RUSTY POV
Napakasakit ng ulo ko. Sobra. Ngayon lang nangyari sakin ang ganitong katinding hang over sa tala ng buhay ko.
Hirap na hirap akong bumangon at hirap na hirap akong idilat ang mga mata ko.Tumayo ako at umupo sa kama ko habang nakapikit ang mga mata ko. Nagsimula akong mag-inat at magkusot ng mga mata ko.
Biglaan kong idinilat ang mga mata ko saka ako napatulala sa sarili ko sa salaming nakatutok sakin.
Bakit ganoon? Parang ang payat payat ko na? Di ko na din pala naaahitan ang bigote at balbas ko kaya medyo kumakapal na 'to. Ang buhok ko din medyo mahaba na pero, kaya pa naman. Sa isang linggo na ko magpapagupit.
Haays.
" Rusty, tandaan mo ha? sarili mo lang ang mag-aalaga sayo. Kaya please lang! Wag mong pabayaan ang sarili mo. Alam mo ang sitwasyon at kalagayan mo." mahinang sabi ko habang kausap ko ang sarili ko sa salamin.
Napangiti pa ko ng sabihin ko ang huling linyang binitawan ko.Di ko alam pero, parang ang mean ko sa sarili ko. Alam ko naman kasing malabo akong makahanap ng taong magmamahal sakin ng totoo base sa identity ko. Or kung nakahanap man ako, alam kong pagtanda namin walang mag-aalaga samin. At panigurado.., paghihiwalayin pa din naman kami ng mundo lalo na ang mga tao dahil nga kasalanan para sakanila ang magsama ang lalaki sa lalaki.
" Alam ko." sagot ko saka inirapan ko pa ang salamin.
Nababaliw na ko.
Naghikab ako at ang baho ng bunganga ko.
Kadiri. Di ako nakapag toothbrush kagabi.
Parang bulok na bakal.Sa di ko inaasahan ay namataan ko ang bintana ko. Nakabukas yun. Nagtaka ako. Alam ko kasi na kapag umaalis ako ng bahay ay sinasara ko ang bintana ko. At lalo kagabi, wala naman akong kakayahang buksan yun dahil lasing ako ng umuwi ng bahay. At nasisiguro ko na hindi din naman bubuksan ni Ate o nila Wendel ang isang pares ng bintana ko para lang magpahangin or what dahil malamig sa kwarto ko.
Inisip ko kung ano pa ang nangyari kagabi at nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko ang malabong imahe ni Sir Harry sa isipan ko.
Alam kong lasing ako kagabi pero, alam kong nakita ko siya dito sa kwarto ko at kinausap pa niya ko. Umiiyak siya habang hinahaplos niya ang buhok ko. Naramdaman ko pa ang labi niya sa noo ko at ang paglatak ng luha niya sa pisngi ko.
Ang hindi ko nga lang matandaan ay ang napag-usapan namin pero alam ko kasama ko siya dito kagabi.Mabilis akong kumilos at sinilip ang bintana ko. At gaya ng inaasahan ay wala akong nakita doon kung hindi ang bubong at ang labas ng bahay namin. Sinuri ko pang muli ang loob ng kwarto ko baka sakaling nandito siya at nagtatago lang sakin or may naiwan siyang ebidensyang magpapatunay na galing siya dito kagabi pero, wala.
Napahinga ako ng malalim.
" Nanaginip na naman ba ko? " malatang sabi ko saka ako umupo sa kama ko. Pabagsak ko ding inihiga ang katawan ko. Tinanaw ko ang kisame at nginitian ko yun kahit alam kong malungkot ako.
" Ang tanga mo, Rusty. Bakit ka naman pupuntahan ni Sir Harry dito? Edi ba nga galit sayo yun. Saka, ano ka ba? Ano bang meron kayong dalawa? Wala naman, di ba? So, bakit ka niya pupuntahan? For sure si Ms. Cervantes ang pupuntahan niya hindi ikaw. Hindi naman ikaw ang jowa, di ba?" kausap ko pa sa sarili ko.
" Pero, Bakit ganoon? Parang ang hirap naman mabuhay sa mundo. Parang ang hirap mabuhay lalo't may ganito akong katayuan at pinagdaraanan. Parusa mo po ba 'to dahil di ko nilabanan yung dapat ay ako. Dahil pinili kong magpakabakla kaysa magpakalalaki? Kaya kinukonsensya mo ko at si Sir Harry ang ginagamit mong instrumento para magpakalalaki na ko? Ganoon ba yun? Kasi kung ganoon yun, bakit siya pa? Edi dapat babae ang ginagamit niyong pangunsensya sakin para malibugan ako, di ba?! Para umistraight yung titi ko hindi pumaling! Haay! Ang gulo. Nakakasira ng ulo. "
![](https://img.wattpad.com/cover/70765110-288-k539281.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Syota Kong Guro (M2M)
Random* Ken Chan - Rusty * Katrina Halili - Lilet * Lharby Policarpio - Wendell * Kiko Estrada - Andy * Enzo Pineda - Buddy * Wilbert Ross - Kris * Anjo Damiles - Alex * Ahron Villena - Dindo * Luke Conde - Luke * Andrea Torres - Gina * Ronnie Lazaro - Ma...