24 : Finding The Truth

3K 82 16
                                    

RUSTY POV

Wala pa din sa kundisyon ang utak ko. Alam kong gising ako pero, yun lang yun.

Nandito kami sa loob ng kwarto ko. Dito sila matutulog para samahan ako.
Okay lang naman sakin walang problema. Dati na din naman naming ginagawang matulog dito ng magkakasama.

" Pre, wag ka ng umalis. Sa susunod na linggo sasamahan ka namin. Hindi namin ipapaalam kay Ate Lilet. " sabi ni Andy kaya napatingin ako sakanya ng seryoso.

" Teka? Bakit kailangang hindi niya alam?  Okay lang naman malaman niya e--bakit kailangang itago sakanya? Mayroon ba siyang dapat hindi malaman sa gagawin ko kaya kailangan magtago pa ko?" paninigurado ko pa habang nagtataka sa sinabi nila.

Nagkatinginan silang dalawa at matagal bago kumibo.

May hindi sila sinasabi sakin.

" Hindi ganoon. I mean, Kasi for sure hindi ka niya papayagan na ganyan ang lagay mo. Kailangan mong magpagaling. Malayo ang Bataan. Mapapagod ka." mabilis na segunda ni Wendell.

" Wendell, please. Alam kong nag-aalala kayo. Pero, pwede ba kung hindi niyo ko sasamahan--suportahan niyo nalang ako. Kahit ngayon lang. Mamayang madaling araw ang alis namin ni Alex. Nakausap ko na siya."

" Sasama kami." biglang sabi ni Andy kaya gulat napatingin sakanya si Wendell. Mayroon pang senyasang naganap sa pagitan nilang dalawa na hindi ko maintindihan.
" Sasamahan natin siya. " pag uulit ni Andy.

" What?! Are you out of your mind?! " gulat na reaksyon niya pa.
" Gusto mo bang magkagulo?!" impit na sabi niya kay Andy pero, narinig ko yun.

Bakit naman magkakagulo?

" Sasamahan natin siya, Wendell. He need us. Kung si Alex nga masasamahan siya, tayo pa kaya na kaibigan niya for a long time?"

" halika nga dito!" sabi ni Wendell saka niya hinila si Andy palayo sakin. Nagbubulungan silang dalawa. Hindi ko naririnig iyon pero, pinapakiramdaman ko sila at tinitingnan.

" Alam ko! Kaya nga sasama tayo di ba to make sure na wala siyang..." sabi ni Andy tapos ay tumingin siya sakin. Habang nakatingin siya sakin ay pahina ng pahina ang boses niya hanggang sa hindi ko na narinig pa ang sinabi niya.

" Pwede ba? Wag niyo ng iparamdam sakin na may mga sikreto kayong hindi ko alam. Heto lang ako oh. Tigilan niyo na ang bulungan niyo. Di naman big deal kung sasama kayo o hindi. " sabi ko saka ko sinara ang bag ko na may laman na mga damit ko.

" No! Sasama kami." biglang bawi ni Wendell.

Napailing nalang ako. Di ko sila maintindihan.
Gusto kong mag-isip ng kung ano laban sa kinikilos nila pero, ayaw ko. Kaibigan ko sila at alam kong di nila ko pagtataksilan.

" Oh? Di pa kayo tulog?" pagbukas ng pinto ay bungad ni Ate kaya medyo nagulat pa ko. Buti ay nailagay ko na sa ilalim ng kama ang bag ko na dadalhin ko bukas. Konti lang naman yun, incase of emergency lang.

Hindi man lang kumatok. Mamaya ay mga nakahubo kami dito.

" Patulog na po. Nagkakabiruan na lang." sabi ni Andy.

" O sige. Matulog na kayo at bukas na kayo magkwentuhan. " nakangiti pang sabi ni Ate tapos ay isinara na ang pinto.

" Ilang araw ka ba doon?" baling ni Wendell sakin.

" Hindi naman ako magtatagal." sabi ko saka ako humiga sa kama.
" Babalik din tayo agad. " dagdag ko pa saka ko ipinikit ang mata ko.

Di na ko kumibo pa. Pinakiramdaman ko sila at mula sa pagkakahiga ko ay para silang mga bubuyog na nagbubulungan. Wala akong maintindihan pero, alam kong nag-uusap sila.

Ang Syota Kong Guro (M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon