitress, chief etc...etc.. in my own cafe and Bakeshop named SWEET YVONNE.

At araw araw ay ganito na ng ganito ang eksena sa shop ko. Nakakapagod, pero masaya ako dahil nagagawa ko ang gustong gusto kong gawin sa buhay ko. Ang mag bake... yun ang hilig ko at gusto kong gawin sa buhay ko.

Madaling araw pa lang ay tinitimpla ko na ang mga cakes, cupcakes, at pastries na ibebake ng mga bakers.

At kapag natapos na akong gawin yun ay tutulong na ako sa cafe.

Hands on ako sa Business ko, gusto ko alam ko kung papano pinatatakbo ang lahat.

Kung nagsisimula ang araw ko ng madaling araw natatapos naman ito ng almost midnight kaya naman pagdating ko sa bahay bagsak na ako.

5pm tumunog ang celphone ko.

Dad calling.

Agad ko iyong sinagot.

"Hello dad."

"Busy ka ba?" Tanong nya sa akin.

"Oo eh... Ang daming order... Ikaw busy ka.?"

"Hindi nga eh kaya gusto sana kitang yayaing magdinner ngayon."

"Oo ba punta ka dito sa akin at sabay tayong kakain... Isama mo na rin Thalie."

"Hindi pwede si Natalie ngayon may group studies daw sila kaya tayo na lang muna."

"Ganun... Okey I'll wait for you... Tutal nagugutom na rin ako..."

"Okey... In 30 minutes naandiyan na ako. I love you baby..."

"I love you too." Nakangiting ineend ko ang call.

Thats my man. Isa sya sa mga dahilan kung bakit nawawala ang pagod ko pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho. Si Jonathan or nate. Sila ni Nathalie ang baby ko ang tangung nagpapasaya sa buhay ko, sila ang dahilan kung bakit ko narating ang kinalalagyan ko. At sila ang dahilan kung bakit nagpapatuloy akong nagsisiskap.

MY HUSBANDS MD/ Heal Me With Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon