CHAPTER 8

17.9K 510 11
                                    


Hinawakan ko ang kamay nya. May malakas n aboltahe ng kuryente na dumalayon sa katawan ko paglapat na paglapat ng palad ko sa ibabaw ng kamay nya, at bilglang bumilis ang tibok ng puso ko.

At tila ba naramdaman nya rin yun dahil napatingin sya sa akin.

Its to late to back off.

Matagal kaming nagtitigan. Tila ba naguusap ang mga mata namin.

Dahan dahan nyang binalaktad ang palad nya upang mahawakan nya rin ang kamay ko. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya, ganun din ang ginawa nya.

Ilang minuto ring ganun lang kami. Maghigpit na magkahawak ang mga kamay at walang nagsasalita sa amin.

"Paging Doctor Ronald Palma please proceed to the Intermediate care room... Paging Doctor Ronald Palma to the Intermediate Care room please." Sabin Ng tinig mula sa speaker na nasa loob ng doctors lounge.

Hindi ko agad binitiwan ang kamay nya, isang mahigpit na pisil muna bago ko iyon pinakawalan.


Isa na namang pasyente ko ang nawala. nakakalungkot pero wala akong magawa, Doctor lang ako at hindi Diyos.

3am tapos na ang duty ko. Dumaan muna ako sa ICU naabotan kong naandun pa rin si Yvonne nakatulog na sya habang nakapatong ang ulo sa gilid ng kama.

Marahan ko syang hinawakan sa balikat.

"Yvonne.... Yvonne.." marahang tawag ko sa kanya.

Dahan dahan syang nag angat ng ulo.

"Ron.."

That was music to my ears hearing my name from her. Gustong gusto kong

Laging marinig yun mula sa kanya.

"Comeon... umuwi na tayo mAdaling araw na, ihahatid na kita sa inyo."

"I have my car."

"Sa kasalukuyang kalagayan mo ngayon ay hindi advisable na magmaneho ka pa... ihahatid na lang kita, just give me your key and I will look for someone who can drive your car to your home."

Hindi na rin sya nakipagtalo pa sumunod na lang sya sa akin.

Sa isang eksklusibong subdivision sila nakatira, sa lugar kung saan nakatira ang mga mayayaman at mga kilalang tao sa lipunan.

Sa harap ng pinakamalaking mansion sa loob ng subdivision ako pinatigil ni Yvonne.

Kinuha nya ang cellphone nya at may pinindot sya roon at unti tuning bumukas ang napakalaking gate ng bahay.

"Pasok ka muna para makapag kape tayo, para hindi ka antokin pag drive mo pauwi sa bahay mo."

Alam kong alanganing oras na, ero hindi ko kayang tangihan ang alok nya gusto ko pa syang makasama kahit sandal lang.

Ipinasok ko ang sasakyan ko sa napakalaking compound nila.

Pagpasok na pagpasok naming sa sala nila ay agad kaming sinalubong ng isang humahangos na katulong.

"Maam Marion... mabuti at dumating na kayo...si Talie po..."

"Anong nangyari kay Talie.." Nagaalalang tanong niya sa katulong.

"Nag hysterical po sya.. nanaginip yata ng hindi maganda...iyak po sya ng iyak tinatawag nya kayo at si sir Nate." Natatarantang sabi ng katulong.

"Nasaan sya.?" Nagmamadaling tinanggal ni Yvonne ang sapatos nya at itinapon sa sofa ang dala nyang bag.

MY HUSBANDS MD/ Heal Me With Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon