CHAPTER 6

20K 504 3
                                    

MARION YVONNE

Abot abot ang pasasalamat ko sa Diyos ng malagpasan ni Nate ang 24 hours na crucial stage, though hindi pa rin sya nagigising ay masaya na ako dahil kahit papano ay nadagdagan na ang chance nyang mabuhay.

Ang twenty four hours ay naging 1 week. Sa loob ng isang lingo ni Nate sa ICU ay lagi akong nasa tabi nya nagbabantay naghihintay na magising sya. Si Natalie ay madalas dumadalaw pero hindi ko sya pinapayagang magtagal doon ayaw ko kasing madepress sya. At sa loob ng isang lingo ay walang araw na hindi ko nakikita si Doc Ron, kapag wala syang pasyente o kaya walang duty ay sinasamahan nya akong magbantay sa loob ng ICU, madalas nya rin akong isinasabay kumain o kaya mag coffee.

Naging magkaibigan na nga kami. He treated Nate as his special patient, sinusupervise nya personally lahat ng medication at treatment na ibinibigay sa kanya. Ewan ko ba o baka imagination ko lang may kakaiba syang affection kay nate na ipinapakita.

Kasalukuyan kaming nasa cafe ng hospital ng may matanggap akong tawag mula sa lawyer ni Nate.

"Marion we need to talk."

"Sabi nya."

"About what...?" Tanong ko sa kanya, tumingin ako kay Ron na nakatingin din sa akin.

"Sa kompanya at sa mga negosyso ni Nate."

"Attorney.... Buhay pa ang asawa ko Hindi pa natin dapat pagusapan ang anomang may kinalaman sa mga pagaari nya."

"Na pagaari mo rin." Dugtong nya sa sinasabi ko.

"Attorney."

"Marion... AE is in chaos right now because of what happened with the president ceo, hindi maating tumakbo ang isang kompanya ng walang presidente at CEO."

"Then appoint someone.... Someone that we can trust"

"Hindi pwede..."

"kung ganun anong gagawin natin.?

"You take over the company.."

"Me...? Why me.?"

"Because you're the wife of the president."

"No attorney...ayaw ko...maghanap ka ng iba wag ako..."

"Walang ibang pepwede maliban sayo..."

"Pero hindi ko kaya..."

"kailangang kayanin mo...kasi kung hindi maaring mawala sa inyo ang kompanya.. ang kompanyang pinaghirapang itayo ni nate ang kompanyang pinagsikapan nyang paunlarin para sa inyo ni Natalie....hahayaan mo bang mangyari yun ha Marion."

Nawalan ako ng imik....napatingin akong muli kay Ron... parang gusto kong humingi ng tulong sa kanya pero alam ko namang wala syang magagawa.

"Pagiisipan ko po attorney Galvez..."

"Hindi mo naman kailangang pagisipan to Marion dahil wala ka naman talagang pagpipilian... magkita na lang tayo bukas sa AE.." may finality sa tinig ni Attorney... mukhang wala nga talaga akong choice.

Matagal ng natapos ang paguusap naming ni Attorney pero nanatili pa rin akong nakatingin sa cell phone na hawak ko.

"Problem..?" Tanong sa akin ni Ron.

"Big problem..."

"Care to share.."

"Ang kompanya ni Nate... kailangan ko raw itakeover sabi ng abogado nya, dahil kung hindi maari itong bumagsak o mawala sa amin."

"What's the problem?"

"Hindi ko kayang patakbuhin ang kompanyang kasing laki ng AE... yung cafe lang ang kayak o imanage hindi ko kaya ang isang kompanya lalo na ang AE"

MY HUSBANDS MD/ Heal Me With Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon