16 : Nightmare of Kris

4.3K 78 1
                                    

RUSTY POV

" Isuot mo muna 'tong jacket ko para hindi ka lamigin." sabi niya sakin at pilit niya iyong inabot sakin. Umupo siya sa tabi ko habang sisinghot singhot ng sipon niya.
" Pagpasensyahan mo na yung amoy. Nakulob na siya masyado. Di ko na din kasi yan masyadong nagagamit. Natambak na din dito kaya di na nalabhan." dagdag pa niya.

" Okay lang pero,--paano ka? Maginaw. Ikaw naman ang lalamigin. " pag-aalala ko pa pero, nginitian niya lang ako.

Nandito kami sa kweba. Hindi kami nakaalis dahil nga sa hanggang ngayon ay napakalakas pa din ng ulan. Parang bumabagyo na di ko malaman.

Hindi naman namin magawang suungin yun dahil baka biglang magka'landslide. Kaya mas mabuting nandito nalang kami sa loob ng kweba para alam naming ligtas kami.

" Paghuminto yung ulan, lalakad na tayo. Sigurado kong hinahanap ka na nila." nakayukong usal niya habang pinaglalaruan ang mga daliri niya.

Nakahubad siya sa pang-itaas dahil nga sa nabasa kami parehas ng ulan.
Tanging jacket lang daw kasi ang meron siya dito sa kweba na pwedeng magamit pangsuot sa katawan at iyon nga ang ipinagamit niya sakin.

" Balutin mo kaya yung katawan mo ng kumot? Para hindi ka lamigin." suhestiyon ko pa saka ko inilagay iyon sa katawan niya.

Hinayaan niya lang akong ibalot iyon sakanya. Nasa ganoon kaming sitwasyon ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
Napatingin ako dun saka ako tumingin sakanya. Nakatingin siya sakin sa mata.

Nangungusap ang mga iyon.

" Sorry ulit kanina." malungkot ang boses na sabi niya saka ako nginitian ng pilit.
Pumatak ang luha niya kaya ang ginawa ko ay pinunasan ko yun gamit ang kabilang kamay ko.

Hindi pa kasi niya binibitawan ang kamay ko at hindi ko alam kung bakit ayaw ko din alisin iyon.

" I understand. Wag ka ng umiyak. Sorry din. " usal ko pa tapos umiwas lang siya ng tingin sakin.
" Hayaan mo. Susundin ko yung sinabi mo. Pagbalik namin sa maynila. Sasabihin ko kay Sir Harry ang lahat. Sasabihin ko kay Ate ang tungkol sa video.., at sa pagkatao ko. Kasi tama ka, sila lang makakatulong sakin. " sabi ko saka ko binitawan ang kamay niya.

Yumuko ako dahil, pakiramdam ko ay maiiyak ako. Ayaw kong makita niyang umiiyak ako.

" Alam mo? Maswerte ka. Kasi may pagkakataon ka pang linisin ang pangalan mo. Pero ako? Hindi ako nabigyan nang pagkakataong gawin yun. Kaya wala na. Nadungisan na nila ang pangalan ko." nakangiting sabi pa niya pero, pilit lang ang mga iyon.

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

" Katulad mo.., natatakot din akong malaman ng mga tao kung ano talaga ako. Alam mo yung pakiramdam na.., Gusto kong magpakalalaki pero, lumalabas talaga yung parte ng pagkatao ko na sa halip babae ang hinahanap niya, ay lalaki ang tinitingnan nito (saka niya tinuro ang puso niya). Pinigilan ko. Pinipigilan ko yung sarili ko. Mostly, ina'attrack ko yung sarili ko sa mga babae pero, at the end.., sa lalaki pa din talaga ako naa'attract. Gusto kong nakakakita ng abs. Nalilibugan ako kapag nakakakita ako ng gwapo. At ang unang tinitingnan ko kapag nakakakita ako ng gwapo, ay umbok nila sa harap. Nakakatawa pero, totoo yun. Kaya hindi ko masabi sa sarili ko na Bisexual ako. Kasi hindi naman ako naa'attract sa babae. Hindi ko rin masabi na bakla ako. Dahil alam ko, lalaki pa din ako. Ayaw kong maging bakla o kahit bisexual. Kasi gusto kong mabuhay ng normal. Yung tanggap ka ng mga nasa paligid mo. Yung hinahangaan ka nila kasi lalaking lalaki ka. Yung nagagawa mo yung mga bagay na nagagawa ng mga kalalakihan. Kaya nagagalit at naiinis ako kapag tinatawag nila kong bakla. Parang mayroon sa puso ko na biglang sumasakit pero, sa halip ipagtanggol ko yung sarili ko na hindi yun totoo, nananahimik nalang ako kasi alam ko hindi naman totoo yung sinasabi nila. Pero, wala e, kahit anong gawin ko, malambot talaga ko. Tama sila at hindi ko lang maamin sa sarili ko. Iba ko sakanila, Rusty. Iba tayo sakanila. Hindi ko alam kung bakit, paano---pero, alam ko iba ako sakanila. Naiingit ako sakanila. Nabubuhay sila ng normal, payapa pero, ako? Nagtatago. Nagpapanggap. Hindi makalaya. Magsinungaling man ako sa mundo pero, hindi kayang magsinungaling ng puso ko sa sarili ko." sabi pa niya kaya hinawakan ko siya sa hita niya.
Napatingin siya don pero, para sakin ay wala namang malisya ang ginawa ko.

Ang Syota Kong Guro (M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon