CHAPTER 4

24.2K 594 4
                                    

Doon na umiyak si Natalie.

Tumayo si Doc at lumapit sa amin naupo sya sa upuang nasa harap namin. Hinawakan nya ang kamay ni Thalie, ikinuling nya ang kamay nito sa dalawang palad nya.

"sweety... Look at me sabi nya na puno ng emosyon.

Unti unting nagangat ng tingin si Natalie mula sa pagkakayakap sa akin. Tumingin sya sa doctor.

"Maswerte ka kasi mula ng isilang ka ay nakasama mo na ang daddy mo, ako ipinanganak ako ng walang daddy, i only have my mom." Deretso ang tingin nya sa mga mata ni Natalie, na nakatingin naman sa mga mata nya.

"Lumaki ako ng walang ama, i was at your age ng sabihin sa akin ng mommy ko kung sino sya..... I look for him at nakita ko sya pero hindi ako makalapit sa kanya... He never know i exist... Alam mo ba kung gaano kahirap para sa akin na pagmasdan lang sya mula sa nalayo, ang hirap.... Pero masaya na ako doon at least nakikita ko sya kahit hindi ako makalapit ako kanya....." Hinawakan nya sa pisngi si Thalie at pinusan ng palad at daliri nya ang mga luha nito.

"Bakit ko sinasabi sayo to.?... Kasi gusto kong malaman mo kung gaano ka kaswerte dahil buo mong nakasama ang pamilya mo... Mula ng isilang ka nandiyan ang daddy mo ang mommy mo..... Ang pamilya mo... Ang 13 years na nakasama mo ang daddy mo ay sapat na para ipagpasalamat mo sa Diyos... Baby... Alam kong mahal na mahal ka ng daddy mo... At hindi sya magiging masaya kung makikita ka nyang malungkot.... Kaya gusto ko maging strong ka para sa kanya... At sabay sabay tayong manalangin na sana malagpasan nya to.... Pwede mo bang gawin yun para sa kanya at para sa mommy mo.?"

Umiiyak na tumango si Thalie.

"Good girl..." Nakangiting sabi ni dok at tumayo sya para yakapin si Thalie, na mahigpit din namang yumakap sa beywang ng doktor.

"Now... Gusto mo bang makita ang daddy mo..?"

Pagkatapos ng mahigit isang oras sa loob ng ICU at pagbabantay sa daddy nya ay pinauwi ko na si Natalie kasama ang yaya at bodyguard nya binigyan ko sila ng instruksiyon na wag itong iiwanang magisa.

At ako bumalik ako sa pwesto ko sa tabi ni Nate. Ubos na luha ko. At pagod na akong umiyak.

Hawak ko ang kamay nya habang paminsan minsan kong hinahaplos ang mukha nya.

"Dad... Gumising ka please... Para sa akin para kay Natalie."



RONALD PALMA

Tapos na ang duty ko, nakapagbihis na ako, pero sa halip na lumabas ng hospital ay pumunta ako sa ICU kung saan naroroon si Mr. Anderson.

"Doc... Nandito pa kayo..? Akala ko po out na kayo." Sabi ng isa sa mga nurse na nakaduty doon.

"Titingnan ko lang ang pasyente ko."

"Okey po."

Ikinuha ako ng nurse ng gown, cap, at mask. Pagkatapos maisuot iyon ay dumeritso na ako sa silid kung saan naroroon ang sadya ko.

Naabotan kong nakayuko sa gilid ng kama ang asawa nya. Hawak nito ang kamay nya at mukhang nakatulog na ito.

Nakaharap sya kay Mr. Anderson kaya hindi ko makita ang mukha nya. Pinagmasdan ko ang pasyente ko. He looks so fragile, malayong malayo sa Jonathan Anderson na kilala ko na tinitingala ko.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatayo roon ng unti untimg kumilos ang asawa nya, nagising na ito.

"Doc... Sorry nakatulog ako."

"I think you need to take a rest... Madaling araw na... Umuwi ka na muna at magpahinga."

"Mamaya na lang ho siguro."

MY HUSBANDS MD/ Heal Me With Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon