RUSTY POV
Lumipas ang ilan pang mga araw. Hindi pa din talaga mawala sa isip ko ang lahat ng mga naiisip ko na nangyari pero, para sakanila ay di naman talaga nangyari. Panaginip. Iyon ang tawag nila.
Wala ba kong ibang magiging kakampi? Kahit isa lang masaya na ko. Kahit isa lang.
Gusto kong maniwala na panaginip lang ang lahat pero, yung puso ko hindi sumasang-ayon kahit anong pilit ko.
Gusto kong maghanap ng sagot pero, kahit saang lupalop yata ng mundo ako magtungo ay wala akong makukuha. Kahit kanino ako magtanong ay walang matinong sagot ang ibibigay sakin.
Gusto kong matuldukan lahat ng katanungan sa isip ko pero, paano? Paano ako makakahanap kung lahat ng tao sa paligid ko ay di ko naman mapaniwala.
Gusto kong mapagod pero, ayaw ko. Dahil kapag napagod ako parang sinukuan ko na din ang pagmamahal ko sa kaisa-isang lalaking minahal ko ng lubos. Ang pinag-alayan ko ng puso ko at ang kaisa-isang lalaking pinapasok ko sa buong buhay ko.
Siya lang naman ang dahilan kung bakit hinahabol ko ang mga bagay na alam kong nasa nakaraan ko e. Siya lang. Pero, kung wala siya doon? magpapasalamat nalang ako ng sobra sobra dahil pwede ko nang baguhin ang buhay ko sa paraang hindi ko nagawa noon.
At yung mga maling nagawa ko ay pwede ko ng itama.Alam kong hindi ako perpekto. Alam kong nagkamali ako at nagtaksil ako sakanya ng maraming beses. Pero, kung ito yung parusang napiling ibigay ng tadhana ay tatanggapin ko. Handa akong maghirap at pahirapan ang kalooban ko alang-alang sa pagmamahal ko sakanya. Basta sabihin lang ng mundo ang katotohanang hinahanap ko.
Yun lang. Masaya na ko. Kahit alam kong masasaktan ako.Habang malayo ang tanaw ko, at malalim ang iniisip ko ay bigla akong nagising ng makita ko si Sir Harry na kasama si Ms. Cervantes.
Biglang kinurot ang puso ko lalo na't ang bulong-bulungan ay may relasyon ang dalawa.
Pinagmasdan ko sila at halata na masaya silang dalawa.Ako dapat yun e. Hindi si Ms. Cervantes.
Ako dapat yung kasama niya, kausap niya, nagpapasaya sakanya at hindi si Ms. Cervantes.Ang daming tanong na pumapasok sa utak ko pero, hindi ko kayang tanggapin ang sagot na nakikita na ng mga mata ko.
Gusto kong magbulag-bulagan pero, yung puso ko na talaga ang nagmumulat sa katotohanan.
" Pre? Okay ka lang? Ang lalim na naman ng iniisip mo." si Andy saka ako inakbayan.
" Gusto niyong uminom mamaya?" tanong ko. Wala na talaga akong ibang mapagbalingan ng nararamdaman ko. Alak lang ang magiging kakampi ko sa pagkakataong ito.
" Ha? " tanong niya pa sakin. Halata sa mukha niya ang pagkagulat sa sinabi ko pero, agad din niya iyong pinawi.
" Sagot mo ba?" tanong niya saka ako tumango.
" Osige. Mamaya after class. Last subject naman na natin si Sir Harry." dagdag pa niya saka muling tumingin sa Cellphone niya.Di na ko nagsalita. Sakto naman na dumating si Wendel dala ang pagkain na inorder niya. Tatlong burger lang naman yun saka tatlong fries at tatlong mineral water.
" Pre, nagyayaya si Rusty uminom mamaya. Sagot daw niya." kwento ni Andy pagkaupo ni Wendel sa tabi ko.
" Sige ba. Miss ko na din uminom e. Saka miss ko na din kainuman 'tong mokong na 'to." turo pa niya sakin. " Pero... Magpaalam ka muna kay Ate Lilet. At saka, kami ang nagda'drive ha. Ikaw ang ihahatid namin."
Ngumiti nalang ako dahil, parang wala talagang gana ang buong pagkatao kong nakipag-usap o makipagtalo. Buhay pa ko pero, pakiramdam ko ay patay na ang katawan ko.
BINABASA MO ANG
Ang Syota Kong Guro (M2M)
Aléatoire* Ken Chan - Rusty * Katrina Halili - Lilet * Lharby Policarpio - Wendell * Kiko Estrada - Andy * Enzo Pineda - Buddy * Wilbert Ross - Kris * Anjo Damiles - Alex * Ahron Villena - Dindo * Luke Conde - Luke * Andrea Torres - Gina * Ronnie Lazaro - Ma...