Buong araw ay hindi ako nakapagtrabaho ng maayos kaya ipinagkatiwala ko na lamang sa mga bakers ko ang paggawa ng mga order na cake.
Nagkulong lang ako sa upesina ko.
Mag iikasampu na ng gabi ng katokin ako ng isa sa mga staff ko. Naisara na nila ang shop at uuwi na rin sila.
Pinauna ko na sila at ng makaalis na ang lahat ng staff ko ay naghanda na rin ako, pero hindi para umuwi. Wala pa akong balak umuwi.
Sa isang bar ako pumunta. Sanay naman akong pumunta ng bar pero kasama ko ang mga kaibigan ko na nagkataong lahat ay busy kaya hindi sila nakasama sa akin.
For the first time ay pumunta ako sa bar ng magisa. Pero wala akong pakialam, gusto kong magpakalasing at makalimot kahit papano.
Umorder agad ako ng medyo hard na inomin. Kilala na ako ng mga bartender sa bar na yun kaya nagtaka sila ng iba sa kadalasang iniinom ko ang inorder ko.
"Maam baka po malasing kayo nya.?" Palala sa akin ng bartender.
"Dont worry dahil yan naman talaga ang plano ko, and please don't tell youre boss about this."
"Pero maam baka po mawalan kami ng trabaho." May pagaalalang sabi ng bartender.
"Wag kayong magalala akong bahala sa inyo."
Wala nagawa ang mga bartender kundi sundin ang gusto ko. Pagaari ni nate ang bar, noong una kasosyo lang sya doon ng mga kaibigan nya kasama na roon ang dad ko. ipinatayo nila ang bar hindi para pagkakitaan kundi para may mapuntahan sila aa tuwing gusto nilang magrelax. Pero naging sikat ang bar at kumita ng malaki kaya kinareer na nila at nagpatayo pa sila ng mga branch sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Pero ng magkapamilya na rin ang mga kaibigan nya ay ibininta na nila ang mga share nila kay Nate but not my dad. Nanatili silang magkasosyo ni dad sa bar kaya ng mamatay si dad automatically napunta sa akin ang share nya. At ng magsama kami ni Nate ibinibigay nya sa akin ang buong bar pero tinangihan ko, sa halip ay ibeninta ko sa kanya ang share ni dad at yun ang ginamit kong pamuhonan sa bakeshop ko.
Hindi ko na napansin ang paglipas ng mga oras hindi ko na rin nabilang kung ilang baso ng alak ba ang naubos ko basta naramdaman ko na lang umiikot na ang paningin ko.
May lumapit sa aking isang lalaki.
"Hi... a beautiful woman like you should not be alone." Medyo may pagkamayabang ang lalaki, tiningnan ko ito gwapo sya. Pero mas gwapo si Ron.
Gusto kong sampalin ang sarili ko sa isiping yun. Kaya nga ako nasa bar pra makalimutan sya pero ni isang saglit ay hindi sya nawala sa isipan ko.
"Can i join you.?" Sabi pa ng lalaki, na hindi na hinintay ang pagsangayon ko. Umupo na ito sa stool sa katabi ko at sinadya pa nitong lumapit ng husto sa akin.
Tumaas ang kilay ko.
"Leave me alone sir. Hindi ko kailangan ng kasama." mataray na sabi ko.
Hindi nya pinansin ang pagtataray ko sa halip lumapit pa sya sa akin.
Nakita kong nagsilapitan sa amin ang mga bouncer sa bar at ang tatlong bartender ay pumwesto sa harapan ko. Pati ang mga gwardiya ay papalapit na rin sa amin.
Pero hindi iyon napansin ng lalaki na alam kong may tama na rin ng alak dahil namumungay na ang mga mata nito at amoy na amoy ang alak sa hininga nito.
"Ang taray mo naman." Nakangisi pang sabi nya.
Akmang aakbayan nya na sana ako ng isng kamy ang pumigil sa kamay nya at pinilipit iyon papunta sa likuran nya.
BINABASA MO ANG
MY HUSBANDS MD/ Heal Me With Your Love
RomansaAng kwentong ito ay nabuo sa loob ng hospital kung saan nagliwaliw ang malikot kong imahinasyon habang nagbabantay ako sa brother ko. This is a short story... yun ay kung walang mag demand na pahabain ko pa. Sana magustohan nyo.