2 : Unexpected

13.8K 170 12
                                        

RUSTY POV

Nag'hang out muna kami nila Wendel sa isang bar. Nagyaya kasi sila bago umuwi. 2 days kasi kaming straight na walang pasok kaya ayun!

Nagkayayaang uminom.
Hindi naman kami mga lasing. Nasa katinuan naman kaming tatlo, pero yun nga lang hindi mawawala yung mga kalokohan.

Hinatid kami ni Wendel sa mga bahay namin dahil sa siya ang mayroong kotse saming tatlo.

Kami kasi ay merong isang kotse kaso si Ate Lilet naman ang gumagamit noon. Hindi ko nga nagamit yun kahit minsan e kasi ayaw niyang ipagamit dahil daw baka magasgasan ko at masira ko.

Ang arte! Bulok naman yung kotse niya!
Feeling mayaman! Di naman kami ganong kayaman katulad ng lagi niyang iniisip.

Pero, kahit papaano ay mahal ko yun. Kami nalang dalawa ang magkasama sa buhay e. Siya ang bumubuhay at nagpapaaral sakin. Kaya... Utang ko ang lahat ko sakanya. At isa pa!

Kahit na babakla bakla ako minsan... Ililigtas ko siya sa mga tao at lalaking mananakit sakanya.
May back up pa ko! Kaya... Subukan lang nila!

Nang makarating ako sa bahay ay may nakaparadang kotse.

Teka??

Kilala ko tong kotseng to ha!

Kay.....

" O? Rusty! Nandyan ka na pala. Halika bilis! Ipapakilala ko sayo ang nobyo ko."

Nobyo???

" Sino??"

" Basta! Tara na!"

Hindi na ko nagsalita at sumama ko sakanya. Pero nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino yung nakaupo sa may sofa.

Sir Harry??

" Harry, Si Rusty. Kapatid ko. Rusty, si Harry boyfriend ko."

" I know him, Lilet. He's my student. I was giving him pa nga an assignment e."

" Anong assignment?"

" Checking his classmates test papers because,  I know that he can get a perfect score in my exam. And my guts not wrong because, when I decided to check his paper, those questions that I wrote in the test papers, he answered it all correctly. That's why I gave him an assignment. "

English ng english.
Nagdudugo na ilong ko sayo.

" Naks! Galing talaga ng kapatid ko!" puri sakin ni Ate pero nginitian ko lang siya ng pilit.

" Matalino ang kapatid mo at lagi siyang nakakakuha ng mga matataas na scores. Active nga yan sa klase ko e."

" I'm so proud of you talaga, brother! So, kapag nagloko kang bata ka. Alam mo na ang mangyayari. Isusumbong ka sakin ng Kuya Harry mo."

" Kuya?? e teacher ko siya e."

" Kuya ang itawag mo sakin kapag nasa labas ng school. Sir kapag nasa loob ng school. It's that alright?"

" Sana pwede din kitang tawaging mine." Bulong ko.

" Ha? What did you say? "

" Wala po. Sabi ko po... Sana magtagal kayo ni Ate. Loveless kasi yan haha" palusot na biro ko saka ako tumawa para di obvious.

Haay!

Ang sakit naman.

Pero, on the otherside. Masaya rin.

Kasi, lagi ko siyang makikita na dumadalaw kay Ate! Hahaha.








Kinabukasan,

Ang Syota Kong Guro (M2M)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon