1 : The Task

24.2K 215 11
                                    

RUSTY POV

" Okay, Class dismiss." Sabi ni Sir Harry, teacher namin sa Mathematics/Algebra.

Sobrang gwapo. Shit!!!!.. Mayroong matitipunong katawan, matalino, matangkad, kayumangi, at higit sa lahat sobrang sarap titigan.
Piling ko kapag tinititigan ko siya ay nasa kama na ako at dinadala niya sa langit.

Ayy!! Pota!
Bakit ganoon?!

Titigilan ko na nga sabi diba?
Lalaki ako diba?
Pero, bakit ang lakas ng hatak mo sakin?

Matagal na kong may pagnanasa kay Sir Harry, kaso ay may kasintahan na siya ayon sa kwento ng ibang mga faculty at mga estudyante, at higit sa lahat ay di naman niya ko magugustuhan dahil sa parehas kaming lalaki.

Sino ba namang gwapo kasi ang papatol sa isang lalaki? Wala diba?
Siguro... Yung mga mahihirap at kailangan talaga ng pera para magamit ay magagawa iyon, pero ang isang mayamang lalaking lalaki at wala namang problema sa buhay pagdating sa pinansyal, ay hindi naman magagawa iyon.

" Rusty. Follow me at the faculty room. See you there?" Pagkasabi niya noon ay mabilis siyang lumabas ng kwarto at naglakad kaya hindi na niya narinig ang sagot ko sakanya.

" Okay, Sir." Walang halong kung anong emosyong sabi ko.
Basta yung normal lang.
Baka kasi, mahalata ako ng mga kaibigan ko, mailang pa sila sakin dahil sa pagnanasa ko kay sir. At maging dahilan pa yun para layuan nila ko.

Paano kapag nilayuan nila ko?
E di hindi ko na sila makikitang naka'brief at topless kapag nagsha'shower kami after basketball.
Di ko na rin maididikit ang pwet ko sa ano nila kapag naglalaro kami ng basketball.

Haha!
Putsa!
Sensya na, di ko naman gusto yun, ewan ko ba sa sarili ko at hinahanap hanap ko yun.

Mga gwapo din kasi sila. Hindi naman ako sumasama sa panget. Tatlo lang naman kaming magbabarkada e.
Si Wendel at si Andy.
Kagaya ni Sir Harry, matitipuno din ang katawan nila. May Abs, at mga muscles pero para sakin si Sir Harry talaga ang gusto ko.
Siya ang pangarap kong maging syota.

" Pre! Hintayin ka nalang namin sa parking lot. Then, diretso tayo sa Alko." sabi ni Wendel saka ako tinapik sa balikat ko.
Mayaman kasi siya kami ni Andy ay may kaya lang sa buhay.

Hindi na ko nagpaligoy ligoy pa at pumunta na ko sa faculty room ni Sir Harry.

Pagkadating ko doon ay nakita ko si Mrs. Cervantes na nakakiya kay Sir Harry. Nakaupo sa hita at hinahawakan ang mukha nito.
Pero alam kong naiinis si Sir dahil nakasibangot ang mukha niya.

Lintek tong babaeng to! Napakalandi! Titser pa man din at nirerespeto dahil isa siya sa mga matatalinong titser na matatawag dito sa university na ito, pero ganun ang ugali. Itinatago ang baho.
Nasa loob ang kulo.
Pero, kung sabagay kasi, Liberated siya since nung nag aaral pa siya, kaya hindi na katakataka yun.
Kahit kanino nakikipag anuhan.

" Magandang Hapon po, Sir Harry. Ma'am Cervantes."
Bati ko sakanila kaya napatingin sila sakin at nagnamadali silang tumayo dalawa dahil sa gulat.

" Ahhmmm.. May class pa ko. Sige." Natataranta at parang napapahiyang sabi ni Ma'am Cervantes tapos ay nagmamadali siyang umalis.

Napako lang ako sa kinatatayuan ko habang pinapanuod ang kilos niya kaya pagkaalis niya at pagtingin ko kay Sir Harry ay nakaupo na siya at may hawak na mga test papers.

Sigurado kong sakin na naman niya ipapa'check yung mga exams namin, saka yung exams nung ibang estudyante niya.
Haay!! Gawain na naman!
Pero, okay lang! Haha.

Basta ikaw, Sir! Nanginginig pa!
Haha.

" De Leon, come here."
Pangunguna niya kaya lumapit ako sakanya ng mabilis.
" I want you--"

Ang Syota Kong Guro (M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon