Pagdating namin sa Medical ward ay agad kong hinanap si Ron.
"Miss nurse si Dic Ron.?" Tanong ko sa nurse na nasa nurse station.
"lumabas lang po sandali. Bakit po.?" Sabi ng nurse.
"Ahmm.. idedeliver ko lang sana itong mga cake na order nya." Sabi ko.
"Hay naku yan na po ba yun... hinihintay nya po talaga yan... akina po at ibibigay ko na sa mga pasyente nyang may birthday... yun kasi ang bilin nya, pagdating daw po nito ay dalhin ko agad sa kanila."
"Ganun ba... tutulungan na kita."
"Naku wag na po maam... kami na pong bahala dito, hintayin nyo na lang po si Doc. Ron babalik na po yun.
"Okey sige."
"Dito na po kayo maupo sa upuan ni Doc. para malapit kayo sa aircon."
"hindi na dito na lang ako." At uupo na sana ako sa waiting area ng mga bantay ng mga pasyente na may kailangan sa mga doctor.
"Naku wag kayo dyan maam kasi dyan ho pipila ang mga bantay ng mga pasyente na may kailangan sa nga doctor, kaya dito na po kayo."
Wala akong nagawa kundi sundin ang nurse, naupo nga ako sa upuan ni Ron, nasa ibabaw ng mesa nya ang mga chart ng mga pasyente nya, marami iyon mukhang masyado yata syang busy, baka makaabala ako sa kanya.
Pero tiningnan ko ang orasan magiikawalo na ng gabi ibig sabihin tapos na ang duty nya.
Ilang minuto din ang lumipas ng muling pumasok ang nurse na kausap ko kanina.
"Ah maam nag rerequest po yung mga pasyente ni Doc. Ron, baka raw pweding kayo ang mag blow ng mga candle sa mga cake nila, kasi napanood nila yung interview ni Doc kanina sa TV kaya gusto ka nilang makita ng personal, at gusto din daw po nilang makilala ang babaing pinakamamahal ng kanilang doctor."
Naginit ang mukha ko sa sinabing iyon ng nurse hindi ako nakasagot agad.
"Ah pwede nyo po bang pagbigyan ang mga pasyente ni doc.?"
"Ah sure... pero hindi ba na nakakahiya.?"
"Naku maam matutuwa po sila kapag nakita kayo. Kaya hindi kayo dapat mahiya."
Sumunod ako sa nurse papunta sa isang ward kung saan naroroon ang mga pasyente ni Ron
Nakita kong magkakatabi ang kama ng limang pasyente na may hawak ng mga cake na dala ko.
Wala na sa box ang mga cake at na amaze ako dahil ang gaganda ng pagkaka desenyo ng mga bakers ko sa mga cake, sila kasi ang gumawa ng mga iyon at hindi nila ako pinayagang tumulong.
"Maam ito po ang una nyong iboblow... " sabi ng nurse na itinuro ang unang bed.
Lumapit ako doon,nakasindi na ang mga kandila sa cake, tigiisang hugis pusong kandila lang ang meron sa bawat cake.
Nginitian ko ang matandang babae na may hawak ng cake.
"Nag wish na po ba kayo.?" Tanong ko sa kanya.
"Tapos na, lahat kami isa lang ang hiniling na sana maging maligaya kayo ni Doc Ron."
Na touch ako sa sinabing yun ng pasyente.
"Salamat po sa inyo."
Bago ko hinipan ang kandila ay tiningnan ko muna ang naksulat sa cake.
WILL 💖
Yun lang ang nakasulat sa cake. Naisip ko baka yun ang pangalan ni nanay.
I blow the candle with a smile.
BINABASA MO ANG
MY HUSBANDS MD/ Heal Me With Your Love
RomanceAng kwentong ito ay nabuo sa loob ng hospital kung saan nagliwaliw ang malikot kong imahinasyon habang nagbabantay ako sa brother ko. This is a short story... yun ay kung walang mag demand na pahabain ko pa. Sana magustohan nyo.