HARRY POV
Itinakbo namin siya sa pinakamalapit na ospital. Mabuti nalang at hindi siya masyadong napuruhan. Ayon sa Doktor ay minor injuries lang ang tinamo ni Rusty pero, kailangan muna namin siyang hayaang magpahinga hanggang sa magising siya.
Nagtalo pa kaming dalawa ni Lilet dahil gusto niyang ilipat ng ospital sa Manila si Rusty. Ayaw kong pumayag dahil mahirap para kay Rusty ang bumiyahe ng ganoon ang lagay niya.
Pero, kahit anong pakikipagtalo ko sakanya, bandang huli ay siya pa din ang nasunod.Kaya mamayang gabi ay ililipat na si Rusty sa Manila sakay ng ambulansya. Siya kasi ang kapatid kaya siya ang pinanigan. Hindi naman ako kaano-ano ng pasyente.
" Mag-usap tayo." sabi niya sakin ng matapos kaming kausapin ng doktor tungkol sa paglipat kay Rusty sa Manila.
Nauna siyang maglakad kaya sinundan ko siya.
" Lilet." tawag ko sakanya kaya napahinto siya.
" Harry, Layuan mo na ang kapatid ko. " mabilis na sabi niya pagharap niya sakin.
" Ha?" gulat pang tanong ko sakanya.
" Layuan mo ang kapatid ko o siya ang ilalayo ko sayo."
" Lilet naman, wag natin ngayong pagtalunan 'to. Alam mo naman ang nangyari kay Rusty diba? He need us. Kailangan niya ko lalo na't naaksidente siya." sabi ko pa sakanya habang nakangiti ng pilit. Di ko alam ang magiging ekspresyon ko pero, naiinis ako na di ko maintindihan.
" Kung ayaw mo siyang layuan. Dadalhin ko siya sa ibang bansa. Malayo sayo. Nakapagdesisyon na ko. May mga plano akong gagawin para hindi na niya matandaan ang lahat ng nangyari mula ng makilala ka niya hanggang sa maaksidente siya." sabi niya sakin kaya napakunot ang noo ko.
" Lilet, ano ba 'to? Anong laro 'to." naguguluhang tanong ko sakanya.
" Ikaw ang nagsimula ng laro. Kayong dalawa---pinaglaruan niyo ko. " giit niya sakin.
" Lilet, please. Wag mong ilalayo sakin si Rusty. Mahal ko ang kapatid mo. Please. Kung ano man ang binabalak mo wag mong gagawin. Ako nalang ang pahirapan mo. Wag na siya. Nagmamakaawa ako sayo."
" Nakapagdesisyon na ko. Pagbalik natin ng Manila. Habang natutulog si Rusty. Aasikasuhin ko na ang lahat. Ibabalik ko ang mga bagay na dapat ay hindi nangyari. Mga bagay na alam niyang nangyari, ay ibabalik ko sa dati. Para isipin niya na panaginip lang lahat ng nasa isip niya. Palalabasin kong na' comatose siya--- "
" Lilet, mahirap yun--- ano bang pumapasok sa isip mo, Lilet! Wag mong parusahan ang kapatid mo! Ako! Ako ang parusahan mo, wag siya!"
" Marami akong pera. Kaya kong bayaran lahat mabago lang ang mga bagay na alam niyang nangyari. Gagawin ko lahat para sa kapatid ko. Gagawin ko lahat mabura ka lang niya sa isip niya! "
" Pero, hindi ang pagmamahal ko sakanya. At pagmamahalang meron kaming dalawa! Mabura mo man ang lahat. Mapaikot mo man lahat gamit ang pera mo pero, hinding hindi mo mababayaran ang pagmamahalan na meron kaming dalawa." giit ko sakanya.
" Walang magagawa ang pagmamahal mo, Harry. Dahil kung mahal mo siya, hindi ka matatakot ipaglaban siya sa lahat. Hindi ka mahihiyang ipagmalaki siya sa lahat. Pero, duwag ka. Duwag ka, Harry. Kaya wag mong sasabibin sakin na kaya mong i'save ang lahat gamit ang pagmamahal mo. Dahil hindi mo kaya. Simula palang hindi mo na kaya. Kaya nga ginamit mo ko di ba? Dahil hindi mo kaya." sabi niya sakin kaya napahiya ako dahil tama siya.
" Bakit ba ayaw mong sumaya nalang kami ng kapatid mo?"
" Dahil hindi siya sasaya sayo dahil hindi siya bakla. Lalaki siya. At para sa babae lang siya. " mariin na sabi ni Lilet kaya napangiti ako ng sarkastiko.
BINABASA MO ANG
Ang Syota Kong Guro (M2M)
Diversos* Ken Chan - Rusty * Katrina Halili - Lilet * Lharby Policarpio - Wendell * Kiko Estrada - Andy * Enzo Pineda - Buddy * Wilbert Ross - Kris * Anjo Damiles - Alex * Ahron Villena - Dindo * Luke Conde - Luke * Andrea Torres - Gina * Ronnie Lazaro - Ma...