CHAPTER 19

16.6K 541 34
                                    

RONALD NATHAN

"Good morning Doctor Ronald Palma.?" Sabi ni Jonathan Anderson na naka kunot pa ang noo na tila ba hindi sya sigurado na ako nga ang taong sinasabi nya.

Mabilis akong tumayo muntik pa nga akong matumba kasi biglang umikot ang paningin ko.

"Ah... yes sir... ako nga po... Bakit kayo nandito?.... i mean ano bang kailangan nyo sa akin.?" Halos magsigawan na kami dahil sa sobrang lakas ng tugtog. Kaya hindi ko na muna hinintay ang sagot nya, tumakbo ako papunta sa sala para patayin ang sound system.

Tapos muli ko syang binalikan sa kusina.

"Sorry about that... at pasensya na rin sa hitsura ng bahay ko... maupo po kayo." Neninerbiyos na sabi ko sa kanya.

"Salamat." Sabi nya sabay upo sa stool na malapit sa kanya.

"ÀNo po bang kailangan nyo sa akin.?"
"Can i have some of that coffee of yours.?"

My bad, nakalimutan ko syang alokin man lang ng maiinom, ngayon lang aki nenerbiyos ng ganito.

I always dream of this day. Yung makaharap sya, at makausap but i never dream that its going to be this akward.

Ipinagtimpla ko sya ng kape, hindi ko na itinanong kyng ano ang gusto nya sa kape kasi sabi ni Yvonne pareho daw kami ng gusto sa kape, plain black coffee.

Inilapag ko sa harap nya ang umuusok na kape at pumunta naman ako sa kabilang bahagi ng mesa dala ang kape ko at doon naman ako naupo paharap sa kanya.

Humigop sya ng kunti sa kape nya.

"Alam mo ng timpla ko.?"

"Nasabi sa akin ni Yvonne I mean ni Mrs. Anderson na pareho ang gusto natin sa kape."

"Oh talaga.... mukhang close kayo ng asawa ko."

"Ako po ang naging doctor nyo ng mahigit dalawang buwan at sa mga panahong yan madalas kong nakakausap at nakakasama sa pagbabantay sayo ang asawa nyo at madalas ka niyang ikinukwento sa akin."

"So totoo nga ang sabi ng anak naming si Natalie, ikaw nga ang nakaramay ng asawa ko ng mga panahong nakikipagtalo ako kay San Pedro."

Alam kong nagbibiro sya pero wala akong makitang ngiti sa labi nya.

"Yes ako nga po."

"Kung ganun bakit umalis ka kahit hindi pa ako nagigising. Bakit hndi mo nahintay na magising ako para naman nakapagpasalamat ako sayo dahil sa ginawa mo sa akin at sa magina ko lalo na sa asawa ko."

Pakirandam ko ay may double meaning ang huling sinabi nya.

"Sorry about that, but i have my reasons."

"And what reason is that Dr. Palma.?"

"Mr. Anderson."

Bago pa ako makasagot ay isang malakas na sigaw ang pumailanlang mula sa sala ng bahay ko.

"Ronald Nathan anong ginawa mo sa bahay mo.!!!?"

"Mom..."

Msgkasabay kaming napatingin sa mommy ko na na naka corporate attire pero naka snickers.

"Ano bang ginagawa mo sa buhay mo ha Ronald Nathan. Kung gusto mo ng sirain yang buhay mo bigyan mo muna ako ng apo para may magaalaga sa akin pagtanda ko." Galit na putak ng napakaganda kong nanay.

"Mom... shut up may bisita ako." Saway ko sa kanya.

Tila natauhan naman sya at tumingin sya sa bisita ko.

"Jonathan... anong ginagawa mo dito.?" Gulat na sabi nya kay dad I mean Mr. Anderson.

"Ronalyn. Hi." Ni wala akong makitang pagkabigla sa mukha nya, para bang alam nya ng ang dati nyang bestfriend ang mommy ko.

Nilapitan sya ni mom at kinamayan. Pero niyakap sya ni Nate.

"So hes youre son." Sabi niya matapos bitiwan si mom.

"My only son. I think magkakilala na kayo, hes your doctor back in the Philippines... By the way I'm happy that your back."

"Thank you... Kaya nga ako nandito kasi gusto kong magpasalamat ng personal sa anak mo dahil sa ginawa nya sa akin., Nalaman ko kasi na malaki ang naitulong nya para sa recovery ko."

At ngumiti sya sa amin ni mom.

"Ganun ba. Pasensya ka na at ganitong klaseng bahay ang naabotan mo. Hoy Ronald pumasok ka nga muna sa kwarto mo at ayosin mo yang sarili mo, maligo ka ang baho mo amoy alak ka... hindi ka na nahiya sa bisita mo."

Para matahimik ang nanay ko ay sununod ko na lang ang sinabi nya.

Sinadya kong tagalan ang paliligo para pakalmahin ang sarili ko at ikondisyon na rin ang utak ki sa muling pakikipagharap sa aking ama.

Paglabas ko ng silid ko ay nakita kong patapos ng maglinis ang dalawang janetress mula sa kompanya ni mom.

Ganun naman lagi ang ginagawa ni mom, kapag nakita nyang marumi at makalat ang bahay ko, magpapadala sya ng tagapaglinis mula sa kompanya.

Binati ko ang dalawang babae bago ako dumeritso sa kusina kung saan nagmumula ang amoy ng masarap na pagkain.

Nakita kong nakasuot ng Apron si mom habang nagluluto habang si dad naman ay inihahanda ang mesa. May init na bumalot sa puso ko, ganito ang pinapangarap kong pamilya mula pa noong bata pa ako.

"Mom ako na po dyan... mangamoy pagkain kayo pagasok mo sa opisina."

"Kaylan ka ba huling kumain at inaamag na ang mga pagkaing nasa kaldero at kahit ang laman ng ref mo." Galit na sita sa akin ni mommy.

"Mom sa labas ako kumakain."

"Ako ngay wag mong pinagloloko papano kang kakain sa labas eh ni hindi ka nga lumalabas sa lungga mong ito." Sabi nya sabay kumoas ng kamay nya na may hawak pang sandok.

Lumapit sya sa ref at May kinuha sya sa ibabaw niyon.

"At ito ano to.?... kaylan ka pa natutong manigarilyo.? Alam mong bawal sayo to."

Labas na ang litid ni mom galit na galit na nga sya. Habang si dad naman ay nakatingin lang sa amin.

Kinuha ko mula sa kanya ang sigarilyo at itinapon iyon sa basurahan.

"Sorry." Sabi ko.

Binuksan ko ang ref at kumuha uli ako ng isang beer in can. Naging habit ko na yata iyon.

Bigla iyong inagaw ni mom.

"Enough Ronald... Magpakamatay ka na lang kung gusto mo yung isahan lang... wag ganito... wag yung unti unti mong pinapatay ang sarili mo at nakikita ko, kasi nasasaktan at nahihirapan din ako."

Nakita kong may pumatak na mga luha mula sa mata ni mom bago nya hinubad ang aprkn nya at nagmamadaling umalis.

Susundan ko sana sya pero may pumigil na kamay sa braso ko.

"Ako na." Si dad.

"Pero hindi pa tayo tapos magusap, babalikan kita."

Tumango lang ako.

Ng makalabas na ang aking ama ay nakaramdam ako ng panghihina napaupo ako sa pinakamalait na upuan.

Paulit ulit na naririnig ko ang sinasabi ni mom.

"Nasasaktan at nahihirapan din ako."

Bakit hindi ko naisip yun, Bakit hindi ko naisip na may ina pala ako na labis na nagmamahal sa akin, na umiiyak kapag nasasaktan ako at nahihirapan.

I'm sorry mom.

MY HUSBANDS MD/ Heal Me With Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon