25 : Flashdrive

3.1K 85 7
                                    

RUSTY POV

Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakita ko agad si Wendell sa tabi ko. Nakaupo siya sa upuan habang nakadukdok sa kama ko. Si Alex naman ay nakasandal sa pader at nakahalukipkip ang dalawang kamay.

Hinanap ko si Andy pero, wala siya.

Alam kong nasa ospital ako base sa mga materyales, aliwalas at amoy na nalalanghap at nakikita ko.

" Rusty?" tawag sakin ni Alex kaya mula sa pagkakayuko ni Wendell ay tumayo ito at agad niya kong inasikaso.

Lumapit din sakin si Alex at katulad ni Wendell ay panay tanong sakin kung ayos na ba ang pakiramdam ko.

" Ayos lang ako. Wag niyo kong alalahanin." mahinang sagot ko sakanila saka ko sila binigyan ng pilit na ngiti.

" Mataas ang lagnat mo. Bumaba ang stamina mo kaya nawalan ka ng malay kanina." paliwanag ni Wendell sakin.

Parang wala lang sakin ang sinabi niya. Hindi ko iyon pinakinggan dahil hindi ko naman nararamdaman na parang may lagnat ako. Pakiramdam ko ay ayos pa naman ang lagay ko.

" Nasaan si Andy?" tanong ko dahil nga sa siya lang ang di ko makita ngayon sa kwarto ko.

" Bumili lang siya ng pagkain sa ibaba pero, pabalik na din yun. " sagot ni Alex habang nakangiti sakin. Umiwas ako ng tingin at tiningnan ko si Wendell na nakatingin din sakin. Malamlam ang mata niya. Malungkot ang itsura niya.

" Tinawagan ko na si Ate Lilet. Papunta na siya dito sa Bataan." nakayukong sabi ni Wendell kaya napahinga ako ng malalim.

Hindi ko inisip ang sarili ko sa pagkakataong ito lalo na't nalaman kong papunta na si Ate. Kaya kong tanggapin at pakinggan ang lahat ng sasabihin niyang pangaral at ang kaingayan niya. Si Alex lang talaga ang naisip ko agad kaya siya ang tiningnan ko. Gusto ko siyang paalisin para hindi sila magpang-abot ni Ate dahil alam kong hindi magugustuhan ni Ate na makita si Alex dito pero, nakakahiya naman kung gagawin ko yun. Ako na nga ang nang-istorbo sa tao kaya siya nakasama dito sa Bataan tapos ay papaalisin ko pa.

Bahala na. Siguro naman ay hindi gagawa ng eskandalo ang Ate. Nandito din naman ang mga kaibigan ko kaya pakiramdam ko ay may magtatanggol naman kay Alex kapag hindi ko na kinayang makipagtalo.

Bakit ba kasi ang init ng dugo sayo ng Ate?
Ano ang meron ka at hindi ka niya agad nagustuhan?

" Pasensya na. Sorry sainyo." mangiyak-ngiyak at nanginginig ang boses na sabi ko. Hindi ko na nakayanan ang emosyon ko kaya tinakpan ko ng kamay ko ang mukha ko.

" Ssshh. Hindi mo kasalanan, okay? Wala kang kasalanan." sabi ni Alex saka niya ko hinipo sa ulo ko.

" Gusto kong humingi ng sorry sayo, Alex. Kasi dinamay pa kita sa kahibangan kong 'to. Sorry."

" Wag mong isipin yun. Kahit anong mangyari nandito lang ako. Nandito lang kami. Basta sa susunod, wag nang matigas ang ulo. Tingnan mo, muntik ka ng mapahamak. Paano kung hindi ka namin nasundan at nakita? Sino ang magliligtas sayo sa loob ng kweba? Saan ka namin hahanapin?" nag-aalalang sabi pa niya habang ramdam na ramdam ko sa boses niya ang pangamba.

" Hayaan niyo. Hindi na mauulit. Pangako." desididong sabi ko.

Oo, desidido na ko. Ayaw ko na. Suko na ko. Simula ngayon, hindi ko na iisipin at ipagpipilitan ang mga bagay na hindi naman nangyari.

" Ang kailangan mo ngayon ay magpalakas at magpahinga. Kailangan mong kumain ng tama. Kailangan mong alagaan ang sarili mo para hindi ka magkasakit. Ang payat mo na. Biglang bagsak ng katawan mo, oh. " bakas ang pag-aalalang sabi ni Wendell habang sinusuri niya ang katawan ko.

Ang Syota Kong Guro (M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon