Mula ng umalis kami sa condo nya hanggang sa loob ng sasakyan nya ay wala kaming imikan, wala sa aming gustong magsalita kapwa kami nahulog sa malalim na pag iisip.
Magkasama kaming pumasok sa silid ni Nate. Gusto nya raw magpaalam sa ama bago umalis.
Nasa magkabalig side kami ng kama ni Nate.
"lalabas na muna ako."
"No... aalis na rin naman ako magpapaalam lang ako sa kanya."
Umupo ako at tulad ng madalas kong gawin, hinawakan ko ang kamay nya, may naramdaman akong guilt sa puso ko kasi kanina lang muntik na akong magkasala sa kanya... muntik nga ba o baka nagkasala na nga kami ni Ron.
"Gigising ka alam ko. Kaya ngayon pa lang humihingi na ako ng tawad sayo. Patawad dad... patawad kasi hindi ko sinasadyang mahalin ang asawa mo... ang swerte mo sa kanya kasi nanatili syang matatag at tapat sayo. Patawad rin kasi kailangan kitang iwan, gagawin ko ito para makalayo kami pareho sa tukso. Lalayo muna ako pero babalik ako kapag okey na ang lahat pangako yan."
Pakiramdam ko mas sa akin nya sinasabi ang mga salitang iyon kaysa sa daddy nya. Tumagos kasi sa puso ko bawat katagang binitiwan nya.
Hinalikan nya muna sa noo ang kanyang ama bago sya tuluyang nagpaalam.
Ng sumara ang pinto ng silid ni Nate, pakiramdam ko isang bahagi ng puso ko ang nagsara rin.
Hindi ko namalayan umiiyak na pala ako, umiyak ako ng umiyak hanggang sa napagod na ako at at hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako.
Nagising ako dahil sa may kamay na masuyong humahaplos sa ulo ko. Pilit kong inalala kung nasaan ako, pagdilat ko ay narealize ko kaagad na nakatulog na naman pala ako habang nakayuko sa gilid ng kama ni Nate, at iisang tao lang ang ginigising ako sa ganung paraan sa tuwing nakakatulog ako sa ganung posisyon.
"Ron..?" Nagtatakang sabi ko.
Ang alam ko kasi umalis na sya.
"Whos Ron.?" Sagot ng isang boses na kilalang kilala ko. Ang boses na mahigit dalawang buwan ko ng pinangarap na marinig.
Mabilis akong nagangat ng ulo at tiningnan ang mukha ng may ari ng boses na yun.
"Nate.."
"Yes baby..?" Nakangiting sabi nya sa akin.
"Oh my god... youre awake...." bigla akong nataranta.
Agad kong pinindot ang intercom.
"Nurse... nurse... gising na ang asawa ko...nurse."
Hindi makapaniwalang muli kong tiningnan si Nate. At bigla ko syang niyakap ng mahigit.
"Salamat sa Diyos gising ka na... salamat." At hindi ko na napigilang maiyak.
"Hey whats wrong.? Bakit ka umiiyak ano bang nangyari sa akin at nasaan ba ako.?" Sunod na sunod ng tanong nya.
Hindi na ako nakasagot dahil dumating na ang mga nurse at ang isang doctor agad nilang inasikaso si Nate.
Kinuha ko ang celphone ko at agad kong tinawagan ang yaya ni Natalie, ipinahahatid ko sya sa hospital.
Sunod kong tinawagan si Ron. Unattended na ang cellphone nya.
Nakaramdam ko ng panlulumo, na agad ding nawala ng makita ko ang nakangiting si Nate. Tapos na syang icheck ng doctor at inaalis na ang mga aparatus na naka kabit sa kanya.
"Come here baby."
Lumuluha akong lumapit sa kanya.
"Bakit ka umiiyak anong nangyari.?"
BINABASA MO ANG
MY HUSBANDS MD/ Heal Me With Your Love
RomanceAng kwentong ito ay nabuo sa loob ng hospital kung saan nagliwaliw ang malikot kong imahinasyon habang nagbabantay ako sa brother ko. This is a short story... yun ay kung walang mag demand na pahabain ko pa. Sana magustohan nyo.