CHAPTER 12

17.6K 515 17
                                    

MARION YVONNE

"You have to wakeup Nate, nagbalik na sya at alam mong hindi ko sya kaya, hindi ako kasing tapang ng tulad ng iniisip mo sa akin....alam mo namang sayo lang ako kumukuha ng tapang ng lakas... Kaya please gumising ka na please." Pakiusap ko kay Nate habang tumutulo ang luha ko.

Si Ron nasa isang sulok lang at nakamasid sa akin.

"You have to do something Ron... Wake him up please." Pakiusap ko sa kanya.

Lumapit sa akin si Ron at umupo sa tabi ko.

"Kung ganun lang sana yun kadali, ginawa ko na, matagal na." Sabi nya.

"I need him Ron." Nagmamakaawang sabi ko sa kanya.

"I know... And it hurts me a lot na wala akong magawa para sayo.... I would do everything for you Yvonne... everything... But right now hindi ko kayang ibigay ang hinihiling mo... Hindi ako Diyos." Puno ng emosyong sabi nya.

"I need to protect Natalie from her."

"Who is she.?"

Tumingin ako kay Ron.

"Ex-wife sya ni Nate sya ang tunay na ina ni Natalie."

Napakunot ang kanyang noo.

"Akala ko anak mo sya."

"Sana nga anak ko na lang sya, kasi mahal ko sya higit pa sa tunay na anak...Ron i need your help... Kung sinasabi mong anak ka ni Nate, may karapatan kang protektahan sya laban sa kanyang ina dahil kapatid mo sya.. Hindi pweding makalapit si Cassandra kay Thalie...magugulo na naman ang isip ng bata baka bumalik na naman sya sa dati nyang kundisyon."

"Nagugulohan ako, ikaw ang kinikilalang ina ni Thalie. Alam nya ba ang tungkol kay cassandra,."

"Nakalimutan nya na si casanadra ako na ang kinikilala nyang ina. Seven years old lang sya ng iniwan sya ni casaandra kay Nate para sumama sa ibang lalaki, na mas bata kay nate. Hindi naging maganda ang epekto nun sa murang isip ni Thalie, nagkaroon sya ng psychological breakdown, na nag bunga sa depression. Yaya nya ako noon kaya ako ang nagalaga sa kanya
.. kami ni Nate, sa tulong ng psycholgist ay pinilit naming burahin sa alaala nya si casaandra, at ako ako ang pumalit na maging ina nya."

Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Nate.

"And to make it more real nagpakasal kami ni nate."

Nakita kong nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"For 8 years ako ang tumayong ina ni Natalie, kaya hindi ako makapapayag na muli nyang guluhin ang buhay nito."

Hinawakan nya ang isang kamay ko. Habang sa isang kamay ko ay kamay ni Nate ang hawak ko.

"Wag kang mag alala akong bahala sa inyo... Hindi ko hahayaang saktan kayo ng babaing yun."

"Thanks Ron, ngayong wala si Nate wala talaga akong ibang pweding sandalan."

"Lagi lang akong nandito Marion, kahit anong oras na kailanganin mo ako.."

RONALD PALMA

Hindi ko sinasadyang marinig ang sinabi ng babaing kausap ni Marion sa hallway, mukhang galit na galit ito kaya lumapit ako sa kanila para protektahan si marion sa anomang pweding gawin ng babae.

At ng sinabi ng babae na...
"Alam kong hindi kayo totoong magasawa ni Nate nagkukunwari lang kayo." Isang bahagi ng puso ko ang nagdiwang.

Ngunit ng sabihin mismo sa akin ni marion na ikinasal sila ng dad ko, muling gumuho ang mundo ko.

MY HUSBANDS MD/ Heal Me With Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon