14 : Jealousy To The Highest Level

4.6K 82 4
                                    

RUSTY POV

" Pakitaan mo nga sila Apo kung gaano ka kagaling tumugtog ng gitara at kung gaano kaganda ang boses mo." pangbubuyo na naman ni Mang Ding.

Kakatapos lang naming kumain. Nagdala si Mang Ding ulit ng lambanog pero, sa pagkakataong ito silang dalawa nalang ni Sir Harry ang iinom. Ayaw ko din kasi dahil baka mamaya makasanayan ko.

Pinagbigyan naman ni Ate si Sir Harry dahil, bihira lang naman daw itong uminom. Kaya siya nalang daw ang magda'drive mamaya pag pauwi na kami kung hindi kaya ni Sir Harry mag'drive.

Ako kasi, sanay naman ako. Yun nga lang wala akong lisensya. Saka ayaw kong mag'take ng risk. Sarap kayang matulog sa biyahe. Hahaha.

" Lo! Nakakahiya! " angal na naman ni Kris saka niya nilamukos ang mukha niya. Natawa naman ako kasi ang cute niya. Para siyang batang nagmamaktol dahil ayaw niyang gawin ang isang bagay na ipinapagawa sakanya.

" Aba'y bakit ka mahihiya kung maganda naman ang boses mo!" pangaral pa i Mang Ding sakanya.

" Oo nga, Kris! Parinig kami!" excited na sabi pa ni Ate. " Para naman bago kami umalis, marinig namin yung boses mo. Saka sa pasko pagbalik namin, magkakaraoke tayo at ikaw lagi ang taya kasi pangit ang boses namin. Ay! Eto palang kapatid ko, maganda din boses niya. Kayong dalawa ang taya." dagdag pa niya saka ako tinuro.

Siraulo talaga 'to. Dinamay pa ko, nananahimik ako.

" Sige na. Tumugtog ka na. Wag ka ng mahiya. Tayo-tayo lang dito e. " pangbubuyo pa ni Sir Harry pero, halata ko sa boses niya ang pagka inis. Yung paraan kasi ng pagkakasabi niya ay parang, maibigkas niya lang.

Aha! Nagseselos talaga siya kay Kris ha. Sige. Hahaha pagselosin pa natin.
Hahaha tingnan ko lang kung paano magselos ang isang Harry Bartolome...

Ay! Nakita ko na pala siyang magselos kay Buddy. Pero---hindi! Iba si Buddy. Si Buddy, hindi ko naman gusto yun---E hindi ko din naman gusto si Kris e.
Ee! Buset! Wag na nga! Ayaw ko na! Wala ng selos selos na magaganap.

Makikinig nalang ako ng kanta ni Kris.

" Kumanta ka na. Kahit pangit boses mo, makikinig kami, bilis! " sabi ko tapos ay kakamot kamot siya sa ulo niyang kinuha ang gitara at inayos ang pagkakahawak non.

" Wag kayong umasang maganda ang boses ko ha." sabi pa niya.

" Sus!" sabay sabay na sabi namin ni Mang Ding at ni Ate. Si Sir Harry naman ay nakatingin lang kay Kris. Akala mong mananapak siya habang hawak niya ang baso na may laman na lambanog.

Grabe naman magselos 'to. Akala mong aping-api.

" Yehey! Ayan na kakanta na siya!" sabi pa ni Ate saka inukyabit ang kamay niya sa braso ni Sir Harry.

Ako naman ay tumingin nalang kay Kris--este sa ginagawa niya sa gitara. Bahala kayong maglampungang dalawa diyan.

Inumpisahan niyang tipahin yun. At sa di ko alam na dahilan, napatingin ako sakanya.
Parang bumagal na naman ang ikot ng mundong ginagalawan ko.

May sparks akong nakita sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag.

" Parang biro lamang
Dumating ang tulad mo
At may isang pag-ibig na tapat at totoo
Dahil sa'yo naramdaman
Ang tunay na pagmamahal
Iniibig kita kahit sino ka man

Ikaw na nga
Ang hinahanap ng puso
Ang siyang magbibigay ng saya at tamis
At lambing sa buhay ko

Ikaw na nga
Ang bawat panaginip ko
Sa piling mo'y nagkatotoo
Ang lahat ng mga pangarap ko

Ang Syota Kong Guro (M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon