CHAPTER 15

17.4K 506 17
                                    

Sa isang First class condominium building pumasok ang sasakyan ni Ronald. May sarili syang parking room sa building na yun, ipinagbukas nya ako ng pinto. Nagdalawang isip akong bumababa.

"Maguusap lang tayo." Sabi nya.

Hinawakan nya ako sa siko at inalalayang makababa, muli ay naramdaman ko na naman ang kakaibang pakiramdam na yun sa tuwing magkakadikit kami.

Sa loob ng parking room ay may sarili syang elevator na high end ang security.

May pinindot syang mga numero mula sa keypad na nakadikit sa dingding then finger print, bumukas ang elevator, pinauna nya akong pumasok. Nasa magkabilang side kami, wala kaming imikan habang umakyat paitaas ang elevator.

Sa pinakahuling floor tumigil ang elevator. Muling pumindot ng code and finger print si Ron, bago bumukas uli ang pinto.

At nagulat ako dahil isang malawak na sala ang tumambad sa harapan ko.

Pagpasok mo pa lang sa bahaging iyon ng bahay ay masasalamin mo na ang labis na karangyaan meron ang mayari ng unit na yun. Halos ukupado niyon ang buong floor.

"Nasaan tayo.?" Tanong ko sa kanya.

"Sa bahay ko. Have a seat.... Can i offer you something, coffee, juice or soda."

"Water please." Pakiramdam ko kasi ay bigla akong nauhaw sa isiping magkasama kami ni Ron sa bahay nya at wala kaming ibang kasama.

Kumuha sya ng tubig mula sa water dispenserr na nasa isang bahagi ng bahay kung saan naroroon ang dining area.

Iniabot nya iyon sa akin, bahagyang nagkadikit ang mga kamay namin, Pero agad rin nyang binawi ang kamay nya.

Nakaupo ako sa mahabang sofa, umupo sya sa kaparehong upuan pero may distansya sa pagitan namin.

"Please never give up on him." Sabi nya habang nakatungo ang ulo at magkasalikop ang mga palad.

"I'm trying my best...pero ang hirap kapag magisa kang lumalaban... alam mo ba yung pakiramdam ng kailangan mong magpakatatag kahit nanghihina ka na kasi may isang batang umaasa sayo... yung pagod na pagod ka na pero hindi ka pweding magpahinga kasi may isang multi billiong kompanya na hindi tatakbo kung wala ka at sa kompanyang ito umaasa ang libulibong tao para mabuhay... Ang hirap Ron... Hindi ako inihanda ni Nate para dito... At alam nya na hindi ako matapang para kayanin ng mag isa ang lahat ng ito." Naluha na naman ako.

"Kailangan mong kayanin Marion... para kay dad... para kay thalie."

Umiling ako.

At tuluyan na naman akong naiyak.

naramdaman ko si Ron na lumapit sa akin. Ikinulong nya ako sa mga bisig nya.

Then in an instant i feel so safe so secured.

Lalo akong napahgolgol... lalong humigpit ang mga yakap nya.

"Tama na please." Bulong nya sa akin.

"I'm sorry. Hindi ko lang kasi mapigilan."

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, nandito lang ako para sayo, hindi ko kayo pababayaan."

"Nandiyan ka nga, pero pakiramdam ko ang layo layo mo naman. Ang hirap Ron... "

"Alam ko kasi ganun din naman ang nararamdaman ko, pero kailangan nating panindigan ang napagkasunduan natin. Kailangan nating lumayo sa isat isa."

Unti unti nya akong binitiwan pero kinuha nya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin.

"Kung ganun bakit dinala mo ako rito.?" Tanong ko sa kanya.

MY HUSBANDS MD/ Heal Me With Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon