11 : Welcome Home Bataan!

6.1K 104 9
                                    

RUSTY POV

" Welcome to Bataan! Welcome to My Home! " masayang sabi ni Sir Harry saka niya niyakap si Ate.
Napayuko nalang ako saka umiwas ng tingin.

Maganda nga dito. Tahimik. Saka mapapalagay ang loob ko dahil madaming mga puno. Medyo may pagka'nature lover din ako. Saka, for sure madami akong makukuhanan ng picture dito. Pwede ko siyang gawing profile pic ko. At pwede ko siyang Ipost sa Insta ko.

Nasa ganoong pag iisip ako ng tawagin ako ni M.M.T este Kuya Harry pala.

" Halika nga dito. " sabi niya saka kumindat sakin. Lumapit naman ako sakanya tapos ay inakbayan niya ko. " Simula ngayon, kayo na ang pamilya ko." nakangiting sabi niya pa kaya napatingin ako kay Ate at masayang masaya naman siya.
" Tara sa loob. Panigurado akong inaantay na tayo ni Mang Ding."

Wala nang nagsalita. Pumasok na kami sa loob ng bahay at nadatnan namin ang isang may kaedaran ng lalaki at saka isang binata. Matangkad siya. Maputi. Chinito at higit sa lahat. Maganda ang kanyang pangangatawan na bumagay sa ganda ng kanyang itsura.

Napalunok nalang ako ng laway at saka ako umiwas ng tingin. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay. Old style siya. Gawa sa kahoy pero maganda ang pagkakagawa nito. Alam kong matibay.

" Mang Ding! " masayang bati ni Kuya Harry sa matandang lalaki saka ito tumakbo papunta sa matanda.

Excited?

" Harry! Ang alaga ko!" sagot naman nito saka sila nagyakap dalawa.

" Kamusta, Mang Ding?! Long Time No See! " masayang sabi ni Kuya Harry.

" Heto at mabuti naman kahit papaano. Matibay pa din ang mga buto. Yun nga lang, kailangan mag-ingat kasi hindi na pwedeng mabinat. Haha!" biro nito at narinig kong natawa pa si Ate kaya napatingin ako sakanya.

" Loko-loko ka pa din talaga, Mang Ding! "

" Aba'y hindi na magbabago yun. Haha! Ano ang masasabi mo sa bahay niyong ito? Aba'y alagang alaga sakin ang resthouse niyong ito. "

" Salamat naman po, kung ganun. "

" Malaki ang utang na loob ko sa Pamilya mo, Iho. Kaya bukal sa loob kong suklian ang kabaitang ibinigay niyo sakin. "

" Ayos naman po ba kayo sa likod bahay? "

" Ayos na ayos. Aba'y kahit papaano ay napaganda ko na ang binigay ng Papa mo na bahay sa likod. Pag nga nakaluwag luwag baka lumipat na kami dito at iyon na ang resthouse niyo. Haha!" biro nito kaya natawa silang parehas.
" Bakit nga ba ngayon ka lang bumisita, Iho? Kung hindi ka pa magbi'birthday ay hindi mo pa maiisipang magpunta dito. "

" Busy lang po ako sa trabaho, Mang Ding. Alam mo na teacher tayo e. Kailangang matutukan ang mga bata. Dahil ang bilin sakin ng magaling kong teacher dati, kailangang tutukan ang bata sa pag-aaral dahil ito ang pag-asa ng bayan."

" Magaling nga ang teacher mo na yan. Dahil naitatak niya sa utak mo ang mensaheng nakatatak sa isipan niya. "

" At ang  pinakamagaling na Teacher na yon? Ay walang iba kung hindi ikaw, Mang Ding. Ang Family Driver namin tapos Tutor ko pa. Saan ka pa diba?! Haha!"

" Haha! Binola mo pa ko. Aba'y maiba ako, sino ba yang kasama mo? Aba'y asawa at anak mo na ba ang mga yan? Ang ganda ng asawa mo ha. At ang anak mo'y hindi mo kamukha. Pero gwapo siya."

Wow naman tatang! Anak agad?
Hindi ba pwedeng ako yung Asawa. Hehe.

" Nako, hindi ho. Masyado pang maaga para sumabak ako sa ganoong estasyon ng buhay. Anyway, girlfriend ko po siya Mang Ding.., siya si Lilet. Lilet, si Mang Ding. Mang Ding si Lilet."

Ang Syota Kong Guro (M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon