Ng mga sumunod na araw ay pinilit kong maging masaya sa harap ni Nate at ni Natalie, ayaw kong makahalata sila na may hindi tama sa akin.
Magiisang buwan na akong walang balita kay Ron. Pero sa halip na mawala sya sa isip ko ay lalo lamang syang namahay sa isip at sa puso ko.
May mga oras na walang ibang laman ang utak ko kundi sya.
"Hey... Marion Yvone... " Tawag ni Nate sa pansin ko, kasalukuyan kaming nasa salas ng bahay namin at nanonood ng isang foriegn movie kasma si Natalie, pero wala sa pinanonood namin ang isip ko kundi nasa kay Ron. At hulung huli ako ni Nate.
"I'm sorry... you were saying.?" Pinasigla ko ang boses ko para hindi nya masyadong mahalat na may gumugulo sa diwa ko.
"Mom naman... hindi ka naman nanonood eh."
"Sorry.... nanonood naman ako may naalala lang ako kaya nawala ako sa focus... ano na bang nangyari.?"
"Wala na po tapos na." Sagot ni Talie.
Pagtingin ko nga sa napakalaking screen ng home theater ay credit line na. Nakaramdam ako ng hiya sa mag ama.
"Its time to go to bed baby, ako na lang mag kukwento sa mom Yvee mo kung anong nangyari sa pinanonood natin."
"Okey po... goodnight mom... goodnight dad." at humalik ito sa amin bago umakyat sa silid nya.
Ilang sandaling katahimikan ang lumipas bago nagsalita.si Nate.
"You know that you can talk to me about anything." Mahinahong panimula nya.
Tumingin ako sa kanya.
"Naguusap naman tayo lagi."
"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin Yvonne... may problema ka."
"Wala.." mabilis na sagot ko.
"Hindi ako nagtatanong, i'm stating the fact... what it is Yvee.?"
"Nate i'm okey wala akong problema."
"We been together for so long kilalang kilala na kita. Kaya ko ng basahin ang kilos mo at mga mata mo... and right now sinasabi nilang may mali syo, may hindi magandang nangyayari sa kalooban mo sa puso mo."
Naginit ang mukha ko sa sinabi nyang yun. Kilalang kilala nya na nga ako.
"May nangyari ba habang natutulog ako.?"
Hindi ako nakakibo iniyuko ko ang aking ulo at pinaglaruan ang wedding ring namin na nasa daliri ko.
"Marion Yvonne."
"Wag mo na lang akong pansinin, lilipas din to medyo may gumugulo lang sa isip ko ngayon."
Napabuntong hininga sya. Lumapit sya sa tabi ko at inakap ako gamit ang isa nyang braso.
"Hindi pa rin nababago ang kasunduan natin Yvee kailabngan mo lang magsabi kung ano ang gusto mo at ibibigay ko sayo."
"Thanks Nate.... sa ngayon wala akong gusto kundi ang makasama ka, kayo ni Natalie."
Yun naman talaga ang totoo, pero ang isang bahagi ng puso ko ay may hinahanap na ibang tao.
Subalit sadyang totoo nga ang kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag lalo pa kung may mga taong gusto kang makitang bumabagsak.
Isang umaga habang abala ako sa pagbibake ng cake ay may dumating na message sa messenger ko, hindi ko kilala ang nag message at dirty finger ang profile nya ng buksan ko ay halos mabitiwan ko ang cellphone ko.
Picture naming dalawa ni Ron na magkahawak kamay ang laman ng unang message. Then sunod ay habang magkasama kaming kumakain sa cafe pareho kaming nakangiti ni Ron sa picture na yun na tila ba masayang masaya kami.

BINABASA MO ANG
MY HUSBANDS MD/ Heal Me With Your Love
RomanceAng kwentong ito ay nabuo sa loob ng hospital kung saan nagliwaliw ang malikot kong imahinasyon habang nagbabantay ako sa brother ko. This is a short story... yun ay kung walang mag demand na pahabain ko pa. Sana magustohan nyo.